Kung pag-aaralan ang Euro Generals probe ng Senate blue ribbon committee, malinaw ang pagkaka-absuwelto nina DILG Sec. Ronaldo Puno at PNP chief Jesus Verzosa. Bagama’t malaking dagok sa imahe ng Pilipinas ang eskandalo, at least walang salaping nawala sa gobyerno, hindi katulad ni Jocjoc Bolante, aba’y multi-bilyon ang pinapa-account ng Kongreso at hanggang ngayon, hindi mahanap ng bestfriend ni Atty. Mike Arroyo ang kasagutan sa P3 bilyong abono. Sa larong basketball, ‘ika nga ni ex-senator Robert Jaworski Sr., ‘no harm, no foul’.
Kung Spy ang tatanungin, bakit hindi umpisahan ang pagdinig sa isinampang kaso, lalo pa’t inamin lahat ni retired General Eliseo dela Paz ang atraso, aba’y habang tumatagal ang Euro probe, lalong nababaon ang imahe ng PNP kaya’t mas makabubuting ipaubaya sa Ombudsman ito, maliban kung hindi makalimutan ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang pagmumukha ni Puno lalo pa’t nadiskaril ang ambisyong makarating ng palasyo. Kahit balikan ang foreign trip, higit mas maraming senador, katulad ni Mar Roxas ang lakwatsador at naglalamyerda tuwing break ang sesyon ng Kongreso.
Mantakin n’yo, inamin nang lahat ni Dela Paz ang pagkakasala, ayaw pa ring tantanan ang Euro Generals probe, gayong barya lamang sa P3 bilyong fertilizer fund ipinamudmod ni Jocjoc sa mga kongresista noong 2004 national elections ang P7.7 milyong binitbit sa Moscow at maibabalik sa intelligence fund ng PNP ito. Hindi lang iyan, napakalabong mapatunayang nagkaroon “bigger conspiracy” at isang fall guy si Dela Paz kung wala namang gustong tumestigo. Kung susuriin ang 120,00 euros ni dela Paz, halos dalawang (2) congressman lamang ang katapat sa kinukuwestyong pondo. Take note: 104 solon, 49 gobernador at 25 alkalde ang nagpartihan sa P728 milyon ni Jocjoc, hindi pa kasama diyan ang P1.102 bilyon?
***
Kung kaninong grupo si Leon Guerrero, as in senador Manuel ‘Lito’ Lapid sa ilalim ng leadership ni Senate President Juan Ponce Enrile, kayo ang humusga sa kabuuan ng ‘script’, as in phone interview ni dzBB radio reporter Nimfa Ravelo noong Nobyembre 18 ng hapon kesa sumakit ang inyong ulo sa kanyang boto. Ang malinaw, ito’y sasama sa administration senators. Ibig sabihin, abot nang isipan ni Lito ang katotohanang oposisyon ang bagong majority bloc ngayon!
Q1: Sumusuporta na rin kayo kay JPE?
Lapid: Oo, 200%, wala kaming laban. Kasi ‘yan, si Manong Johnny naman iyun eh. ‘Di lang ako pumirma sa resolution ng trese.
Q2: ‘Pag sinabi n’yo abstain, minority kayo?
Lapid: Oo, hindi na ako magmo-move ng manifest, tama na boto ko. Pero magma-minority ako. ‘Di ako magmo-motion na magma-manifest dahil nagboto na ako bale. Suportado naman ako kay Manong Johnny. Pero sasama na ako sa grupo ni Senator Kiko (Pangilinan).
Q3: Sir pakiulit po, magma-minority kayo?
Lapid: Nakaboto na ako pero sasama na rin ako sa minority.
Q4: Ayaw n’yo kay Enrile?
Lapid: Wala lang gusto ko ganun, para makapagsalita naman ako sa floor, hehehe, kailangan medyo, kasi nu’ng ano kami, ano eh, ‘di ba?
Q5: Mawawalan kayo ng chairmanship?
Lapid: Walang problema sa akin kahit tanggalin sa akin.
Q6: Tampo kayo sa palace?
Lapid: Hindi naman, wala namang kinalaman ang Malacañang dito.
Q7: Isinama kayo nina Joker (Senator Arroyo) and Kiko (Pangilinan)?
Lapid: Hindi na ako magsasalita okay na ako dun.
Q8: Kasi member na kayo ng Wednesday Group?
Lapid: Ah matagal na. Noon pang umpisa. Nu’ng una pa lang Wed. group na ako.
Q9: Walang iwanan kay Villar?
Lapid: S’yempre magkakaibigan ‘yan, magkakasama ‘yan eh. Hindi nga ako pumirma sa reso parang automatic na rin ‘yun ‘di ba?
Q10: Have you talked to Villar?
Lapid: Hindi... dun sa grupo ni Sen. Kiko (Pangilinan) at Senator Joker (Arroyo) dun ako. Dahil administration naman sina Joker.
Q11: Minority pero administration?
Lapid: Oo, Siyempre!
Nagkataon o sinadya, minalas si Villar sa numero 13- ito’y pinatalsik sa bisa ng 13 signatures at No. 13th si Senate pro-tempore Jinggoy Estrada sa resolusyon. Naupo si Villar bilang Senate President noong 13th Congress 2006. Hindi lang iyan, nabasag ang salamin sa pintuan ng Senate matapos mag-walk out sa impeachment trial ni Estrada ang mga prosecutor, kasabay din ang pag-resign ni Senator Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., bilang Senate president. At pagkatapos ng fertilizer probe noong nakaraang Nobyembre 13, nabasag din ang salamin sa pintuan ng Senate at pagpasok ng Nobyembre 17, nag-resign si Villar at naupo ni Enrile. Take note: Disyembre 13 ang birthday ni Manny! Q11: Minority pero administration?
Lapid: Oo, Siyempre!
Nagkataon o sinadya, minalas si Villar sa numero 13- ito’y pinatalsik sa bisa ng 13 signatures at No. 13th si Senate pro-tempore Jinggoy Estrada sa resolusyon. Naupo si Villar bilang Senate President noong 13th Congress 2006. Hindi lang iyan, nabasag ang salamin sa pintuan ng Senate matapos mag-walk out sa impeachment trial ni Estrada ang mga prosecutor, kasabay din ang pag-resign ni Senator Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., bilang Senate president. At pagkatapos ng fertilizer probe noong nakaraang Nobyembre 13, nabasag din ang salamin sa pintuan ng Senate at pagpasok ng Nobyembre 17, nag-resign si Villar at naupo ni Enrile. Take note: Disyembre 13 ang birthday ni Manny! (www.mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment