Kung ‘deadmatic’ sa panahong matatamis ang pagtatampisaw sa ulan ng kaligayahan, ngayo’y ni ayaw madikit ng isang primadonaang lady solon ang kanyang pangalan sa nakarelasyong matandang mambabatas. Sa report na nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang sa kanyang ex-husband naiirita ang primadonang lady solon kapag ikinakabit ang surname sa pangalan nito bagkus pati sa nakarelasyong matandang solon. Ang rason, natatakot ang primadonang lady solon na madikit ang kanyang pangalan sa nakarelasyon na matandang solon lalo pa’t malaki ang ambisyon nito sa pulitika, as in kabadong maeskandalo ang bebot at masira ang kanyang plano. Sa nagdaang panahon, walang inatupag ang primadonang lady solon kundi itanggi ang pakikipagrelasyon sa matandang solon at iniiwasan ding sagutin sa alinmang media interview ang pagkakaroon ng koneksyon dito. Ngayong nalalapit ang eleksyon at balik sa normal ang political agenda ng primadonang lady solon, halos pandirihan nito ang nakarelasyong solon, as in ‘deny to death’ kapag nababanggit ang pangalan ng matandang kelot na naging kaibigang matalik nito. Maging sa session hall, madalas pagtripan ng mga mediamen ang ‘closeness’ ng primadonang lady solon at matandang solon subalit nagsimula nang mag-iwasan ang dalawa ngayong nalalapit ang eleksyon dahil posibleng maeskandalo at gamiting propaganda laban sa bebot. Bagama’t nananatiling legal ang kasal ng matandang solon, ito’y matagal nang hiwalay sa kanyang misis at naka-condominium ito katulad din ng primadonang lady solon kung saan nilisan ang kanilang bahay, kasama ang mga anak nito. Clue: Kung anong bulol sa pagta-Tagalog ng matandang solon, siya namang saksakan ng ‘plastic’ sa publiko, maging sa mediamen ng primadonang lady solon. Kapwa meron letrang ‘A’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido ang dalawang mambabatas, as in Ang husay magtago. Kung kongresista o senador, kayo ang humusga sa 2010 election. (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
No comments:
Post a Comment