Sunday, November 2, 2008

nov 1 2008 abante tonite issue

Senador, umiiyak sa Meralco bill
(ReyM)

Kung anong tapang gumawa ng kabulastugan kahit abot-tanaw lamang ng kanyang misis, katulad ang pambabae, ito’y kabaliktaran lahat kapag araw ng singilan sa ‘Meralco bill’ dahil halos umiyak at maglupasay sa lupa ang isang kunyong miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Ang rason, saksakan ng kunat at kasing-kapal sa gulong ng isang 12-wheeler truck sa pagiging belekoy ang kunyong senador kung kaya’t nakahiligang iyakan kada buwan ang monthly billing sa konsumo ng elektsidad na ipinapadala ng Manila Electric Company (Meralco).
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, naging usapan ng mag-asawa pagkatapos ikasal ang paghahati sa gastusin sa loob ng bahay, maging sa iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya kung saan mismong kunyong senador ang pumili sa electric bill.
Naunang inakala ng kunyong senador na maliit lamang ang bayarin sa konsumo sa kuryente kung kaya’t mabilis itinaas ang kanyang kamay para akuin ang buwanang Meralco bill habang kinargo ng kanyang misis ang lahat ng mga gastusin sa loob ng kanilang bahay, simula gamit, pagkain at baon ng kanilang anak.
Katulad ng kasabihang ‘tuso man ang matsing napagla­langan din’, naisahan ang kunyong senador sa pag-astang matsing dahil lingid sa kaalaman nitong mas magastos ang bayarin sa kuryente at hindi rin na-background check bago pinakasalan ang kanyang misis kung saan mahilig magbabad sa kuwartong malamig.
Simula pagkabata, naging ugali ng kanyang misis ang magbabad sa kuwartong malamig, as in naka-todo ang air conditioning system, simula umaga hanggang gabi kaya’t iniyakan ng kunyong senador ang napakalaking bayarin sa electricity o Meralco bill,
Ang resulta: sa tuwing sasapit ang a-kinse at meron taga-Meralco na kumakatok sa pintuan ng kanilang mansion, bitbit ang monthly bill, kasing-laki ng binatog at singaw na kornik ang pawis sa noo at leeg ng kunyong senador bunga ng pangambang lagpasan sa P40 libo ang bayarin sa electricity.
Clue: Nagkasabit-sabit sa eskandalo ang kunyong senador at kamuntikan nawalan ng ‘agimat’ ang political career kundi nag-ingat sa decision-making, Ito’y meron letrang ‘N’ sa surname, as in Nangangarap maging Vice President kaya’t takot iwanan ni esmi. (www.mgarkurimaw.blogspot.com)

No comments: