Tuesday, November 4, 2008

nov 4 2008 abante tonite issue

Sumabit si ‘Mr. President’
Rey Marfil


Walang ibang pinakamasuwerte sa Araw ng mga Patay kundi ‘ang bayaning isinusuka ng mga vendor’--si MMDA chairman Bayani Fernando, aba’y pati sementeryo, walang pinatawad si Fernando at nagkalat ang naglalakihang tarpaulin at pagmumukha sa tabi ng nitso, mabuti na lang, hindi novena sa patay ang orasyon ng kapitbahay ni Moymoy noong a-Uno kundi ipinanalanging madagdagan kahit kalahating porsiyento ang kasalukuyang 1% popularity rating ni Fernando. Ni sa panaginip, ayokong isiping gumagastos si Fernando para hindi matanggal sa Celebrity Duets ng GMA-7 lalo pa’t walang appeal bilang presidentiable, maliban kung nakahanap ng sponsor? Kahit kay Cong. Roilo Golez, hindi mananalo si Fernando sa survey at debate kaya’t patawa ang pagtakbong Presidente, maliban kung pupuntiryahin ang pedicab association sa Marikina River!
Napag-usapan ang Araw ng mga Patay, isang obserbasyon lamang ni Kuyang Omeng M, tila hindi pantay ang trato ng Office of the Senate President (OSP) sa lahat ng empleyado. Mantakin n’yo, nang pumanaw si Public Relation Information Bureau (PRIB) director Jose ‘Joe’ Garcia, ilang linggo ang nakakaraan, isang beses lang na-announce ang pinagburulan pero nang pumanaw ang ama ni Senate Secretary Emma Lerio-Reyes, halos oras-oras inaanunsiyo sa buong Upper House at meron pang dalawang bus na naka-standby sa parking lot para dalhin ang mga empleyado sa Sucat gayong hindi naman empleyado ng Upper House. Pati ba naman sa patay, meron pang palakasan system?
***
Hanggang ngayon, hindi masibak ng isang presidentiable ang inarkilang media handler sa kabila ng kabulastugan at kahihiyang inabot sa top executives ng kilalang giant television network. Mantakin n’yo, hindi pa nagsisimula ang tunay na labanan sa 2010 presidential race, maagang rumaket ang inarkilang media handler at nagkasabit-sabit si ‘Mr. President’. Ang problema, walang mahanap na kapalit si ‘Presidentiable M’ kaya’t pinagtitiyagaan si ‘Communication Chief C’. At wala ring gustong pumasok sa kampo ng presidentiable dahil napakalabo sa survey at nakikialam ang mga ka-family!
Kundi napigilan ng presidentiable ang ngitngit ng mga top executives ng kilalang giant television network, nadisgrasya ang maagang pagpapa-pogi at walang ibang may kasalanan kundi ang inarkilang communication chief. Mabuti na lang, napakiusapan ang giant network at hindi inilabas sa isang news program ang pekeng listahan ng ‘payola’ na ipinakalat ni Communication Chief C kung saan idinamay ang ilang taga-news desk. Ang kuwento: nasa umano’y payola ng presidentiable ang karamihan sa news desk, alinsunod sa listahan ng kanyang communication chief--ito’y nagkakahalaga ng P15,000.00 kada buwan, kabilang ang isang lady reporter na nakabase sa Senate at apat (4) sa loob ng giant network. Kaya’t dapat pasalamatan ni Presidentiable M ang kanyang ‘Chica Babe’ sa network!
Ang malaking pagkakamali ni Communication Chief C, hindi tumatanggap ng payola ang mga taong pinagbabanggit at isinama sa ‘payola list’. At lalong nagkasabit-sabit si Communication Chief C dahil row four sa background check at hindi alam nitong maraming kaibigan sa kanilang office si Lady Reporter L upang isumbong ang pangra-raket, as in nakatrabaho ng kanyang mister ang karamihan sa staff ng presidentiable. Sa galit ni Lady Reporter L lalo pa’t ‘mortal sin’ sa office policy ang ‘extra curricular activities’, kinompronta ang presidentiable at pinabulaanan ang pagtanggap ng buwanang payola kay Communication Chief C kaya’t abot-langit ang sorry ni Presidentiable M.
Ang nakakatawa sa lahat, bago pa man nagkabukingan sa pekeng ‘payola list’, naunang pinadalhan ng P10 libong ‘GC’, as in gift certificate ni Communication Chief C si Lady Reporter L. Ito’y kaagad ipinasoli ng lady repoter at pinagdudahan ang motibo lalo pa’t hindi naman birthday at malayo pa ang Disyembre. Kapag binalikan ang P15 libong inilista ni Communication Chief C bilang payola kay Lady Reporter L, lumalabas pang ‘binukulan’ o ‘nag-tongpats’ ng P5 libo kada buwan ang kumag. Talagang saksakan ng corrupt ni Communication Chief C, aba’y hindi pa nakuntento sa P150 libong monthly salary kay Presidentiable M kahit wala namang naitutulong para iangat ang popularity rating. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: