Tuesday, November 11, 2008

nov 11 2008 abante tonite issue

Nasaan si Erap?
Rey Marfil


Naubos nang lahat ng bakasyon at balik-sesyon ang Kongreso kahapon, wala pa ring signatures ang draft report ni Mi­riam Defensor-Santiago sa Moscow trip at wala ni isang he­neral na napaaresto sa Office of the Sergeant at Arms (OSAA), maliban kung takot si Aling Miriam sumabit sa warrant of arrest lalo pa’t walang ‘guraming’ nag-joy ride sa St. Petersburg at kuwestyunable ang hurisdiksyon ng foreign relation committee sa pagpatawag ng public hearing? Ni sa panaginip, ayokong isiping malakas lamang sa ibang ‘Lords’ ang ‘Euro Generals’, aba’y hindi umubra ang panalanging maupo ang misis ni Mang Narciso ‘Jun’ Santiago sa International Court of Justice (ICJ) dahil siguradong ma-MMK, as in Maalala Mo Kaya ang 120 libong euros ngayong balik-Senado ito.
Ang ikinadismaya lamang ng mga kurimaw, napakabilis magpatawag ni Aling Miriam ng Senate probe kahit recess ang Kongreso at nagawa pang i-leak sa iisang peryodiko ang draft report pero wala namang ending ang script nito. Ang pinaka-classic sa lahat, ibinisto ni Aling Miriam ang foreign trip ng kapwa senador, iyon pala’y lalayas din para mag-abroad. Ni sa pana­ginip, ayokong isiping pati Senate staff ni Aling Miriam, nag-alay ng itlog at nag-rosaryong matalo ang kanilang amo dahil mapapabilang sa lumolobong unemployment rate kapag napunta sa Uni­ted Nations (UN) ito, maliban kung ‘nag-I lied’ din si Mrs. Gloria Arroyo nang ikampanya sa international leader si Santiago? Anyway, walang masama kung ‘mag-take two’ sa Supreme Court (SC) post si Santiago at kakayanin nitong lunukin ang akusasyong ‘sinisindikato’ ng Judicial Bar Council (JBC) ang pagpili ng mga mahistrado?
***
Sa pinakahuling presidential survey ng Social Weather Station (SWS), tanging 1% ang popularity ng ‘bayaning isinu­suka ng mga vendor’--si MMDA chairman Bayani Fernando kaya’t ipinagtataka ng mga kurimaw kung paano nanalo sa Celebrity Duets ng GMA-7 via text votes, maliban kung nagpapagamit ang istasyon at ginagawang pulitika ang contest? Ni sa panaginip, ayokong isiping nagkaroon ng vote buying at vote shaving o kaya’y puwersang pina-text ang lahat ng MMDA employees, aba’y subukan n’yong palakaring mag-isa sa Baclaran si BF, pinakamahina ang isang minuto kung walang mambabato ng kamatis sa dami ng pinagpapalong vendor ng mga taga-MMDA?
Isa pang nakakatawa, ipinagkakalat ng kampo ni ex-Pre­sident Joseph ‘Erap’ Estrada ang muling pagtakbo ng kanilang amo, maging ang pamamayagpag sa survey gayong No. 6 sa SWS, as in tinalo ni opposition Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson. Partida pa iyan, halos linggu-linggong nasa iba’t ibang probinsya si Erap para mangampanya subalit 13% lamang ang nakolekta, ito’y napakalayo sa 17% ni Lacson, malinaw ang pag-aaksaya ng pera at abot ng publiko ang kawalan ng karapatang tumakbo sa 2010 presidential election bilang ex-President sa ilalim ng Konstitusyon.
Napag-usapan si Erap, isang malaking katanungan kung bakit hindi man lamang dumalaw sa burol ng ina ni Lacson ang isa sa kanilang pamilya gayong nagsilbing PNP chief at matagal nakasama ang senador sa trabaho. Higit sa lahat, halos hindi nagkakalayo ng sitwasyon ang dalawa kung kalagayan ng kanilang ina ang isyu. Mabuti pa si Senate President Manuel Villar Jr., kahit naka-upakan sa P200 milyong double insertion ng C-5 Road, ito’y sumilip, maging si Senador Joker Arroyo na inaakusahang ‘chatterbox’ sa double entry, maliban kung takot ma-traffic si Erapsky. Hindi lang ‘yan, naroon din sina Senador Migz Zubiri, Senador Bong Revilla, DOE Sec. Angelo Reyes at MMDA chairman Bayani Fernando kahit taga-admin. At sa malamang sa C-5 Road at Daang-Hari dumaan si Villar kaya’t hindi na-traffic patungong Bayang Luma, Imus Cavite!
Anyway, kung hangad ni Erap ang unity ng oposisyon at gustong pagbuklurin ang magkakalabang paksyon, bakit hindi man lamang sumilip sa burol ng ina ni Lacson, maliban kung malaking palabas lamang ang pag-aktong ‘king maker’ dahil sa simula, ito’y walang balak mag-give way? Ang l­test report: tatakbo si Erap at kapag natalo sa Supreme Court (SC) ang legitimacy of candidacy, magkakaroon ng substitution sa standard bearer sa huling ilang linggo ng kampanya sa 2010, sa pagitan ng kanyang anak--si Jinggoy Estrada. Makukuha nga naman ang sympathy votes at lalabas na inapi ang kanilang family! (www.mgarkurimaw.blogspot.com)

No comments: