Wednesday, November 12, 2008

nov 12 2008 abante tonite issue

Pagsibak sa mister na gabinete, iniyakan ni esmi
(Rey Marfil)

Hindi nag-iisa ang tinaguriang ‘Crying Lady’ ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos iyakan ng misis ng isang gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakasibak sa puwesto ng kanyang mister.
Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, halos maglupasay sa baldosa ang misis ng isang dating gabinete ni Mrs. Arroyo matapos alisin sa puwesto ang kanyang mister gayong sobrang tapat sa amo nito.
Bago nasibak ang gabinete, ito’y ma­kailang-beses nagkasa­bit-sabit sa mga interbyu, as in sablay ang mga binibitawang media interview at madalas pang saliwa sa nilalaman ng press conference ng mga nagsisilbing spokesperson ni Mrs. Arroyo.
Dahil nagkakasabit-sabit ang pronouncement ng gabinete, napuwersa ang Palasyo ng MalacaƱang na sibakin sa puwesto at nagsilbing pampalubag-loob ang paglilipat sa ibang ahensya ng gobyerno.
Bagama’t nabigyan ng panibagong trabaho ang gabinete, hindi matanggap ng kanyang misis ang paglilipat ng opisina kung kaya’t halos maglupasay sa sama ng loob at galit sa mga kampon ni Mrs. Arroyo.
Sa tindi ng pagkadismaya at sama ng loob ng misis ng gabinete kahit nabiyayaan ng panibagong trabaho ang kanyang mister, nagawa pang magpakalat ng malisyosong text messages laban sa kasalukuyang administrasyon, maging sa amo ng kanyang esposo.
Maging ilang kaibigan at kakampi sa opposition bloc, ito’y nagawa pang sulsulan ng misis ng gabinete na ibunyag ang mga kabulastugan ng admi­nistrasyong Arroyo suba­lit walang kumagat dahil walang ebidens­yang ibi­nigay ito.
Sa panahong naglulupa­say ang misis ng gabinete, lingid sa kaalaman nitong merong nakareserbang pu­westo sa kanyang mister kung kaya’t kung anu-anong tsismis ang ipi­na­kalat sa mga taga-oposis­yon laban sa kanyang amo.
Clue: Malaki ang pagkakautang ni Mrs. Arroyo sa mag-asawa lalo pa’t ma­halaga ang papel sa Estrada impeachment trial ng gabinete. Merong letrang ‘T’ ang esmi ng gabinete, as in Tumabo sa fertili­zer fund noong 2004 mula sa Visayas region at kapangalan ng isang European country ang gi­ven name. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: