Saturday, August 30, 2008

aug 30 2008 abante tonite issue

Presidentiable napikon sa ‘Dark Horse’
Rey Marfil

Sa halip na ikatuwa ang pagkakabansag bilang ‘dark horse’ sa 2010 national election, sukdulan hanggang Makati area ang pagkapikon ng isang nagkukunwaring presidentiable sa sari­ling kasamahan sa organisasyon matapos maiba ang pakahulugan nito.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang napikon bagkus umusok ang ilong ng isa sa tinaguriang ‘presidentiable kuno’ nang ma­balitaang iniinsulto ang planong pagtakbo sa 2010 national sa harap mismo ng mga local officials.
Dahil uso ngayon ang “Lakbay-Aral”, sa pa­ngunguna ng mga alkalde at konsehal, napadaan sa lalawigan ng isang bagitong senador ang mga local officials kung kaya’t nag-courtesy call bilang respeto sa mambabatas.
Sa nangyaring courtesy call, napag-usapan sa harap ng bagitong senador ang mga nagsusulputang presidentiable sa 2010 election at ipinagmalaki ng mambabatas ang magandang standing sa survey kahit walang deklarasyon ito.
Nang matanong ang pangalan ng nagkukunya­ring presidentiable, kaagad inilarawan ng bagitong senador na isang ‘dark horse’ sa 2010 election ang kasamahan sa orga­nisasyon kasunod ang pahabol na masamang biro ang bagitong senador laban sa ‘presidentiable kuno’ kung saan ginawa nitong literal ang kahulugan ng papuri sa kasamahan sa organisasyon, katulad ang alegasyong ‘maitim at mukhang kabayo’.
Lingid sa kaalaman ng bagitong senador, maraming alkaldeng sipsip sa ‘presidentiable kuno’ kaya’t nakarating sa kaalaman ng huli ang biro kaya’t nanggagalaiti sa galit ito.
Sa hangaring makaresbak sa bagitong senador, binaba-bad mouth at inuupakan ni ‘presidentiable kuno’ sa mga kaibigang pulitiko at local officials ang solon kapag nakatalikod, as in sinisiraan sa grupo, maging sa tumatayong ‘god father’ ng organisasyon.
Clue: Katulad ng kanyang kulay, madilim ang ‘future’ ng presidentiable sa 2010 election at hindi makita kahit isang letra ng pangalan sa presidential survey habang isa sa vice presidentiables ang bagitong senador. Magkasama sa organisasyon ang dalawa at parehong nagmay-ari ng letrang nasa hulihan ng alpabeto, as in meron letrang “Y at Z” (www.mgakurimaw.blogspot.com).

Friday, August 29, 2008

august 29 2008 abante issue

Senador, nag-iipon para sa karelasyon

Sa halip paghandaan ang pagreretiro sa pulitika, katulad ng pag-iimpok ng pera para sa kinabukasan ng buong angkan hanggang 5th generation, mas prayoridad ng isang matandang senador ang paghandaan ang political career ng karelasyon.


Kunsabagay ay marami nang naipong ari-arian ang matandang senador, kabilang ang pagpapalawak ng emperyo sa kanyang lalawigan, pangongomisyon sa pork barrel at pagbebenta ng kandidato noong 2004 election, ito’y naunang inilaan ng matandang senador sa kanyang mga anak at apo.


Higit sa lahat, lantad sa kaalaman ng buong pamilya ang mga naipon ng matandang senador kaya’t naghahanap ng ibang paraan ang mam­babatas upang makapag-impok at matulungan ang ambisyosang karelasyon.


Dahil mataas ang ambisyon sa pulitika ng karelas­yon, matinding ‘pag-iipon’ ang ginagawa ngayon ng matandang senador, kabilang ang ‘pangbabakal’ sa mga proyekto ng gobyerno para matustusan ang pangangailangang pi­nan­syal ng kanyang bebot.


Hindi maitago ni Mang Teban ang pagkadismaya matapos ‘raketin’ ng matandang senador ang pingangasiwaang komite sa Upper House, patunay ang pag-create ng mga programa para maisubi ang multi-milyon pisong allocation dito.


Ang rason, puwedeng i-divert ng matandang senador ang matitipid ni­tong pondo at maaaring ipagamit sa karelasyon bi­lang preparasyon sa mas mataas na political ambition ng bebot.


Humigit-kumulang P2 bilyon ang pondong pinupuntirya ng matandang senador kaya’t takot itong mawalan ng komite dahil madidiskaril ang political ambition ng kanyang karelas­yon.


Pintahan n’yo na: Balimbing ang senador na ito dahil nasamahan ng lahat ng mga partido habang saksakan ng plastic ang karelasyon.

Wednesday, August 27, 2008

aug 27 2008 abante tonite issue

Lady broadcater gustong tikman sa abroad ng gabinete (Last Part)
Rey Marfil

Bagamat paulit-ulit na tinabla ang imbitasyon, sadyang walang kadala-dala ang isang gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mas nanaig ang matinding pagnanasa sa morenang broadcaster, kalakip ang paniniwala nitong makukuha sa sipag at tiyaga ang pangunumbinse sa bebot.
Sa report nakalap ng Tonite Spy, dalawang beses inimbitahan ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster na manood sa laban ni Peoples Champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa Las Vegas , hindi kabilang ang nauna pang imbitasyong magbakasyon sa Europa.
Kung mahina ang ‘corazon’ ng morenang broadcaster, ito’y matagal nang bumigay lalo pa’t magagandang lugar ang biyaheng inaalok ng gabinete ni Mrs. Arroyo tuwing magkikita sa radio booth at makasama sa weekly program subalit matinong bebot ang nakatapat ng kumag.
Sa mga naunang laban ni Pacquiao, makailang-beses inalok ng ringside ticket ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster subalit tinanggihan ang US trip dahil abot ng kanyang kaisipan ang masamang binabalak ng opisyal, as in gusto itong isahan at gagawing palusot lamang ang biyahe.
Kahit napahiya sa dalawang beses pag-alok ng libreng ticket sa laban ni Pacquiao, kasama ang hotel accommodation sa magarang hotel sa Las Vegas at pasahe sa eroplano, hindi pa rin tinantanan ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster, pinakahuli sa laban nina Pacman at Mexican boxer David Diaz.
Sa loob ng radio booth, direktang kinausap ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster at inalok ng ticket sa ringside subalit nagbiro ang bebot na walang matutuluyan sa Amerika kung saan kasing-bilis din ng kidlat nag-offer ang opisyal sa Mandalay Hotel.
Lingid sa kaalaman ng gabinete ni Mrs. Arroyo, ito’y ‘pinapasakay’ lamang ng morenang broadcaster tungkol sa kahandaang manood ng laban nina Pacquiao at Diaz dahil pinagsabihan ng bebot ang opisyal na ibigay ang ringside ticket sa live-in partner nitong ex-Congresswoman.
Clue: Maliban sa pagiging kamukha ng isang senador, meron kinakasamang ex-congresswoman ang gabinete ni Mrs. Arroyo. Ito’y nasangkot sa isang eskandalo at meron letrang ‘SL’ sa pangalan at apelyido, as in saksakan ng libog habang nagbaba­lita sa government station ang morenang broadcaster na kaapelyido ng isang dating aktres at natalong senatoriable. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

Tuesday, August 26, 2008

august 25 2008 abante tonite issue

Lady broadcaster gustong tikman ng gabinete sa abroad
Rey Marfil

Bagamat ‘local product’ ang gustong i-kama, handang gumastos ng milyones ang isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa abroad para lamang matikman ang maganda at morenang broadcaster na matagal nang kinakabaliwan at pinagpapantansyahan sa panaginip ng opisyal.
Sa report nakalap ng Tonite Spy, hindi lamang ‘nagwater-water’ bagkus tulo-laway ang isang gabinete ni Mrs. Arroyo sa maganda at morenang broadcaster, patunay ang walang katapusang pag-alok ng libreng biyahe sa abroad upang maisakatuparan ang matagal nang pagnananasang naglalaro sa isipan nito.
Bagama’t meron sariling programa sa isang telebisyon, dating ‘umi-ekstra’ lamang sa news break o taga-hatid ng hourly news sa isang radio station ang morenang broadcaster kung saan naispatan ng gabinete ni Mrs. Arroyo na isang block timer kaya’t ginawa nitong regular sa kanyang weekly program.
Bago naging mag-partner sa weekly program, makailang-beses pang inalok ng malaking suweldo ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster subalit tinanggihan ng bebot, kalakip ang pangambang mamanyakin lamang ng opisyal lalo pa’t kilalang babaero at maraming ikinakama ito.
Sa bandang huli, napilitan ang morenang broadcaster na tanggapin ang alok ng gabinete ni Mrs. Arroyo kahit hindi kailangan ang malaking suweldo dahil may kaya ang pamilya nito bagkus sa pakiusap ng mga big boss sa radio station pinagta-trabahuan nito.
Sa paniniwalang makukuha sa ‘pera-pera’ at isa sa kaladkaring babae ang morenang broadcaster, katakut-takot na pangungumbinse ang ginawa ng gabinete ni Mrs. Arroyo para maisama sa biyahe o foreign trip ang bebot subalit bistado ang pagiging ‘SMB’ ng opisyal, as in Style Mo’y Bulok.
Makailang-beses inimbitahan at tinangkang isama sa abroad ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster subalit wala rin katapusang sumi-semplang ang opisyal, maging sa loob ng radio booth lantaran ang pagpapalipad-hangin ng kumag tuwing magkikita sa weekly program.
Ang nakakalungkot lamang, madalas nauuwi sa malalaswang pananalita ang lumalabas sa bunganga ng gabinete ni Mrs. Arroyo, animo’y bagsak sa GMRC class, as in pula ang grado sa good manners and right conduct dahil nagiging bastos ang opisyal sa sobrang pagka-obsess sa morenang broadcaster.
Clue: May kamukhang senador ang gabinete ni Mrs. Arroyo at kasing-hilig din manungkit ng lady broadcaster nito. Kung sino ang opisyal at morenang broadcaster, abangan sa Miyerkules ang karugtong at alamin kung anong bansa huling inimbitahan ang bebot. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

august 26 2008 abante tonite issue

Kailan magigising si Erap!
Rey Marfil


Sa ikalawang pagkakataon, nagka-iwanan sina ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada at Mayor Fred Lim. Ang deklarasyon ni Erap: Ito’y sanay nang iniiwanan ni Lim, katulad noong EDSA Dos. Si Lim ang DILG Secretary nang mapatalsik si Estrada at isa sa umakyat ng entablado sa EDSA Shrine, kasama ng civil society. Ang pagbalimbing ni Lim ang rason kung bakit natalo sa mayoralty race noong 2001 election dahil kinasangkapanan ni Mr. Instant Ayos, as in ex-Manila Mayor Joselito ‘Lito’ Atienza Jr., ngayo’y DENR Secretary ni Mrs. Arroyo ang ‘Walang Iwa­nan’ bilang campaign slogan. Ang nakakatawa lamang, iniwan din ni Atienza si Estrada at ‘nagpakabaon’ kay Mrs. Arroyo. Ika nga ni Susan Roces ‘not once, but twice’. At kapag paulit-ulit nagpapaloko ang isang tao, hindi kabaitan ang tawag kundi katangahan, ‘di ba birthday boy Volt Sagalongos?
Ayokong isiping ‘nagkatablahan’ sina Lim at Estrada sa ‘operasyon’ ng Maynila at ‘pera-pera’ ang pinag-awayan ng magkaibigan, katulad ng text messages na kumakalat. Ilan lamang sa pinag-uusapan sa mga coffee shops ang pagbalewala ni Lim sa lahat ng ‘request’ ni Estrada gayong binuhusan ng resources ang buong kampanya, pati security personnel sa Tanay Rizal, ito’y ipinahiram. Mantakin n’yo nga naman, ‘all out war’ si Estrada kay Ali Atienza para makaganti sa ama pagtapos ‘tatablahin’ lang. Napakababaw kung pagkakasibak nina retired General Rudy Diaz at Bobby Calinisan sa City Hall o kaya’y pagkaladkad sa slaughter house ng isang konsehal ang pinag-ugatan ng away, maliban kung may kinalaman ang kontrata sa garbage collection kaya’t nagkasolian ng kandila lalo pa’t milyones ang kinikita sa basura?
***
Napag-usapan ang katapatan, ayokong isiping kinatandaan ni Estrada ang ‘nagpapabola’ sa mga nagkukunyaring loyal at nakaka-jamming sa San Juan, maliban kundi nagtatanggal ng muta sa dalawang mata o tutule sa magkabilang tainga kaya’t hindi nakikita at naririnig kung sino ang mga tauhang tapat at hindi nang-iwan ng kaibigan. Kayat huwag ipagtaka kung mahahati ang oposisyon sa 2010 dahil pansariling interes ng mga nakapaligid kay Estrada ang isinusulong sa paghahanap presidentiable. Mantakin n’yo, sa halip pag-isahin ang kanilang puwersa laban sa administrasyon, aba’y walang ibang nasa isipan ang kanyang mga kampon kundi kumita sa eleksyon at pagkakitaan kung sino ang ‘kandidatong madatung’, hindi ang paghahanap ng matinong presidentiables na magbabago sa gobyerno.
Ayokong magbanggit ng pangalan subalit madaling mahanap ni Estrada kung sino sa mga tauhan ang ‘pera-pera lang’ ang nasa kukote kaya’t ‘always present’ sa San Juan. Kundi nagkakamali ang Spy, ito’y isa rin sa ‘ingredients’ kung bakit ‘nagkatablahan’ sina Da King at Da Ping sa final noong 2004 polls. Ang rason: Walang magagandang ‘perks’ na makukuha ang grupo ni ‘Mr. BM’ kung si opposition senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ang naupong Pangulo samantalang ‘buhay-hari’ at hawak ang buong kusina ni Fernando Poe Jr. (FPJ) dahil marami pang ‘kakainin at bigas na isasaing’ ang namayapang aktor bago matutunan ang pagpapatakbo ng gobyerno. Ang nakadismaya lang, kung anu-anong ‘padding’ sa mga inaarkilang raliyista ni ‘Mr. BM’, ito’y pinagkakatiwalian ni Estrada at panay-bigay ng pera.
Ngayong nalalapit ang 2010 election, mala-Jaworski ang pagbabantay ni ‘Mr. BM’ sa Polk Street upang masi­gurong ‘hawak’ ng kanyang grupo ang babasbasan ni Estrada. Take note: lima (5) ang presidentiable ng oposisyon at kung pera ang habol ni ‘Mr. BM’ sa kampanya, siguradong out si Lacson at kasing-dilim ni Jojo Binay kung ito’y ikukunsidera ngayon pang hindi man lamang nakakuha kahit ‘ga-hiblang boto’ sa SWS presidential survey habang pang-Vice ang arrive ni Chiz Escudero at malabo rin ta­yaan si Loren Legarda lalo pa’t nagsasawa sa babaing presidente ang mga Pinoy, maliban kay Edong Angara na kaibigang matalik ni Loren Sinta. Ibig sabihin, dalawa lang ang posibleng pinagpipilian ni ‘Mr. BM’, sampu ng mga tambay sa bahay ni Estrada, walang iba kundi sina Manny Villar at Mar Roxas. Ang problema ng boypren ni Ate Korina, salapi ng magulang ang ipanggagasta sa kampanya habang ‘Richie Rich’ si Villar, as in maraming ‘alkansiya’ si Mam Cynthia, hindi pa kasama ang mga row houses diyan. Na-gets kaya ni Bobby Capco ang pinupuntuhan ng mga kurimaw, maliban kung ‘tamang-praning’ pa rin lalo pa’t inakusahang adik ni ex-PCSO media consultant Robert Rivero sa Senate hearing? (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, August 25, 2008

aug 24 2008 abante tonite issue

Lady broadcaster gustong tikman ng gabinete sa abroad
Rey Marfil

Bagamat ‘local product’ ang gustong i-kama, handang gumastos ng milyones ang isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa abroad para lamang matikman ang maganda at morenang broadcaster na matagal nang kinakabaliwan at pinagpapantansyahan sa panaginip ng opisyal.
Sa report nakalap ng Tonite Spy, hindi lamang ‘nagwater-water’ bagkus tulo-laway ang isang gabinete ni Mrs. Arroyo sa maganda at morenang broadcaster, patunay ang walang katapusang pag-alok ng libreng biyahe sa abroad upang maisakatuparan ang matagal nang pagnananasang naglalaro sa isipan nito.
Bagama’t meron sariling programa sa isang telebisyon, dating ‘umi-ekstra’ lamang sa news break o taga-hatid ng hourly news sa isang radio station ang morenang broadcaster kung saan naispatan ng gabinete ni Mrs. Arroyo na isang block timer kaya’t ginawa nitong regular sa kanyang weekly program.
Bago naging mag-partner sa weekly program, makailang-beses pang inalok ng malaking suweldo ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster subalit tinanggihan ng bebot, kalakip ang pangambang mamanyakin lamang ng opisyal lalo pa’t kilalang babaero at maraming ikinakama ito.
Sa bandang huli, napilitan ang morenang broadcaster na tanggapin ang alok ng gabinete ni Mrs. Arroyo kahit hindi kailangan ang malaking suweldo dahil may kaya ang pamilya nito bagkus sa pakiusap ng mga big boss sa radio station pinagta-trabahuan nito.
Sa paniniwalang makukuha sa ‘pera-pera’ at isa sa kaladkaring babae ang morenang broadcaster, katakut-takot na pangungumbinse ang ginawa ng gabinete ni Mrs. Arroyo para maisama sa biyahe o foreign trip ang bebot subalit bistado ang pagiging ‘SMB’ ng opisyal, as in Style Mo’y Bulok.
Makailang-beses inimbitahan at tinangkang isama sa abroad ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang morenang broadcaster subalit wala rin katapusang sumi-semplang ang opisyal, maging sa loob ng radio booth lantaran ang pagpapalipad-hangin ng kumag tuwing magkikita sa weekly program.
Ang nakakalungkot lamang, madalas nauuwi sa malalaswang pananalita ang lumalabas sa bunganga ng gabinete ni Mrs. Arroyo, animo’y bagsak sa GMRC class, as in pula ang grado sa good manners and right conduct dahil nagiging bastos ang opisyal sa sobrang pagka-obsess sa morenang broadcaster.
Clue: May kamukhang senador ang gabinete ni Mrs. Arroyo at kasing-hilig din manungkit ng lady broadcaster nito. Kung sino ang opisyal at morenang broadcaster, abangan sa Miyerkules ang karugtong at alamin kung anong bansa huling inimbitahan ang bebot. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

Thursday, August 21, 2008

aug 21 2008 abante tonite issue

Malinaw ang survey!
Rey Marfil


Anuman ang resulta ng Game 7, malinaw ang pagiging ‘crowd favorite’ ng Barangay Ginebra at pinaka-unpopular ang Air21 sa Philippine Basketball Association (PBA), alinsunod sa Social Weather Station (SWS) Sports Survey na isi­nagawa noong Marso 30 hanggang Abril 2. Ang nakakagulat, hindi ‘solo liderato’ ang Baranggay Ginebra, katulad sa inisip ng sports fanatic, aba’y ka-tabla ang Purefoods bilang most favorite team, kasunod ang Magnolia (21%), as in sosyo sa 31% ang Purefoods Team nina James Yap at Gin Kings ni Mark Ca­guioa. Tanging National Capital Region (50%) at Luzon (39%) malakas ang Ginebra at nilamon ng Purefoods sa Visayas (36%) at Mindanao (29%). Nangangahulugang, mas malaki ang kikitain ng PBA kung Ginebra vs Purefoods o kaya’y Magnolia vs Ginebra sa finals.
In fairness sa Air21, ito’y hindi nag-iisa bilang unpo­pular team sa PBA dahil kasosyo sa 1% ang Coca-Cola, isa pang sister-team ng Purefoods, Ginebra at Magnolia, kasunod ang Alaska (13%), Sta. Lucia (5%), Red Bull (4%) at Talk and Text (3%). Ibig sabihin, walang kalalagyan sa Ultra, Araneta at Cuneta ang sinumang mag-iingay kontra Brgy. Ginebra, maging sa dalawa (2) pang PBA team nasa kontrol ng San Miguel Corporation (SMC). Iyon nga lang, bilog ang mundo, katulad ng Ginebra commercial at nasa puso ang pagsu-shoot ng bola. Kaya’t hindi sagot ni Tempo reporter Rolly Carandang ang padala n’yo, sinuman ang manalo sa Air21 at Ginebra lalo pa’t ito’y maka-Magnolia.
***
Napag-usapan ang SWS, pinakamagandang ‘showing’ sa 2nd quarter presidential survey sina SP Manny Villar Jr., at opposition senator Panfilo ‘Ping’ Lacson dahil parehong umangat kumpara sa pagbagsak nina Vice President Noli De Castro Jr., at kaibigang matalik ni senador Edong Angara -si senadora Loren Legarda-Le­viste. Mula 17% umakyat sa 25% si Villar habang si Lacson (16%) inukupahan ang No. 4 spot - ito’y malayo sa 12% noong Marso at 13% noong Disyembre, as in partida pa iyan, hindi umiikot ng proninsiya. Ibig sabihin, malaki ang tsansang umangat ni Lacson lalo pa’t napakalayo ang 2010.
Sa huling presidential survey, natapyasan ng 4% si De Castro (31%), maging si Loren Sinta (26%) bumagsak ang popularity rating. Take note: 44% ang pinakamataas ng ex-wife ni murder suspect Tony Leviste noong Set­yembre 2007, maging boypren ni Korina Sanchez - ito’y ‘na-s­paghetti pababa’, katumbas ang 3%, as in pababa ng pababa si Mar Ro­xas dahil pinakamataas ang 20% noong Disyembre subalit lumagapak sa 16% noong Marso, pinakahuli ang 13% nga­yong Hunyo. Ang tanong ng mga kurimaw: Anong demolition job at dirty tricks ang ilulunsad ni ex-Usec Bobby Capco na inaakusahang adik ni ex-PCSO media consultant Ro­bert Rivero sa Senate hearing upang masira ang imahe ng mga kalabang pre­sidentiables ng bagong amo, katulad ng natikman ni Lacson sa mahabang panahon, alinsunod sa exposé ni Blanquita Pelaez.
Ang nakakadismaya lang, hindi pa rin maalis ng SWS ang ‘subong tanong’ o guided question sa pagsagawa ng survey, aba’y tatlong (3) pangalan ng presidentiable ang hinihihi­nging kapalit ni Mrs. Arroyo sa 2010, eh wala naman Deputy President for Visayas, Mindanao at Luzon, maliban kung nahawa kay ex-House Speaker De Venecia Jr., si Mahar Ma­ngahas, katulad ng pinauso sa Lo­wer House? Ang kagandahan lang, tila naintindihan ng respondents ang one-term policy sa Presidency dahil No.7 si da­ting Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada (11%).
Ang katotohanan, mas makakabuting kalimutan ng ‘ba­yaning isinusuka ng mga vendor’ - si MMDA chairman Ba­yani Fernando ang pagtakbong pangulo ng Pilipinas, ma­ging sina Makati Mayor Jojo Binay at senador Dick Gordon, aba’y hindi man lamang nabanggit sa ‘ot­hers’ kahit isang letra ng kanilang pangalan at hindi rin napansin ng 1,200 respondents ang naglipanang sticker ni Fernando sa EDSA, maging sa labas ng Metro Manila, maliban kung walang na-survey taga-Marikina. Teka lang, bakit hindi ibinigay ni Ma­ngahas kay Fernando ang 15% nakalistang ‘Don’t Know’ at 8% sa ‘None’, aba’y sayang ang bumabahang sticker at tarpaulin sa buong Pilipinas. Mabuti pa nga ang mister ni Sharon Cuneta, ‘na-noted’ ng respondents ang presensiya. Iyon lang, hindi na consistent si Dick sa 2% dahil napalitan ni Mr. Noted Prancaceus Francis Pangilinan.
(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, August 19, 2008

aug 119 2008 abante tonite issue

Mukha ng Malacañang
Rey Marfil


Hanggang ngayon, palaisipan kung ano ang papel ni Atty. Camilo ‘Bong’ Montesa sa buhay ng mga taga-Liberal Party (LP) lalo pa’t napakadaling mag-leave bilang director general at isang pindot lang sa computer, mag-iiba ang petsa. Kaya’t hindi nakakagulat kung magkasamaan ng loob sina Big Brother Frank Drilon at senador Mar Roxas II, mali­ban kung ‘drama’ ang paghahain ng hiwalay na petisyon sa Korte Suprema para walang makapag-isip ng resbak nga­yon pang bagsak ang rating ng boypren ni Ate Korina sa presidential at senatorial. Hindi ba kayo nagtataka, naturingang natio­nal chairman ng Liberal si Frank, aba’y si Atty. Adel Tamano ng United Opposition (UNO) ang ‘chaperon’ sa pagpa-file habang si Roxas, mas piniling ka-jamming si Vice Governor Manny Pinol!
Kahit sinong lumagay sa koral ni Drilon, ito’y mapipikon sa diskarte ni Roxas. Porke’t wala nga naman sa poder si Lolo Frank, animo’y tinataguan ng impormasyon ni Mr. Palengke gayong karapatan bilang national chairman ang malaman kung anong nangyayari sa organisasyon. Ni sa panaginip, ayo­kong isiping itinago kay Lolo Frank ang pag-upong legal adviser on peace process ni Montesa at kundi pa sumabog ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), hindi madidiskubreng policy adviser of the Institute for Autonomy and Governance (IAG) ang kasamahan.
Sa ilang media interview bago nagkabistuhan sa MOA, ipinangangalandakan ni Montesa ang pagkilala sa Bangsamoro bilang ‘distinct from the rest of national communities’, nangangahulugang bibigyan ng ‘distinct territory’ at sari­ling gobyerno ang MILF. Ang tanong ng mga kurimaw: ito’y ba’y ikinunsulta ni Montesa kay Roxas, maliban kung si ex-Cabinet Secretary Silvestre ‘Yoyong’ Afable ang kinikilalang amo at Presidente ng Liberal? Take note: si Afable ang ‘utusan’ ng mga gabinete ni Mrs. Arroyo sa Malacanang bago nag-transfer kay Roxas bilang think tank.
***
Napag-usapan si Roxas, ito’y nagsilbing kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) ni Mrs. Arroyo at nanalong senador noong 2001 election sa ilalim ng administration ticket- ang People Power Coalition (PPC). Kalokohan kung walang ‘contact’ sina Roxas at Afable sa Malacanang, maliban kung tuluyan ng isinantabi ang ambisyong makuha ang suporta ni Mrs. Arroyo sa 2010 election? Kaya’t masakit kay dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada ang pagtawid ni Roxas noong Edsa Dos gayong hindi lamang DTI Secretary ang turing kundi ‘anak-anakan’ nito.
Pansinin ang Liberal, iisang mukha ang nakapaligid kay Roxas, as in pawang alipores ng Malacanang, katulad ni Montesa-ito’y nagsilbing Assistant Secretary (Asec) for Legal Affairs ng DepEd sa panahon ni ex-Sec Butch Abad- isa pang opisyal ng Liberal. Take note: si Montesa ang spokesperson ng DepEd at promotor sa pilot testing ng ‘Madrasah program’ sa selected public elementary schools ng Metro Manila . Hindi lang iyan, anak ni Abad ang nagsisilbing chief of staff (COS) ni senador Noynoy Aquino na isa pang Li­beral. Ni sa panaginip, ayokong isiping ‘Liberal is for Li­beral’. At si Drilon, hindi ba’t naupong Senate President sa tulong ni Mrs. Arroyo at ngayo’y nagpapatakbo sa ACCRA Law firm ni senador Edong Angara?
Kundi nagkakamali ang Spy, nakaladkad din ang pangalan ni Montesa sa P3.5 bilyong text book scandal ng Vibal Group naunang pinaimbistigahan ni senador Panfilo “ Ping ‘ Lacson. Hindi lang malinaw kung bakit pinalagan nina Montesa at ex-Asec Macur Marohombsar ang inter-agency Resolution No. 001-2006-A nina Asec Eduardo Opida, chairman ng bid and awards committee, Cirila Botor, Lourdes Santiago at Estanislao Granados sa textbooks contract napasakamay ng Vibal Group, ilang taon ang nakakaraan.
Maliban kay Montesa na natalong Congressman sa 1st district ng Cagayan de Oro City noong May 2007 election laban kay Congressman Rolando Uy- si Afable din ang nag-recruit kay ex-Press Usec Bobby Capco bilang communication group chief na inakusahang ‘adik’ ni ex-PSCO media consultant Robert Rivero sa Senate hearing. Anyway, 6,569 votes lang nakuha ni Montesa sa congressional race, siguro walang kinalaman ang pagkatalo kaya’t ipinamigay ang Iligan City sa MILF na katabing-lungsod ng Cagayan De Oro City, katulad sa nilalaman ng MOA! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, August 18, 2008

hulaan blues aug 18 2008 1 issue abante tonite

Senador nakarma sa story telling (last part)
Rey Marfil

Hindi nagtatapos sa simpleng pagkabad trip ng matandang miyembro ng Upper House sa isang abogadong resource person ang kuwento matapos mag-walk out sa public hearing ang mambabatas para makontrol ang nararamdamang pagkapikon at panggigigil dito.
Dahil sadyang mahaba magkuwento ang abogadong resource person, as in binalikan ang panahon ng pananakop ng Kastila at Hapon, maging World War 1 at World War 2, nasaksihan ng Tonite Spy kung paano nag-walk out sa sariling hearing ang matandang senador dahil sa matinding pagkapikon.
Sa halip manahimik sa isang tabi at makinig sa story telling ng abogadong resource person, lumabas ng kuwarto o committee room ang matandang senador para mag-relaks at maalis ang init ng ulo, sa pamamagitan ng paninigarilyo.
Pagkalabas ng kuwarto, kaagad nagsindi ng sigarilyo ang matandang senador sa likuran ng committee room kahit umiiral ang smoking ban sa Upper House, as in walang pakialam kung ipinagbabawal ang paninigarilyo sa hallway o buong bisinidad nito.
Habang naninigarilyo, nagdadabog at nagbubulong ang matandang senador, animo’y rugby boys sa ilalim ng LRT station sa Sta. Cruz Maynila na nasiraan ng ulo dahil nagsasalitang mag-isa ang mokong at hindi matanggap na ‘na-lekyturan’ sa hearing ito.
Hindi pa nakuntento sa pagdadabog sa labas ng committee room habang humihirit ng sigarilyo, nagawa pang maglintanya ng matandang senador na nakakapikon ang pag-story telling ng abogadong resource person dahil ginagawang ‘bopols’ ang mga mambabatas lalo pa’t nalalaman ng mga ito ang buong kasaysayan ng lalawigan at pinag-ugatan ng problema.
Nang maupos ang sigarilyo, bumalik sa lamesa ang matandang senador at muling sinaway ang pagkukuwento ng abogadong resource person kung saan napilitan naman tumigil ang mokong at pinutol ang pagkukuwento para pagbigyan ang pagtatanong ng mga senador.
Clue: Matapang sa kalaban ng gobyerno ang matandang senador subalit kuha sa isang sutsot ng kanyang misis. Ito’y meron letrang ‘B’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Boy Flashback at isa sa katropa ni Mulaway dahil nagtatalsikan ang saliva sa floor. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, August 15, 2008

kartada 5 agosto 15 2008 abante issue

Ex-senator, makunat sa abuloy!

Bagamat ‘nagmantika ang nguso’ sa sangkaterbang pork barrel na pinagkakitaan sa mahabang panahon ng panunungkulan sa Upper House, sadyang walang pagbabago ang pag-uugali ng da­ting senador dahil saksakan ng kunat at sobrang damot sa abuloy.


Ang nakakasukang nadiskubre ni Mang Teban, manhid sa anumang kri­ti­sismo ang dating senador at binabalewala ang mga akusasyong masama ang pag-uugali at napakakuripot dahil nagawa pang pagdamutan ng abuloy ang mga tauhang namatayan ng kamag-anak, partikular sa bagong opisinang pinaglilingkuran nito.


Ang pinakamalupit sa lahat, pinakikialaman din ng dating senador ang nakaugaliang ‘pagpatak-patak’ ng abuloy o pagpapaikot ng sobre ng mga tauhan kapag meron kasamahan sa opisina ang namamatayan ng kamag-anak dahil wala naman burial assistance na ibinibigay ang mambabatas.


Sa halip magbigay ng konting abuloy sa tauhang namatayan ng kamag-anak, ipinagbawal pa ng dating senador ang pagpapaikot ng sobre, as in ipinag-utos sa buong opisina na iwasan ang ganitong sistema, gamit ang rasong mamimihasa at masasanay ang mga itong manghingi ng donasyon.


Hindi naman maitago ng mga staff ang matin­ding pagkadismaya sa dating senador dahil hindi na nga nagawang magbigay kahit singkong duling na abuloy sa namata­yang tauhan, inuutusan pang maging maramot at gayahin ang masamang pag-uugali nito gayong bukal naman sa kalooban ang ginagawa ng mga ito.


Pintahan n’yo na: Nangangarap bumalik sa Upper House ang dating senador kaya’t matitinding pag-atake ang ipinupukol sa adminis­trasyon para ma-recall ang apelyido.

Thursday, August 14, 2008

spy on the job aug 14 2008 issue abante tonite

Sina Bernabe at Dragon Lady!
Rey Marfil


Sa nangyaring suhulan sa Court of Appeals (CA), nakaladkad ang pamilya ni ‘Dragon Lady’ -- si ex-Presidential Management Staff (PMS) Leonora ‘Lenny’ De Jesus, aba’y mismong kapatid -- si CA Presiding Justice Condrado Vasquez Jr., kinumpirma sa 3-man inves­igating panel ng Supreme Court (SC) ang dalawang anak sa opisina ni Mang Inton, as in Government Service Insurance System (GSIS) President Winston Garcia na nangangarap maupong senador sa 2010. Take note: Dating GSIS Trustee at nanatiling consultant ni Garcia si Dragon Lady.
Kung mala-”Warner Brothers” sina PCGG chairman Camilo Sabio at CA Justice Jose Sabio at inaming nag-usap ang dalawa sa kaso ng Meralco, mismong si Vazquez inaming anak si Maria Ruth Almira Vasquez nasa sa Office of the Corporate Secretary ni Mang Inton, maging si Maria Agnes Rosario ‘Jinky’ G. Vasquez- isang dentista sa GSIS-Medical Department. Teka lang, hindi ba’t anak ni Dragon Lady si Luisa J. Hernandez naka-assign sa Treasury ng Office of the Vice President (OVP). Ibig sabihin, ito’y pamangkin ni Justice Vasquez!
Sa nakalimot kung sino si Dragon Lady, balikan natin ang ‘controversial Christmas card’ na ipinamudmod sa Malacañang Press Corps (MPC), kasama si ex-Deve­lopment Bank of the Philippines (DBP) President Ramon ‘Mon’ Abad, animo’y “bagong kasal” sa larawan -- ito’y pinaimbestigahan sa panahon ni Estrada at walang ibang nakakaalam sa findings kundi si Cavite Cong. Boying Remulla na nagsilbing PMS deputy ng ex-lady official.
***
Napaka-agang mamulitika ng kampo ni Parañaque City Mayor Florencio ‘Jun’ Bernabe at walang ibang biktima kundi mga mediamen nagko-cover sa Southern, patunay ang pang-iipit sa negosyo ng isang kasamahan sa industriya, as in pinagbibintangang kakampi ni Cong. Ed Zialcita at kasapi ng grupong ‘777’ o radio group nakabangga. Mantakin n’yo, kumpleto ng kaukulang dokumento para makakuha ng business permit noong Enero, ito’y pinaikot-ikot ng Office of the Mayor, maliban kung meron lang nagsipsip at nagpapauto naman si Bernabe sa mga ito?
Ang masakit sa panig ni Senate reporter Jojo Sicat, ito’y nagbayad ng buwis at aprubado ang zoning noong Abril subalit makalipas ang walong (8) buwan, hindi pa rin pinipirmahan ni Bernabe ang business permit. Ang palusot ng mga kampon ni Mang Jun, kaila­ngang ipa- asses ang tax declaration ng kasera o nagpapa-upa gayong nakapagbayad naman ng taunang amilyar sa lupa. Hindi lang iyan, gusto pang taasan ni Bernabe ang binabayarang a­milyar at walang ibang gusto nitong mag-asikaso kundi ang mamamahayag. Ni sa pana­ginip, ayokong isiping ‘row four’ at malapit sa basura­han ang mga kampon ni Bernabe, aba’y gustong gawing ahente ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Jojo Sicat sa pani­ningil ng buwis.
Ang nakakadismaya sa lahat, nagbanta ang opisina ni Bernabe, hindi pipirmahan ang business permit ni Jojo Sicat kapag nabigong masingil ang karagdagang amilyar ng kasera, malinaw ang panggigipit at ipinasa ang kanilang trabaho sa reporter, aba’y saksakan naman yata ng tamad ang empleyado ang Office of the Mayor at puro pagkakamot ang inaatupag sa City Hall pagkatapos ng flag ceremony? Kung ganitong klase ang nakaupong alkalde, ‘di hamak may karapatan si Ed Zialcita na ‘maghari’ sa Parañaque sa 2010. At hindi rin ikagugulat ng mga kurimaw sa Tambo at Baclaran kung makabalik si ex-Mayor Joey Marquez kahit mahilig sa walis!
Binabati natin sa kanyang ikadalawang taong kaa­ra­wan si Aaron B. Rivera ng Julian Felipe, Caloocan City.
(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, August 13, 2008

hulaan blues aug 13 2008 abante tonite issue

Ex-senator nangungubra pa ng pork barrel
Rey Marfil

Bagama’t napaso ang termino at humigit-kumulang dalawang taon nang tambay, patuloy pa rin naglalaway sa multi-milyong pork barrel ang isang dating miyembro ng Upper House at umaastang incumbent official.
Sa report nakalap ng TONITE Spy, hindi ma­bitawan ng isang dating senador ang annual pork barrel nagkakahalaga ng humigit-kumulang P200 milyon, patunay ang pa­ngongolekta sa naiwang pondo bago magretiro ito.
Nang mapaso ang termino ng dating senador, ito’y nakapag-iwan ng multi-milyon pisong alokasyon sa iba’t ibang proyekto, kabilang ang medical assistance at ilan pang hard project na pinondohan ng iba’t ibang departamento.
Dahil nakapangalan sa dating senador ang naiwang pork barrel sa loob ng isang taon, hindi binitawan ng kumag ang proyektong pinapondohan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Education (DepEd), as in kinubra ang mga komisyon.
Ang matinding rebelasyon sa lahat, ipinangangalandakan ng dating senador sa bagong opisinang pinag­lilingkuran, partikular sa kanyang mga tauhan ang pagkakaroon ng multi-milyon pisong pork barrel allocation sa iba’t ibang ospital at ipinagmamala­king mabibigyan ng medical assistance ang mga ito.
Bagama’t maganda ang hangarin ng dating senador sa medical assistance, labis naman ikinadismaya ng mga kurimaw ang pagkakadiskubreng patuloy itong nangongolekta ng komisyon sa nakabinbing pork barrel allocation.
Hindi maiwasang masuka ng mga kurimaw sa tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) dahil mismong tauhan ng dating senador ang nagpa-follow up sa mga nakabinbing proyekto gayong maaring ipaubaya sa implementing agencies o ipasa sa senador na pumalit sa kanyang puwesto ito.
Clue: Nangangarap bumalik sa Upper House ngayong 2010 national election ang dating senador kaya’t matitinding propaganda at pag-atake sa Malacañang ang ginagawa para bumango ang imahe. Ito’y meron letrang ‘N at L’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Napaka-iyakin sa infomercial at Luhaan sa pag-anti Gloria gayong napa-damulag ng porma. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, August 12, 2008

spy on the job aug 12 2008 issue abante tonite

Ang telenovela ng Liberal!
Rey Marfil


Ang banat ni Big Brother Frank Drilon sa Malacañang -- isang ‘cover-up’ sa term extension ni Mrs. Arroyo ang peace accord sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang hirit naman ng boypren ni Ate Korina Sanchez -- sibakin si presidential adviser on peace process Hermogenes Esperon. Ang malaking sampal sa liderato ng Liberal Party (LP), aba’y sariling tauhan ni Mar Roxas ang nag-draft ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) -- si Atty. Camilo ‘Bong’ Montesa. Take note: si Montesa ang director-general ng Li­beral Party habang si Drilon ang national chairman at si Mar Roxas ang Presidente.
Hindi simpleng miyembro ng government peace pa­nel si Montesa -- ito’y legal adviser, eh sino bang nasusunod sa mga desisyon, hindi ba’t taga-bulong? Ang nilalaman sa press statement ng LP national headquarters: “Atty. Montesa took leave of absence before going to Kuala Lumpur to take part in the GRP-MILF peace talks. His leave of absence was filed to avoid any prospective conflict with the position of the Liberal Party in connection with the peace talk”. Ang tingin yata ni Cavite Cong. Joseph Emilio ‘Jun’ Abaya, LP secretary general, eh ‘bopols’ ang publiko at ‘ngayon lang ipinanganak’ ang 80 milyong Pilipino, aba’y ginawang depensa ang pag-leave ni Montesa sa partido noong Hulyo 31 para malusutan ang kritisismo.
Ibig sabihin, walang kredibilidad ‘magkiyaw-kiyaw’ ang grupo ni Drilon kung bakit kamuntikan ‘naibenta’ sa MILF ang 700 barangay dahil mismong tauhan ang magpapahamak sa mga taga-Mindanao. Ni sa panaginip, ayokong isiping diversionary tactic ng Liberal Party ang pag-iingay sa media lalo pa’t tauhan ang itinuturong ‘promotor’ sa pagda-draft ng MOA, maliban kung kinurot ng konsensiya si Montesa o gustong iangat ni Roxas ang po­pularity kaya’t nagtapang-tapangan sa MOA signing lalo pa’t No. 6 sa mga presidential survey at No. 3 sa senatorial race. Ano kayang masasabi ni SP Manny Villar sa pagkakalat ng mga taga-Liberal Party?
***
Napag-usapan ang press conference, kung intensyon ng Liberal Party na ilabas ang katotohanan at walang ‘hidden agenda’ sa pag-iingay laban sa Malacañang, bakit naka-zipper ang bibig ni Roxas sa mala-telenobelang press conference noong Agosto 7, kasama si North Cotabato Vice-Gov. Manny Piñol gayong pakalat-kalat lamang si Montesa sa Senate lounge? Mantakin n’yo, inilabas lamang ni Abaya ang job description ni Montesa sa GRP-panel noong Agosto 8, isang araw matapos maispatan ng mediamen si Montesa sa press conference at madiskubreng director general ng Liberal Party ito. Hindi ba’t kaibigang matalik ni Piñol si ex-Cabinet Secretary Silvestre ‘Yoyong’ Afable na ngayo’y think tank ni Roxas?
Hindi lang iyan, bago hiningi ni Roxas ang resignation ni Esperon sa isang press conference noong Agosto 6, araw ng Miyerkules, kontodo-depensa si Montesa sa nilalaman ng MOA sa mga media interview habang nasa Kuala Lumpur. Kalokohan kundi naimpluwensiyahan ng mga bossing sa partido ang isipan ni Montesa bilang adviser ng peace pa­nel. Take note: nagkalat ang kable ng ANC-21 sa press conference ni Roxas, as in live coverage at ginawa pang ‘props’ ang Senate media -- ito ba’y isa sa epekto ng ‘kapraningan’ ni ex-Press Undersecretary (Usec) Bobby Capco bilang adviser ni Mr. Palengke? Anyway, nagtatanong ang mga kurimaw kung bakit hindi nagpakita si Capco sa Senate repor­ters, eh wala namang airport police sa Media Center na sisita at kakapkap sa kanyang bulsa o wallet?
Sa press conference, nagawa pang mag-angas ng tumatayong ‘floor director’ ng ANC-21, aba’y sinita si Nino Aclan, reporter, habang nagtatanong kay Roxas. Ang feeling ng ANC-21, kanilang pag-aari ang boypren ni Ate Koring at exclusive interview ang press conference sa Se­nate media, maliban kung sa script ng Liberal Party ang magkunwaring pinagkakaguluhan si Roxas at kasapakat ang ANC-21 sa telenovela. Teka lang, hindi ba’t miyembro ng Liberal Party si Ricky Carandang?
(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, August 8, 2008

kartada 5 aug 8 2008 abante issue

Asawa ng senador, nag-angas sa session hall

Kung anong angas ng matandang senador sa mga debate, interpellation at media interview, ganito rin ang pag-uugali ng kanyang asawa matapos magyabang sa session hall at palayasin sa designated seats ang mga staff ng mga kasamahang mambabatas.


Hindi maitago ni Mang Teban ang matinding pagkadismaya matapos masaksihan kung paano nag-angas sa session hall at palayasin sa kanilang upuan ng asawa ng isang matandang senador ang mga kawawang legal staff ng minority bloc, animo’y untouchable at hari ito.


Bagamat merong nakalaang upuan sa mga bisita sa VIP gallery, mas piniling umupo ng asawa ng senador sa ‘box staff’ ng mino­rity bloc na kinalalag­yan ng mga tauhan o legal staff ng mga opposition senators.


Naging komposisyon o polisiya sa Upper House ang pagkakaroon ng designated seats sa lahat ng mga legal staff ng mga senador, katabi ng barandilyas upang mabilis makausap ng kanilang amo kapag merong itatanong ang mga ito.


Nang pakiusapan ang asawa ng matandang senador na lumipat sa VIP gallery na sadyang nakalaan sa mga bisita, nag-angas at nagawa pang singhalan ang mga legal staff ng pitong (7) opposition senator, gamit ang katagang ‘Eh gusto ko dito’.


Ang malupit sa lahat, nagawa pang magtawag ng mga kasama ang asawa ng matandang senador kaya’t napuno ang kanang bahagi ng gallery na nakalaan sa box staff o legal staff ng opposition senators.


Higit sa lahat, nasa kabilang bahagi ng gallery ang upuan para sa mga staff ng asawa ng matandang senador subalit hindi nagawa nitong ukupahan bagkus nang-agaw ng puwesto.


Pintahan n’yo na: Baliktarin sa pulitika ang asawa ng matandang senador. Ito’y nagsilbi din sa panahon ni Estrada. Kung bebot o kelot ang solon, abangan kung hihirit ng re-election.

Thursday, August 7, 2008

aug 7 2008 spy kolum abante tonite issue

Nasa tono ni Pelaez!
Rey Marfil


Balikan ang iba’t ibang dollar accounts at US assets na ibi­nibintang kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, pitong (7) taon ang nakakaraan -- ito’y bumalik sa mukha ni Mrs. Arroyo at binawing lahat ni Blanquita Pelaez -- ang Filipino-American businesswoman na kinontrata ng Malacañang upang wasakin ang imahe ng senador. Ibig sabihin, ‘walang lihim na hindi nabubunyag’. Ang malungkot lamang sa panig ni Lacson, kung paano pinagpiyestahan noong 2001 sa mga peryodiko ang pagtatahi ng kasinungalingan ni Pelaez, ito’y kabaliktaran ng nakaraang Agosto 1, araw ng Biyernes, aba’y ‘pahirapan’ kung mababasa sa diyaryo. Kahit itanong n’yo kay birthday boy Senator Sonny Trillanes na nagdiwang ng kaarawan kahapon at mas matanda ng isang taon sa inyong lingkod.
Si Pelaez ang local agent ng Smith and Wesson nakipag-negotiate sa P50 milyong handcuff contract sa PNP noong 1996 su­balit tinabla ni Lacson ang pagbabayad nang maupong PNP chief sa panahon ni Erap Estrada. Ang rason: sobrang mataas ang presyo at lugi ang gobyerno kung kaya’t umabot hanggang California U.S.A. ang paghahabol ni Pelaez, kabilang ang pagsasampa ng civil case noong 2001 at nanalo ng US$3 milyon ang negosyante, alinsunod sa default judgment ruling ng korte sa kabiguan ni Lacson na sagutin ang reklamo. Dito nagsimula ang lahat at kinontrata ng Malacañang si Pelaez upang wasakin ang senador, gamit ang mga dispalinghadong bank accounts at assets sa US.
Bagama’t hindi nakakagulat ang kamay ng Malacañang, nagkaroon ng mukha ang lahat ng hinala ni Lacson at masakit ang katotohanang ‘kapwa-cavaliers’ sa Philippine Military Academy (PMA) ang nagpahirap sa mahabang panahon, partikular ang Class ‘78 na ikinanta ni Pelaez sa press conference bilang mastermind at tumayong ‘lead star’ sa demolition job -- si Major Gene­ral Delfin Bangit, ngayo’y hepe ng Philippine Army (PA) -- ito’y nagsilbing Presidential Security Group (PSG) chief ni Mrs. Arroyo. Ang ‘supporting cast’ -- sina Chief Supt. Rodolfo ‘Boogie’ Mendoza, retired Col. Victor Corpus, Mario Chan, Don Liscano, Mary ‘Rosebud’ Ong, Atty. Stephen Jarumay at ex-Inquirer reporter Christine Herrera. Take note: honorary member ng Class ‘78 si Mrs. Arroyo at close-in security si Bangit.
***
Napag-usapan ang ‘pagkanta’ ni Pelaez, malaking palaisipan kung bakit nagbago ng tono, maliban kung tinabla ng Malacañang ang mga ‘monetary request’ lalo pa’t US$200 libo, as in humigit-kumulang P10 milyon ang paunang offered ni Banker Bangit kay Pelaez nang ipatawag sa presidential garden para i-rehearse ang ginawang script. Mantakin n’yo, P3 milyon lang ang nakarating kay Pelaez, eh kahit sinong ‘contract star’, aangal kung P7 milyon pa ang balanse ng producer. Kaya’t hindi maiwasang magtanong ng mga kurimaw sa PSG headquarters kung ‘nagkabukulan’ sa talent fee, eh paano pa ang ‘tong-pats’ lalo pa’t uso ito sa Arroyo government?
Ang masakit sa panig ng 3 milyong Pilipinong sumasala sa pagkain kada araw, gumastos ng P6 milyon ang buong cast patungong Estados Unidos at walang napala ang mga ito. Ang resulta: gumawa ng script si Pelaez at sangkaterbang ‘tong-pats’ ang inilagay sa script para palabasing US$500 milyon ang US$18 libong dollar deposits ni Lacson sa Bank of America sa Los Angeles. Ang sabi ni Pelaez sa presscon ng nakaraang Biyernes: The President had “expressed disappointment over the results of the trip and that PMA Class of 1979 had let her down.” At naulit ang demolition job kay Lacson noong 2003, gamit ang script ng namayapang si NBI director Reynaldo Wycoco bilang resbak sa ‘Jose Pidal scandal’ na ibinunyag ng senador.
Mantakin n’yo, pagkababa ni Pelaez sa eroplano mula US, ito’y nagri-report kay dating Presidential Spokesperson Rigoberto Tiglao. Ang nakakagulat sa lahat ng expose ni Pelaez, ito’y direktang itinitimon ni ex-Press Undersecretary (Usec) Bobby Capco -- dating publisher ng Philippine Journal, as in lahat ng babasahing statement sa media at pag-atake laban kay Lacson -- ito’y script ni Capco at padi-direct ni Mike Arroyo, kabilang ang litrato ng umano’y mansion ni Lacson. Iyon pala’y pag-aari ni Pops Fernandez. Teka lang, hindi ba’t si Capco ang inaakusahang ‘adik’ ni dating PSCO media consultant Robert Rivero sa Senate hearing noong 2003. Ngayon, itanong n’yo kung nasaan si Capco -- ito’y adviser ni Senador Mar Roxas na ka-tropa ni Lacson sa Solid 8. What a wonderful world! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, August 6, 2008

hulaan blues aug 6 2008 1 issue abante tonite


Gabinete nagkamot ng ‘betlog’ sa presscon
Rey Marfil

Kung nabansagang ‘Boy Kulangot’ ang isang dating senador noong 12th Congress dahil nakahiligan ang mangulangot sa press conference, mas malupit at kadiri ang isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil nagkalkal ng itlog sa harap ng mediamen.
Sa isang ambush interview pagkatapos dumalo sa public hearing sa Upper House muntikang masuka ang Tonite Spy sampu ng naglipanang kurimaw sa Senator Claro M. Recto Room matapos masaksihan ang pagkakamot ng itlog ng gabinete ni Mrs. Arroyo.
Sa unang tingin, mapagkakamalan pang ‘bunihin’ ang singit o kaya’y pinamumugaran ng kuto at lisa ang ‘barangay tanod’ ng gabinete ni Mrs. Arroyo dahil walang patumanggang nagkakamot kahit mara­ming mediamen ang nakakapansin dito.
Bago nagkakamot ng itlog ang gabinete ni Mrs. Arroyo, ito’y matiyagang nagpa-ambush interview sa ilang mediamen na nasa kabilang bahagi ng committee room kung saan nakatago sa dalawang bulsa ang mga kamay nito.
Sa kasagsagan ng interbyu, hindi na magawa pang itago ng gabinete ni Mrs. Arroyo ang pangangati ng itlog matapos pagkalkalin ang kanyang hinaharap at hindi man lamang inalintana ang mga babaing kagawad ng media nasa harapan ng mokong.
Ang matinding revelation sa lahat, dalawang lady reporter ang naka-pronta sa ambush interbyu at lu­malabas pang nagpapatigas o naghihimas ng kanyang ‘barangay tanod’ ang gabinete ni Mrs. Arroyo.
Hindi magawang lumayo ng dalawang lady repor­ter habang nagkakaskas at nagkakamot ng kanyang singit ang gabinete ni Mrs. Arroyo dahil mawawala sa isyu at napaka-importante ang interbyu sa kumag.
Walang nagawa ang dalawang lady reporter kundi dedmahin sa loob ng humigit-kumulang sampung minuto, as in patay malisya sa pagkakamot ng gabinete ni Mrs. Arroyo hanggang matapos ang ambush interview dito.
Clue: Hindi magawang bitawan ni Mrs. Arroyo ang gabinete dahil sukdulan hanggang Tipu-tipo at Maguindanao ang pagkakautang noong 2004 election. Ito’y meron letrang ‘SP’ sa kabuuan ng apel­yido, as in ‘Super Power’ sa dayaan kung kaya’t nabigyan ng panibagong puwesto. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

Tuesday, August 5, 2008

spy on the job aug 5 2008 issue abante tonite

No ARMM polls o term extension?
Rey Marfil


“Section 3, Article XVII of the ARMM law provides that “any amendment to or revision shall become effective only when approved by a majority of the vote in a plebiscite called for the purpose.” Ibig sabihin, kailangang amyendahan ang Organic Act na lumikha sa ARMM at hindi ordinaryong idadaan sa pagpasa ng batas. At kapag inamyendahan ang Organic Act, ito’y kailangang dumaan sa plebisito. Ika nga ni Congw. Darlene Antonino: ‘Pagbaboy’ sa proseso ng demokratikong sistema ng halalan ang postponement na inanunsiyo ng palasyo.
Ang nakakatakot sa lahat, katulad ng ibinunyag nina ex-Senate President Frank Drilon at UNO Spokesman Adel Tamano ang term extension ni Mrs. Arroyo. Kapag natuloy ang signing ng GRP-MILF Agreement on Ancestral Domain, mabubuksan ang Charter Change (Cha-Cha) o pag-amyenda sa Kontistusyon, as in ‘anything goes’ pati ang term limits ng Pangulo at posibleng ‘santo-sawa’ si Mrs. Arroyo sa palasyo hanggat gusto nito. Pagkatandaan: Sangkaterba ang anomalya at eskandalo ni Mrs. Arroyo, kalokohan kundi iniisip ang resbak ng oposisyon kapag napaso ang termino lalo pa’t ipinakulong si Erap ng ilang taon!
Ang masakit lamang, wala naman katiyakang tatahimik ang Mindanao kapag inurong ang ARMM polls bagkus lalawak ang kaguluhan dahil tinanggalan ng karapatan ang mamamayang bomoto at mamuno. Sabagay, mas maraming gulo, mas malaking budget sa giyera, mas maraming sundalo sa Mindanao at mas malaking allo­wance sa mga sundalo na pwedeng ‘itongpats’ ng mga heneral at pa­lace officials.
Kung nag-iisip ang mga nakaupong opisyal ng ARMM, ano naman ang katiyakang itatalaga ni Mrs. Arroyo para sa “hold-over” capacity? Hindi lang iyan, meron pang report na ‘bad trip’ ang Malacañang kay Gov. Ampatuan at iba ang minamanok sa Aug. 11 elections. Ang problema, sadyang malakas ang suporta ng lokal kay Ampatuan kaya’t nagkaroon ng kasunduan ang Lakas-CMD at KAMPI na gawin itong common candidate. Hindi kaya kasama sa game plan ng ‘No ARMM polls’ ang pagsipa kay Ampatuan sa puwesto? Ang tanong ng mga kurimaw kay Gov. Ampatuan: Kaya ba nitong pagkatiwalaan si Hermogenes Esperon bilang peace adviser ni Gloria, eh expertise ang gumawa ng script at mag-drama para protektahan ang kanyang Mam?
Mantakin n’yo, inapura ng Upper House si Lolo Jose Melo sa automated polls at pinondohan ng P500 milyon ang Comelec sa modernong sistema ng eleksyon. At nga­yong handa ng lahat, mismong si Mrs. Arroyo ang humaharang sa pilot test ng automation, maliban kung plano ng Malacañang mandaya sa 2010 election lalo pa’t walang pag-asang lumusot ang kanilang manok, katulad nangyari noong 2004 at 2007 election. Tiyak magwawala si Dick Gordon kapag naudlot ang automation lalo pa’t obsession ng senador ang pumindot-pindot at humimas sa machine!
Sabagay, nakasanayan ni Mrs. Arroyo ang tumawag ng telepono at magsabi nang, “Hello Garci, hindi ba mababawasan ang aking isang milyon” kaya’t hindi nakakapagtaka kung allergic sa poll automation ang misis ni Jose Pidal, aba’y mahirap nga naman mandaya sa machine, maliban kung meron sariling program si Garci. Take note: Si Esperon ang peace adviser ngayon ni Mrs. Arroyo at ‘lead star’ sa mala-Phone Booth film ni Garcillano noong 2004!
(www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, August 4, 2008

hulaan blues aug 4 2008 abante tonite issue


Solon ginagawang ‘puppet’ sa floor!
(Rey Marfil)

Bagama’t natupad ang ambisyon sa pulitika, pinagbabayaran ng isang mestisuhing solon ang nagawang kasalanan sa sambayanan, maging sa Lumikha dahil ginagawa itong katawa-tawa, katulad ng puppet sa mga umpukan at kuwentuhan ng mga mambabatas.
Sa loob ng isang taong panunungkulan bilang mambabatas, nasaksihan ng Tonite Spy na walang sumi-seryoso sa mestisuhing solon sa mga debate at interpellation, as in madalas itong binabaterya ng mga kausap sa floor, maging sa umpukan ng mga mediamen.
Ang masakit sa panig ng mestisuhing solon, ito’y madalas pang ga­wing katawa-tawa sa kuwentuhan ng mga kasamahang mambabatas, kabilang ang pangbabaterya sa dayaang kinasasangkutan at posibleng kaharapin kapag naiba ang resulta sa election protest.
Mas lalo pang napapahamak ang mestisuhing solon sa madalas nitong pagsingit sa kuwentuhan ng ilang mediamen bago magsimula ang sesyon kung saan naroon ang isang kasamahan sa organisasyon na numero unong alaskador.
Nagiging routine ng kasamahang mambabatas ang mang-inis at bateryahin sa kuwentuhan ang mestisuhing solon, katulad ang pananakot ditong masisibak sa posisyon at paulit-ulit itong tinatanong kung naghain ng counter-election protest kahit wala pang final conviction sa kaso.
Bagama’t hindi pa tapos ang isyu sa electoral fraud at nananatiling nakaupo sa puwesto ang mestisuhing solon, ang katagang ‘counter protest’ ang pang-inis ng isang kasamahang mambabatas dito.
Kapag naririnig ng mestisuhing solon ang katagang ‘counter protest’, animo’y bagong pitas na bunga ng kamatis ang balat o pagmumukha ng mambabatas at halos maupos na kandila ang kumag, sabay smile at labas ng kanyang dimple bilang pagtanggap sa kantiyaw ng kasamahan.
Ang rason, hiyang-hiya ang mestisuhing solon kapag pa-kantiyaw na kinakamusta ng kasamahang mambabatas ang ‘counter-protest’ laban sa naghahabol sa kanyang silya dahil mistulang ipinamumukha ang ginawang pandaraya.
Clue: Hindi matatawaran ang kabaitan ng mestisuhinh solon at makailang-beses nang na-bembang sa debate at interpellation dahil sa pagmamagaling sa floor. Ito’y meron letrang ‘M’, as in Malambot kahit tigasin ang name. Kung kongresista o senador, abangan kung makakaupo ang kapalit ngayong taon. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

Friday, August 1, 2008

kartada 5 agosto 1 2008 abante issue

Senador ‘na-bading’ sa picture taking!

Katulad ng paniniwala ng mga tambay sa parlor at barber shop na ‘anumang lihim, mabubuking din ang pagka-bading’, hindi naitago ng isang miyembro ng Upper House ang pagiging ‘closet queen’ sa opening ng 2nd regular session ng 14th Congress noong Hulyo 28.


Ang rason, harap-harapang napintahan ni Mang Teban kung paano nag-transform ang mestisuhing solon bilang ‘Badinger-Z’, patunay ang pagpilantik ng kamay at paglalandi sa picture taking, ilang minuto makaraang mag-adjourned ang pang-umagang session sa Upper House bilang preparasyon sa joint session sa Batasan Complex kinahapunan.


Dahil isang beses lamang kada taon nagaganap ang SONA at pagbubukas ng session, damay din sa nagpapabonggahan sa kasoutan ng mga mambabatas ang mga mediamen na nagko-cover sa Upper House kaya’t nakaugaliang magpa-picture taking, kasama ang mga ito.


Sa puntong ito, lumutang ang pagiging ba­ding ng mestisuhing solon matapos makisali sa photo ops ng mga lady media practitioner, kasama ang tatlo (3) pang lady solon.


Ang matinding revelation sa lahat, nadulas ang mestisuhing solon sa pagi­ging bading nang makitang patakbo at humahangos ang isang la­laking radio reporter para sumingit sa photo ops.


Nang sumi­ngit ang male radio reporter, nag­litanya ang mestisuhing solon na namumukod ta­nging ‘boy’ ang una sa photo ops, gamit ang linyang ‘the only thorns, among the roses’, as in feeling-girl ng solon, kasama ang mga kababaihang reporter at tatlong (3) lady solon.


Pintahan niyo na: Hindi matatawaran ang kabaitan ng mestisuhing solon su­balit kuwestyunable ang buong pagkatao, maging ang pagkakaluklok sa puwesto. Kung senador o kongresista, ito’y mala-Zorro.