Wednesday, November 5, 2008

nov 5 2008 abante tonite issue

‘Presidentiable kuno’ pinandirihan ng senador
(Rey Marfil)

Hindi lamang vendor ang sukang-suka sa pagmumukha ng isang tinaguriang ‘presidentiable kuno’ dahil mismong isang kasamahan sa administration bloc sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang numero u­nong nandiring maikabit ang kanyang pangalan dito.
Sa isang umpukan ng Senate reporters, nasaksihan ng TONITE Spy kung paano pandirihan ng admi­nistration senator ang isang nagpapakilalang ‘presidentiable kuno’ gayong iisang organisasyon ang kanilang kinalalagyan.
Bagama’t walang nakakahawang sakit, napa­kasama ng imahe ni ‘presidentiable kuno’ sa publiko, animo’y muriatic acid na nakakasulasok ang amoy sa hanay ng mga mamamayan kung kaya’t natakot ang administration senator na madamay.
Mas lalong nandiri ang administration senator nang biruin ng ilang mediamen kung ikinukunsiderang running mate o standard bearer sa 2010 national election si ‘presidentiable kuno’, kasabay ang pagbibirong hindi makakakuha ng senatorial slot sa kanyang ticket ang kumag kapag bumaba sa pagka-senador at natuloy naman ang pagtakbong Presidente nito.
Nang tanungin kung bakit allergic kay ‘presidentiable kuno’, ikinatwiran ng administration senator ang pagiging arogante at maa­ngas ng kasamahang opisyal, hindi lamang sa publiko kundi sa lahat ng bagay.
Maliban dito, ikinadismaya rin ng administration senator ang pagiging bastos at barumbado ni ‘presidentiable kuno’ sa bawat media interview, animo’y napaka-untouchable sa pamahalaan kung saan magiging mala­king adobe lamang o pabigat ang kumag sa sinumang kandidatong sasamahan sa 2010.
Sa tindi ng pandidiri ng admiministration senator, ito’y nagawa pang makapagbitaw ng maaanghang na pananalita, as in ‘napamura’ ang mambabatas, kasabay ang malakas na tawa nang tanungin kung tatanggapin si ‘presidentiable kuno’ kapag nag-apply bilang running mate.
Clue: Guwapito ang administration senator at isa sa napapabalitang tatakbong Vice President sa 2010 national elections habang wala nang tatalo kay ‘presidentiable kuno’ kung pagiging maangas at bastos ang pag-uusapan sa kanto. Ito’y napaka-obsessed sa kanyang mukha kaya’t nagkalat ang litrato sa buong bansa. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: