Mas lalo pang lumutang ang senaryong ‘tsikboy’ as in puwede sa tsiks at boy ang isang mestisuhing solon bunga ng pagiging tsismoso at intrigero para mapaboran ang kampo nito. Hindi naman ikinagulat ni Mang Teban ang pagiging tsismoso at intrigero ng mestisuhing solon dahil kawangis sa puwet ng manok ang bunganga ng mambabatas, kahalintulad ng isang nangingitlog. Kapag ikinumpara ang bibig ng solon, ito’y walang pinag-iba sa puwet ng isang manok na bagong pangitlog dahil namumula ang labi at halos kasing-hugis nito. Tanging pagkakaiba sa puwet ng manok, hindi ipot ang kahalo sa bawat pagbuka sa bibig ng mestisuhing solon, bagkus ang namumuong laway sa magkabilang dulo ng labi habang sinisiraan ang mga kasamahang mambabatas. Kung anu-anong pang-iintriga ang ipinapakalat ng solon laban sa mga kapwa-solon at hindi pa rin matanggap ang sinapit na kamalasan ng kanilang grupo, as in sour graping ito hanggang ngayon. Pintahan niyo na: Napagkalamang kamukha ng dating child actress ang litrato ng tisoy na solon sa photo exhibit ng mga estudyante.
|
No comments:
Post a Comment