Tuesday, November 25, 2008

nov 25 2008 abante tonite issue

Hindi pa huli para kay Sonny!
Rey Marfil


Kahit anong pang-iintriga ang gawin sa bagong majo­rity bloc, kesyo may basbas ang MalacaƱang o pinagplanuhan ni Erap Estrada, malinaw ang katotohanang ‘sour gra­ping’ at ‘nabulag’ sa impormasyon ang Wednesday Club. At paano ika-counter ni Lolo Manny ang nag-mutiny, ito’y pawang eksperto sa intelligence gathering at malalim ang military background? Mantakin n’yo, tatlong (3) mag-mistah at isang ex-Defense Minister ang nagkudeta. Talagang sa C-5 Road pupulutin ang tropa ni Manny Villar at mala-’Halimaw sa Banga’ ang buhay na naghihintay sa katukayo ni Joselito Cayetano ngayong ‘red ribbon’ ang bagsak!
Maraming nagtataka kung bakit hindi natunugan ng media, maging kapwa senador sa dating majority bloc ang kudetang inilunsad laban kay Villar. Ibig sabihin, magaling magtago ng impormasyon ang grupo ni Lolo Johnny lalo pa’t tatlong (3) produkto ng Philippine Military Academy (PMA) ang bagong majority bloc -- sina Senators Pong Biazon, Gringo Honasan at Ping Lacson. Take note: nagsilbing chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Biazon, ex- Philippine National Police (PNP) chief si Lacson at ex-Defense Minister si Juan Ponce Enrile ni Marcos. Ang pinakamatindi sa lahat, expertise ni Gringo ang magkudeta. Kung nagkataong nasa labas ng selda si Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV, sa malamang, mas nauna itong nagmartsa.
Simpleng arithmetic at hindi kailangang magtapos ng UP para maintindihan ni Aling Matet kung bakit walang kamay ang MalacaƱang sa nangyaring kudeta sa Upper House. Una, wala ang pirma ni Leon Guerrero, as in Lito Lapid at makailang-beses pang nagta-tumbling bago naintindihang mawawalan ng komite kaya’t humabol sa majority bloc. Pangalawa, bakit nag-inarte si Inday Mi­riam at nagawa pang pagtaguan sa telepono si Lolo Johnny gayong ninong sa kasal ito? Higit sa lahat, bakit nasa bagong minority bloc si Senator Joker Arroyo? Ibig sabihin, sariling diskarte ng labintatlong (13) senador ang pagpalit ng Senate President at etsapuwera ang ‘core group’ ni Manny dahil merong mag-squeal!
Ang biruan ngayon, mapapanatag ang kalooban ni Gringo, aba’y nagtagumpay ang ‘coup’, hindi katulad sa panahon ni Mrs. Cory Aquino hanggang sa maupo si Mrs. Gloria Arroyo, paulit-ulit sumablay ang diskarte at makailang-beses ding minalas kaya’t na-karsel ito. At least merong maibibilang na panalo si Kuya at Presidente rin naman ang titulo. Ang nakakatawang balikan lamang -- sina Biazon at Lacson ang nasa government side noong 1986 coup d’etat pero ngayon sila’y magkakampi, kasama nina Honasan at Enrile sa bagong majority bloc!
***
Napag-usapan si Trillanes, hindi maintindihan ng mga kurimaw sa Upper House kung bakit mas pinili ni Sonny ang sumama sa minority bloc gayong hawak ng bagong majority bloc ang ‘susi’ para makasali sa debate at diskusyon sa session hall, maliban kung nagpakilalang si San Pedro si Alan Peter Cayetano kaya’t nagpati-anod sa nararamdamang tampo sa grupo ni Senator Ping. Sabagay, kahit sinong lumagay sa katayuan ni Sonny bilang miyembro ng ‘Solid 8’, hindi maiiwasang mag-emote kundi nasabihan sa ‘kudeta’ subalit dapat intindihin ang sitwasyon lalo pa’t oras ang labanan. Tutal, hindi rin naman nagpaalam si Sonny kay Senator Ping nang mag-alburuto at mag-walkathon patungong Manila Peninsula, eh ‘di kapwa tawad na lang ang dalawa at magpasensyahan ang bawat isa. Ibig sabihin, magpakumbaba ang nakakabata, katulad sa turo ng mga nakakatanda!
Kundi nagkakamali ang Spy, bad trip si Sonny kay Lolo Joker, hindi lamang sa panahon ng kampanya kundi sa makailang-beses nitong pangbabaterya sa kasong mutiny, maging ang estado bilang miyembro ng 14th Congress kaya’t malaking katanungan kung kaya nitong makipag-jamming sa Peoples Dragon bilang minority bloc. Mismong si Mr. Palengke, as in Senador Mar Roxas II ang nagsabing ‘paano ibibilang ng kanilang grupo ang boto ni Sonny kung nasa minorya’. Ang tanong: nakatulong ba noong kampanya ang mga taong sasamahan ni Sonny sa minority bloc? At bilang kaibigan, hindi pa huli ang lahat para ikunsidera ni Sonny ang nararamdamang tampo sa mga kaibigang nasa majority bloc at iba naman ang karakter ni Leon Guerrero para katakutan ang pagkapahiya sa floor! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: