Monday, June 30, 2008

hulaan bluess june 30 2008 issue

LADY SOLON, NILAYASAN NG MEDIA STAFF!


Taliwas sa ipinapakitang kabaitan sa publiko at media, ang kagaspangan sa pag-uugali at pagiging primadonna ang pangunahing rason kung bakit nilalayasan ng mga staff ang isang lady solon.


Sa pinakahuling impormasyong nakalap ng Tonite Spy, isa pang media staff ng lady solon ang nag-resign, hindi dahil kuripot at below minimum wage kung magpasahod ang mambabatas kundi napakasalbahe sa mga tauhan.


Hindi nag-iisa sa hanay ng mga mambabatas ang isang lady solon na naunang binansagang matapobre sa mga tauhan dahil mas masahol ang kasamahan, patunay ang sobrang perfectionist gayong kaliwa't-kanan ang ginagawang sablay sa media.


Bago pa man nag-resign ang media staff, ilang beses nang nilayasan ng tauhan ang lady solon at hindi mabilang sa daliri ang mga media relation officers (MRO) dumaan sa kanyang kamay, as in hindi tinapos ang kontrata dahil napaka-plastik ng kanilang amo.


Kapag nakaharap sa camera , animo'y hindi makabasag pinggan ang lady solon sa sobrang kabaitang ipinu-project sa publiko at napakahilig makipagbeso-beso sa mga kauring pulitiko o personalidad upang magmukhang lovable ito.


Sakabila ng tumataas na unemployment rate, mas pinili ng media staff ng lady solon ang mag-resign keysa araw-araw itong sinisinghalan at sinisita ng mambabatas kapag hindi nakapag-deliver sa media, katulad ang pagpapalabas ng media releases nito.


Ang nakakasuka sa lahat, inaaway ng lady solon ang media staff kapag negatibo ang balitang nababasa sa pahayagan laban sa kanyang opisina kung saan direkta pang isinisisi sa mga tauhan ang kasalanan gayong wala naman kontrol sa mga naglalabasang kritisismo at pagbatikos sa kanilang amo ang mga ito.


Sa dami ng kapalpakan ng lady solon at bara-barang desisyon kaya't pinuputakte ng kritisismo sa media, hindi natagalan ng isang media staff ang hirap na dinaranas sa kamay ng mambabatas lalo pa't inaalipusta ang kakayahan, maging ang eskuwelahang pinagtapusan.


Clue:Kung pagiging plastik ang pag-uusapan, wala nang tatalo sa lady solon. Ito'y naghahangad ng mas mataas na posisyon at meron letrag 'A' sa kabuuan ng apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon.

Thursday, June 26, 2008

spy kolum june 26 2008 tonite issue

MALA-ALIKABOK SI BOSS!

Hanggang ngayon, malaking katanungan kung paano masasabing 'solve' ang RCBC massacre gayong kasing-gulo ng buhok ni NCRPO chief Geary Barias sa kanyang kili-kili ang pagsasabit kay ex-Sgt. Ricardo Gomolon bilang principal suspect- ito'y kabaliktaran sa deklarasyon ng mga kapit-bahay na naroon sa Southside, Makati ang suspek, maliban kung nag-ala Kapitan Boom si Gomolon at lumipad patungong Laguna para mang-holdap. Ibig sabihin, maraming dispalinghadong detalye sa pagsasabit kay Gomolon, katulad ng testimonya ni Brgy. Councilor Luis Cameran- ito'y walang baril at ini-interbyu sa Makati 's Social Work Department para National Food Authority (NFA)access card nang arestuhin.

Ni sa panaginip, ayaw isipin ng mga kurimaw sa NCRPO headquarters nagpapa-pogi lamang si Barias kay Mrs. Arroyo upang masungkit ang puwesto ni PNP chief Avelino Razon Jr., as in 'nagwawater-water' maisabit ang kanyang litrato sa PNP gallery. Take note: si Barias ang ‘Razon’ kung bakit tinali ang kamay ng mga mediamen nag-cover sa Penninsula siege. Sa dami ng kapalpakan ni Barias bilang NCRPO chief, kabilang ang Glorietta 2 mall bombing, huwag ipagtakang marami pang reporter mapagkakamalang manok sa coverage. Dapat siguro kay Barias, ito’y gawing manager ng Jollibee dahil mas marami ditong chicken!

@@@

Sa simpleng kaso ni Labor Attache (Labatt) Victor Ablan, malinaw ang 'palakasan system' at pagiging inutil ng Arroyo government sa anti-graft campaign. Ni sa panaginip, ayokong paniwalaang nabigyan ng posisyon sa Sydney Australia kahit walang clearance nakuha sa DOLE-Financial Management System (FMS) dahil sa kabiguang i-account ang UK $4,500.00 noong 2003 sa dating posisyon. Kalokohan kundi alam ni SC Justice Arturo Brion, eh siya ang nakaupong DOLE Secretary!

Sa report ng mga kurimaw sa Philippine Embassy, isang xerox copy lamang ang liquidation sa UK $4,500.00 ang isinumite ni Ablan kay Labor Attache Florinda ‘Linda’ Herrera. Ang problema, walang maipakitang original copy kaya't tinawagan ni Undersecretary Jun Sodusta si Labatt Herrera mula sa Washington DC at itinanggi nang lady official na pinirmahan ang papel ni Ablan. Si Ablan ang kauna-unahang Labor Attache itinalaga ni DOLE Sec Marianito Roque sa Australia . Ito'y ex-Labatt sa United Kingdom ( UK ), kasabay ni Labatt Herrera, asawa ni Bohol Vice Governor Julius Ceasar Herrera.

Si Usec Sodusta ang acting DOLE Secretary dahil lumipad si Sec Marianito Roque sa Geneva, Bangkok at Taipei, pinakahuli ang pagiging advance party sa ‘state buwisit’ ni Mrs. Arroyo sa US, kasama ang ¼ ng House members plus senator Miriam Defensor-Santiago na tila nawawala ang sakit kapag nasa foreign trip. Iyon nga lang, hindi interesado si Labatt Herrera magreklamo laban kay Ablan kaya binigyan ng clearance ni Sodusta.


Kundi nagkakamali ang Spy, labag sa kalakaran ng DOLE ang pagkakatalaga ni Ablan lalo pa't walang Labor Attache ang maaring bigyan ng foreign assignment hangga't walang clearance sa FMS- ito'y isang rason kung bakit usad-pagong ang papel ni Ablan sa Australia . Ibig sabihin, hindi lang nakakahiya kundi nagpapababa sa moral ng mga Labor Attache nasa ibat-ibang bansa. Sabagay, iba ang katayuan ni Ablan at malinaw ang pagiging 'Anak ng Diyos'. Ikaw ba naman ang maging anak ni Ilocos Norte Rep. Roquito Ablan, siguradong mapupuwing ang lahat kapag naging ipu-ipu ang alikabok!

Wednesday, June 25, 2008

inggit kay kuya abante tonite june 25 issue

HALF-BROTHER, NAGLALAWAY SA SILYA NI KUYA

Sa halip makuntento sa kapangyarihang tinatamasa at maging mapagbigay lalo pa’t iisang dugo lamang ang nanalaytay sa kanilang laman, hindi makapaghintay ang kapatid ng isang kilalang pulitiko sa kanyang torno, patunay ang ‘paglalaway’ sa silyang kinauupuan ng kanyang Kuya.

Sa report nakalap ng Tonite Spy, matindi ang obsession ng nakakabatang kapatid ng kilalang pulitiko sa kanyang silya kung kaya’t itinutulak nang kumag sa mas mataas na katungkulan ang kanyang Kuya, sa pamamagitan ng isang patibong.

Taliwas iniisip ng nakakaraming Pilipino, mas malalim pa sa tubig-baha dulot ng bagyong Frank ang motibo o hidden agenda ng nakakabatang kapatid ng kilalang pulitiko, as in ipinu-push sa mataas na posisyon, hindi dahil ‘love na love’ ang kanyang Kuya kundi para masungkit ang inaambisyong posisyon sa pamahalaan.

Ang rason, matagal nang pinagkaka-interesan ng nakakabatang kapatid ang posisyon ng kilalang pulitiko at matindi ang inggit ng una lalo pa’t mas mataas ang kinalalagyan ng kanyang Kuya, as in abot-kamay ang palasyo ng Malacanang.

Dala ng matinding inggit, simula magkaisip hanggang tahakin ang landas na dinaraanan ng kanilang ama sa pulitika, mas lalo pang lumalim ang iringan ng magkapatid at walang ibang option ang nakakabatang kapatid kundi itulak ang kanyang Kuya sa mataas na posisyon upang masingitan ito.

Bagamat kilalang pulitiko si Kuya, pawang malalakas na kandidato ang posibleng makatapat sa 2010 election kaya’t nagdadalawang-isip itong sumabak sa mas mataas na posisyon at ipaubaya ang mababakanteng silya sa nakakabatang kapatid nito.

Abot sa kaalaman ng nakakabatang kapatid ang posibleng pagkatalo ng kanyang Kuya kaya’t nakapag-isip ng isang patibong ang kumag, sa pamamagitan ng pagtutulak sa kandidatura ng huli sa mas mataas na posisyon.

Kapag kinagat ng kilalang pulitiko ang patibong na ipinapaain ng nakakabatang kapatid, ito’y mabura sa pulitika lalo pa’t tatlong (3) taong magpapahinga habang paghaharian ng kabilang partido o pamilya ng kaniyang ama ang buhay-pulitika.

Clue: Half-brother ng kilalang pulitiko ang naglalaway sa kanyang silya at magka-away ang dalawa, simula sa pagkabata kung saan naawat lamang ng kanilang ama kaya’t nagkakasundo sa harap ng camera subalit ‘nagsisikuhan’ pagkatapos magkamayan. Kung sino ang magkapatid, abangan sa 2010. Ang malinaw, lehitimong anak at legal ang kilalang pulitiko.

Tuesday, June 24, 2008

spy on the job june 24 2008 issue abante tonite

NAISAHAN O NANG-ISA SI SINTA?

Dalawang (2) bagay lamang maaring sabitan ng kaibigang matalik ni Edong Angara-ito'y kasabwat o nagamit. Sa malamang, nagamit, as in blangko si Loren Sinta at sinamantala ang oportunidad lalo pa't buong mundo ang nakasubaybay sa kidnapping case. Sabagay,hindi nga lang naman pang-Edsa ang media mileage nakuha ni Loren Sinta sa pagpapalaya sa grupo ni Ces ngayong nagkasabit-sabit ang product endorsement at inaakusahan pang pekeng whitening pill ang Lucida DS. Ibig sabihin, higit kailangan ni Loren Sinta ang magpabango ng image, di ba Mr. Willy Fernandez?

Sa kabuuan, kapuri-puri ang pag-aksyon ni Loren Sinta para isalba ang tatlong (3) buhay subalit hindi maaring takasan ng lady solon ang text messages kumalat, isang araw makaraang mapalaya ang grupo ni Ces, maging ang nagsusulputang espekulasyon kung bakit ‘umepal’ sa kidnapping case. Ni sa panaginip, ayaw isipin ng mga kurimaw sa Upper House na konektado sa 2010 presidential election ang pag-eksena ni Loren Sinta. At ayoko din paniwalaang kinargo ng lady solon ang pagbabayad ng P15 milyong ransom sa Abu Sayyaf dahil napaka-expensive ng 'one day affair' at pagkatapos nag-boomerang pa sa kanyang office!

Anuman ang motibo at katotonanan sa likod ng paglaya ni Ces, kayo nang humusga sa nilalaman ng kumalat na text messages: ‘Ed Espiritu (ex-DOF Secretary ni Erap at tiyuhin ni Ces) was at our lunch today. He is an unimpeachable source regarding Ces Drilon kidnap case. He is the brother of Ces Mom. He can’t believe daw the ‘gall’ of Loren. She got into the picture only after family of Ces paid P5 million. That’s when the first cameraman was released. They had to pay some more for the release of Ces and Jimmy. Ces felt she had no choice but to go along with Loren’s script. Loren even directed plane pilot to taxi more to change position so that they would be facing the camera when they disembarked and she told Ces that she had to emerge from plane first and that Ces should follow after 10 minutes.'

'And now Loren and Angara want Ces to seek audience with GMA, with Loren in attendance. Ces knows she’s being used but at the time of her release, she felt she had no choice. By the way, the family also thinks that the mayor being held in Crame is guilty. He and Loren we also the ones who ‘negotiated’ with kidnappers of Arlyn dela Cruz with the same modus operandi before’. Ang biruan tuloy ngayon, anong koneksyon sa pagiging alyas ‘Kumander Larin-Larin’ ni Mayor Isnaji kay Mam Loren, aba’y kasing-tunog ng ‘Loren-Loren’.

Ang reaksyon ni Loren Sinta sa Spy noong June 20, alas 1:20 pm bilang kasagutan sa mahabang text message, kabilang ang alegasyong 'script' ang pagpapatawag ng press conference sa airport ng grupo ni Ces at tumayong direktor ang lady solon: 'Iyan ang sinasabi ng mga inggit. Magpaka-lalaki sila at huwag magtago sa likod ng text. Ano ang ginagawa nila para sagipin ang buhay ni Ces, Jimmy at Angelo- Loren’ Anyway, hindi lamang isang tao ang pinaldahan ng text tungkol sa pagpapel ni Loren Sinta sa Ces kidnapping, kahit itanong nyo sa tatlo (3) pang mediamen sina Condrad De Quiroz, Ricky Carandang at Nelson Navarro.

Hindi lang iyan, meron pang hiwalay na text message natanggap ang Spy tungkol sa planong pagkuha kay Atty. Harry Roque bilang abogado ng mag-amang Isnaji subalit tinangihan kaya't napunta kay Atty. Francisco ang paghawak ng kaso. Ang nakakapagtaka, bakit si Atty. Ave Cruz ng ACCRA law office ang humingi ng 'special request' kay Atty. Roque noong June 19 gayong maraming lawyer sa kanilang firm. Teka lang, hindi ba't isa si Angara sa may-ari ng law firm at ngayo'y tinitimon ni ex-Senate President Frank Drilon. Sabagay, kung katulad nga naman ni Atty. Roque ang hahawak ng kaso, hindi mati-trace sa kampo ni Loren Sinta at mabango sa media interview ang abogado, eh di panalo ang kanilang kampo!

Sa kaalaman ng publiko, ilang taon ang nakakaraan nadukot din ng Abu Sayyaf si Arlyn Dela Cruz, dating reporter ng ABS-CBN at ngayo'y television anchor ng NET-25. Sa paglaya ni Ms. Dela Cruz, maugong din ang pagbabayad ng P5 milyong ransom, hindi lang malinaw kung kanino nagmula ang pondo pero ipinagmamalaki ni Loren Sinta ang pagtulong at pagtayong negosyador. Kapalit ang kalayaan ni Ms Dela Cruz, nauso livelihood program mula sa 'board and lodging scheme' ng bandidong grupo.

(www.mgakurimaw.blogspot.com)


Sunday, June 22, 2008

namakyaw si mam

LADY SOLON, NAMAKYAW NG SIM CARD

Sa hangaring pabanguhin ang imahe sa publiko bilangpaghahanda sa mas mataas nitong ambisyon sa pulitika, isang lady solon ang ‘namakyaw’ ng SIM cards upang gamitin sa propaganda.

Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban matapos madiskubreng namakyaw ng SIM card ang lady solon, sa pamamagitan ng kanyang media handler o PR manager.

Ang rason, nais ng lady solon makuha ang suporta ng mga adik sa text lalo pat tinaguriang ‘text capital’ ang Pilipinas kung saan mas madali nitong maiparating ang kanyang programa.

Sa pamamagitan ng text brigade, ipinapakalat ng lady solon ang mga pinagkakaabahalan sa lehislatura, kabilang ang pag-anunsiyo sa mga nilikhang batas kahit ibang solon ang may gawa ng batas.

Ang matinding revelation sa lahat, lantaran pang iniintriga ng lady solon ang mga posibleng katunggali sa eleksyon, sa pamamagitan ng pagpapakalat ng demolition job laban sa mga ito.

Isa sa pang-intrigang ginagawa ng lady solon, sa pamamagitan ng kanyang PR manager ang alegasyong naiingit ang mga kalaban ng mambabatas ngayong gumaganda ang imahe nito.

Pintahan nyo na: Saksakan ng plastic ang lady solon, hindi dahil ‘polite’ kundi napahunyango sa mga kausap. Ito’y meron letrang “A’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang karelasyon.

Friday, June 20, 2008

PRESIDENTIABLE, MATAKAW SA KREDITO;

PRESIDENTIABLE, MATAKAW SA KREDITO;

2 SENADOR, NA-BAD TRIP

Sa sobrang takaw sa publisidad ng isang presidentiable, dalawang (2) kasamahan sa Upper House ang sukdulan hanggang Visayas region ang pagka-bad trip sa solon matapos solohin ang mga kredito sa inaprubahang batas ngayong 1st regular session.

Mismong mga kurimaw, nasuka sa pang-aagaw ng kredito ng isang presidentiable dahil nagawa pang ipangalandakan sa harap ng media ang nagawang batas gayong kaparte lamang ang opisina nito, as in ilang probisyon ng proposed measures ang naisingit sa final report.


Higit sa lahat, hindi naman original version ang proposed bill na inaangkin ng presidentiable dahil ‘xerox’ lamang, as in kinopya ang buong batas sa isang natalong administration senator nakarang 2007 election na kilalang eksperto sa ganitong proposed measures.


Lingid sa kaalaman ng presidentiable, dalawang (2) kasamahan sa Upper House ang bad trip sa ginawa nitong pag-solo at pag-aangkin sa kredito dahil nagmukhang ‘saling-pusa’ gayong principal sponsor ang papel sa inaprubahang batas.

Bagamat hindi ipinapakita ang pagdismaya sa presidentiable, hindi maitago sa piling mediamen ng dalawang (2) senador ang pagka-inis sa kasamahang mambabatas dahil paulit-ulit ang deklarasyon ng nabangit bilang nag-iisang sponsor.

Ang matinding revelation sa lahat, nagawa pang bateryahin ng karelasyong bebot ng presidentiable sa industriyang ginagalawan ang taong nagpakahirap upang mailusot ang naturang batas, partikular ang nakaupong chairman ng komite.


Clue: Kapwa ikinukunsiderang vice presidentiables ang dalawang (2) senador. Isa dito’y reelekyunista mula sa administration bloc at run away winner sa bise ang ikalawa kung ngayon gaganapin ang halalan habang deklaradong standard bearer ng partido ang presidentiable na isa rin reelekyunista sa 2010 election.

Thursday, June 19, 2008

spy on the job//june 17 2008 issue

KO-RECTO KA DIYAN!

Sa inaabangang rigodon sa palasyo ng Malacanang, meron ‘nag-inarte’, katulad ni ex-Cong. Prospero Pichay, aba’y hindi raw nag-aapply pero handing tanggapin ang anumang alok ng misis ni Jose Pidal kapag pasok sa kanyang panlasa at credentials. Kung nanatiling ‘pangarap’ ni Pichay ang maging senador, katulad ng kanyang campaign slogan noong 2007 election, mas makakabuting kalimutan ang ambisyon- ito’y babangungutin lamang sa 2010 at minsan nang napatunayang hindi tutubo ang petsay dahil sementado ang Senado. Higit sa lahat, kailangan munang maintindihan ng publiko kung tao o gulay ito?

Ang nakakasuka lamang sa pag-inarte ni Pichay, iba ang deklarasyon sa media keysa nilalaman ng kanyang isipan dahil balitang ‘nagwawater-water’ ang talunang senatoriables sa puwesto ni Bureau of Custom (BOC) Commissioner Napoleon Morales. Ni sa panaginip, ayaw isipin ng mga kurimaw na parte ng ‘fund raising’ sa 2010 election ang pagnanais ni Pichay masungkit ang silya ni Mang Napoleon. Take note: isa sa ‘lucrative agency’ at pinamumugaran ng corruption ang Custom at numero unong bagsakan ng smuggled goods, eh saan ba madaling kumita ngayong panahon? Kahit itanong nyo pa kay NPC President Benny Antiporda.

@@@

Habang inaasahan ang pag-entra ni ex-presidential chief of staff Mike Defensor sa opening ng Ninoy Aquino International Airport-Terminal III, maugong ang pagpasok ng ‘Tito Ko’-si ex-senator Vicente ‘Tito’ Sotto III bilang chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB)-ito’y isang cabinet rank subalit hindi nagagamit ng mga naupong pinuno ng board ang kapangyarihang ibinigay ng Kongreso. At bilang sponsor ng batas, siguradong magpapasiklab si Sotto lalo pa’t illegal drugs ang malaking problema ng gobyerno at pinag-uugatan ng kriminalidad.

In fairness kay Sotto, makailang-beses nakausap ng Spy ang dating senador bago pa man lumutang ang pangalan bilang chairman ng DDB. Ni minsan, hindi nakitaan ng pagka-atat si Sotto makapasok sa palasyo dahil mas paboritong pag-usapan ang mga ‘joke’ sa sinasalihang noontime show. Ang masakit lang, nagmumukhang obsessed ang utol ni Vic Sotto na maka-puwesto dahil sa naglalabasang media report. Sabagay, talagang ganyan ang buhay, eh kahit mapa-Eat Bulaga, kabuntot ni Sotto ang mga intriga, katulad ng eleksyon, hindi ba’t na-tsismis kay Zsa-zsa Padilla, maging kay ex-senator Tessie Aquino-Oreta? Mabuti lang, malawak ang kaisipan ng mga asawa!

@@@

Napag-usapan ang rigodon, bago naibigay ang binakanteng silya ni Boy CD, as in ex-Press Secretary Ignacio ‘Tonting’ Bunye kay ex-presidential adviser on peace process Jesus Dureza, ito’y unang inalok sa mister ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto. Ang tingin ni Mrs. Arroyo, mas epektibong ‘ka-double’ si ex-senator Ralph Recto dahil guwapo, mestiso at mahusay magpaliwanag sa economic issue. Mabuti lang ‘Ko-Recto’ ang desisyon ng ama ni Ryan kundi maghihilamos ng batikos at kritisismo sa hanay ng opposition bloc sa tuwing ibubuka ang bibig para idepensa ang kanyang Mam.

Makailang-beses itinanggi ni Recto ang pag-apply sa gabinete ni Mrs. Arroyo-ito’y unang napabalitang ipapalit kay Finance (DOF) Sec. Gary Teves, pinakahuli ang pag-upong secretary general ng National Economic Development Authority (NEDA), kapalit ni Mang Tunying, as in Secretary Augusto Santos kaya’t goodbye ang pangarap ni Papa Romulo Neri makabalik ng opisina. Tutal, tag-ulan naman, ito’y ‘payong kaibigan’ lang, bakit hindi hintayin ni Ralph ang 2010 election, ito’y maraming mapagpipiliang presidentiables at least hindi maa-akusahang bata ni Gloria. Take note: malaki ang pag-asang makabalik ni Recto sa Upper House lalo pa’t No. 4 sa huling senatorial survey ng Social Weather Station.

(www.mgakurimaw.blogspot.com)


Wednesday, June 18, 2008

si jepoy

sa lahat ng babaing niloko ni jepoy ng ibc channel 13.... mag comment lang

takot sa kubeta

SENADOR, NAPIKON SA MABAHONG KUBETA

Sa halip tugunan ang reklamo sa kanilang nasasakupan, mistulang nabuhay sa panahon ng ‘Japanese Emperial government’ ang isang bagitong miyembro ng Upper House matapos magtuturo at umastang ‘makapili’ nang umalinagasaw ang kakulangan ng kubeta sa distritong pinagmulan nito.

Nasaksihan ng Tonite Spy kung paano magpanting ang tainga ng bagitong senador sa naglalabasang komentaryo laban sa pamilya ng kumag matapos marinig sa radyo kung paano ‘pulutanin’ ng mga nakaupong komentarista at anchorperson ang pagiging inutil sa kanilang distrito.

Bago napikon ang bagitong senador, isang kinatawan ng militanteng grupon mula sa Department of Education (DepEd) ang na-interbyu tungkol sa masamang kalagayan ng mga batang mag-aaral sa buong kapuluan, kabilang ang pagkumpirmang kapos at mabaho ang mga kubeta sa kanilang lugar.

Sa puntong ito, nagtanong ang isa sa dalawang (2) anchor kung anong lugar ang pinakamalala sa hanay ng mga public schools na walang comfort room o kubeta kung saan direktang tinukoy ng resource person ang distrito ng bagitong senador.

Kaagad nag-komentaryo ang dalawang (2) broadcaster at kinukuwestyon kung bakit isang kubeta lamang kada dalawang (2) libong estudyante ang ratio sa distrito ng bagitong senador gayong multi-bilyon piso ang pork barrel kada taon.

Maliban sa komentaryong multi-bilyon piso ang pork barrel ng bagitong senador, damay din ang dalawa (2) pang kapamilyang pulitiko ng kumag, maging ang ilang pang kamag-anakan napuwesto sa local level nakaraang May 14 2007 election.

Sa kabuuan ng programa, naghintay ng kasagutan ang mga kurimaw subalit walang kasagutan ang kampo ng bagitong senador kaya’t paulit-ulit ang pagkalampag ng dalawang (2) komentarista sa buong pamilya nito, kasabay ang alegasyong nakakaawa ang mga mag-aaral dahil ‘pila-balde’ sa comfort room.

Clue: Kapwa kapamilya ang dalawang (2) broadcaster at pang-hapon ang programa kung saan isa dito’y miyembro ng Bagets Gang noong dekada 80’s habang balimbing ang bagitong senador. Abangan sa Sabado kung paano napikon ang solon. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, June 17, 2008

spy on the job//june 17 2008 issue

NAGKAIWANAN SA CA!

Kahit ilang timbang laway ang ibuhos ni Dick Gordon sa plenary hall at ibat-ibang media interview, hindi mababago ang rules ng Commission on Appointment (CA) hangga't walang amendments. Katulad din ni Donya Consuelo Madrigal-Valade, alyas Jamby, magsusulputan lamang ang ugat sa mga paa sa kawu-walk out, hindi magagamit ang Section 20 sa last day of session kaya't mas makakabuting tanggapin ang katotohanang 'talunan' sa nakaraang plenary confirmation. Sadyang malas ng misis ni Frenchman Eric Valade with a letter E, aba'y sarado ang docketing department ng SC noong Miyerkules dahil anniversary kaya't hindi kaagad nakapagpa-responde.

Ang hindi nalalaman ng publiko, 'nagkaiwanan' sa plenary confirmation ni Air Force Col. Arthur Abadilla sa hanay ng CA members. Bago isinalang sa 'whole sale confirmation' ang lahat ng presidential appointees sa last day of session, nagkasundong isantabi ang appointment ni Abadilla dahil sa teknikalidad at magiging precedent ang promosyon na lagpas sa petsa ng kapanganakan. Take note: isa si Gordon sa sumang-ayon sa proposal kaya't nagalit si Cebu Cong. Ed Gullas kung bakit isiningit si Abadilla gayong malinaw ang usapan. Kundi nag-walk out si senator Ping Lacson dahil 'kinukukuyog' ng mga kasamahan sa CA, sa malamang lumusot ang promosyon ni Abadilla kahit ilegal ang pamamaraan. Kahit itanong nyo pa kay Onse, as in Atty. Cesar Salazar!

Sa report ng Spy, biglang isiningit si Abadilla nang magsimula ang deliberasyon at numero unong nag-depensa si Gordon. Ang masakit sa panig ni Lacson na kumukontra sa confirmation ni Abadilla, mismong kasamahan sa opposition bloc ang 'mastermind' upang ilusot ang promosyon ng Colonel kahit Decembre 4 dumating sa CA ang papeles at walang panibagong appointment sa Malacanang pagkatapos mag-celebrate ng birthday day noong December 2. Kung mali ang pagkuwestyon ni Lacson, nakakapagtakang nag-abstain ang karamihan sa CA members kaya't nausyami ang promosyon ni Abadilla. Ibig sabihin, takot din masabit ang mga kumag.

Ang pagkakamali ni Lacson, ito'y nagtiwala sa mga kasamahan sa minority bloc, partikular kina Mar Roxas II, Loren Legarda-Leviste at Rodolfo Biazon. Ang tatlo (3) ang nanguna sa 9-CA members na bomoto sa promosyon ni Abadilla, kasama si Gordon at apat (4) kongresista-sina Cong. Rodito Albano, Cong. Abddulah Dimaporo, Cong. Bong Plaza at Congw. Ailen Ermita-Buhain. Mantakin nyo, si Senate President Manuel Villar Jr., ang naiwang kakampi ni Lacson habang si Paranaque Cong. Ed Zialcita sa House contingent.

Sabagay, hindi nakakapagtaka ang aksyon ni Roxas-ito'y posibleng na-impluwensiyahan ni Cong. Albano na itinuturong 'promotor' sa pagsisingit ng pangalan ni Abadilla lalo pa't nagsilbing chief off staff (COS) ng boypren ni Ate Korina ang misis ng kongresista habang sina Loren Sinta at Dick Gordon- balitang iisa ang PR manager nangangasiwa sa pagbabango ng kanilang opisina. Hindi natin babangitin kung sinong PR manager, ang importanteng malaman ng mga senador, bad trip ang Senate reporters sa PR manager dahil kinakasangkapan sa mga 'prospective client' ang kanilang pangalan, as in ginagamit ni ‘Mr. W’ sa pangra-raket ang mga ito.

Anyway, dalawamput-lima (25) ang membership ng CA at walang majority votes nakuha si Abadilla kaya't diskaril ang pagkakaroon ng estrelya. Kung naayon sa Konstitusyon ang pag-aaksaya ng laway ni Gordon na 'naglilider-lideran' sa promosyon ni Abadilla, eh bakit siyam (9) lang ang nakuhang boto? Hindi kaya takot din ang mayoryang maakusahang ilegal ang promosyon ni Abadilla kaya't nag-abstain. In fairness kay Zialcita kahit nasita ng mga tauhan ng Senate security nagyu-yosi sa hallway, ito'y napaka-hardliner, maging si Lolo Johnny Enrile nagtulak kay Abadilla sa committee level, ito'y nag-abstain at kinikilala ang gentleman's agreement ng 25-man CA members. Sa tingin nyo, anong tawag kina Dick at Mar…Your Honor at Mr. President Manny Villar?

Monday, June 16, 2008

love birds ng kongreso

MAY 2 PARES NG 'LOVE BIRDS' SA KONGRESO!


Hindi lamang isa kundi dalawang (2) pares ng mambabatas ang madalas pag-tripan kapag oras ng trabaho dahil sa ipinapakitang 'closeness' sa isa't-isa, patunay ang mala-dikyang tandem kapag dumadalo sa public hearing at nakikinig ng sesyon.


Sa dalawang (2) pares na magka-iba ang henerasyon, mas paboritong pag-usapan ng mga kurimaw ang dalawang (2) nagkaka-edad na solon dahil nagmumukhang malaking 'love birds' nakawala sa hawla kapag naglalampungan ang mga ito.


Kung simpleng pa-tweettums lamang ang ginagawa sa session hall ng isang pares ng mga batang mambabatas na pinagduduhang meron lihim na relasyon, mas malupit ang nasaksihan ng Tonite Spy kapag uma-attend ng public hearing dahil nilalangam sa tamis ang dalawang (2) kasamahang solon nito.


Bagamat makailang-beses nang itinatanggi ang pagkakaroon ng relasyon, sadyang makapangyarihan ang silakbo ng kanilang damdamin dahil walang pinapatawad kahit oras ng trabaho, animo'y isang bahay lamang ang inuuwian pagkatapos dumalo ng sesyon.


Kapag dumadalo ng public hearing, mistulang anino ang bawat isa, as in magkabuntot ang magkapareha at magkatabi pa nang upuan kung kaya't ayaw paniwalaan ng mga kurimaw ang senaryong tinuldukan ng dalawa ang kanilang relasyon o tuluyang nagkahiwalay ang mga ito.


Ang matinding eksena sa lahat, sinasadya pang umupo ng lady solon sa tabi ng matandang solon, katulad din ng ginagawa ng kelot kapag nauunang dumating sa public hearing o committee room ang karelasyong bebot.


Taliwas sa mga naunang depensang tsismis lamang ang pagkakaroon ng relasyon, isang malaking 'love birds' ang mga eksena sa public hearing dahil ginagawang taga-quorum ng bawat isa ang kanilang kapag nagpapatawag ng imbistigasyon at nauuwi sa 'family affairs' ang public hearing nito.


Madalas pang hindi maintindihan ng mga reporter nagko-cover sa mga public hearing, maging ilan pang resource person ang nilalaman ng imbistigasyon o paliwanag ng mga inimbitahang government officials tungkol sa isyu dahil naka-sentro ang kanilang mata sa magkarelasyong solon.


Ang rason, hindi simpleng pagbubulungan ang ginagawa ng dalawang (2) mambabatas sa public hearing bagkus malalagkit ang tinginan at nangungusap ang mga mata kapag meron isang isyung itinatanong, animo'y sila lamang ang nakaka-alam nito.


Lantad sa kaalaman ng nakakarami ang bawal na relasyon ng magkapareha kung kaya't hindi maiwasang ma-divert sa mga malisyosong eksena o makapag-isip ng malaswa ang mga reporter, sampu ng resource person tungkol sa extra-marital affairs ng dalawang (2) solon kapag naka-off ang camera.


Clue: Kapwa hiwalay ang dalawang (2) lady solon at pareho din tsikboy ang dalawang (2) kasamahang solon, maliban sa batang mambabatas na puwede sa tsiks at boy. Kung taga-GSIS Compound at taga-Batasan Complex, abangan ang susunod na kabanata.

Sunday, June 15, 2008

siyota ni sir

SIYOTA NG PULITIKO, NANGANGALAP NG PONDO SA 2010!


Sa harap ng alegasyong nakikialam sa media operation ng kanyang boypren, lalo pang nalantad ang hidden agenda ng magkarelasyon matapos lantarang i-lobby ng kanyang girlfriend ang interes ng mga kumpanyang nangako ng pondo sa kilalang pulitiko.


Sa report nakalap ng Tonite Spy, mismong karelasyon ng kilalang pulitiko ang nagtimon sa isang press conference para maghanap ng 'baka' o campaign donors bilang preparasyon sa 2010 national election.


Bilang patunay, pina-isponsoran ng karelasyong bebot sa mga malalaking kumpanya, kinabilangan ng mga negosyanteng napaboran sa isang batas na nilikha ng kilalang pulitiko ang press conference ng boypren nito.


Bago pa man nagpa-isponsor ng press conference sa mga mayayamang negosyante at multi-national companies ang karelasyong bebot, ito'y matagal nang inirereklamo ng mga staff ng mambabatas dahil nakikialam sa media operation kahit walang posisyon sa office ng kanilang amo.


Katulad ng alegasyong nakikialam sa media operation ng kanyang boypren, nagpatawag ng isang malaking press conference sa hanay ng mga beterano at batikang komentarista ang kilalang personaldad na karelasyon nito.


Sa naturang press conference, mismong karelasyong bebot ng kilalang pulitiko ang nangalap ng pondo, sa pakikipagtulungan ng mga malalaking kumpanya at mayayamang negosyante na posibleng campaign contributors sa 2010 election.


Nang makarating sa kaalaman ng ilang komentarista at broadcaster na mismong karelasyong bebot ng kilalang pulitiko ang timon sa press conference, karamihan dito'y nagsi-atrasan, as in tinabla ang imbitasyon.


Ang rason, natakot ang ilang komentarista at broadcaster na makulayan ang kanilang mga komentaryo sa radyo lalo pa't interes ng mga kumpanyang nag-isponsor sa press conference ang itinutulak ng karelasyon ng kilalang pulitiko.


Maliban dito, dumistansya ang batikang komentarista dahil maaring maresbakan at matawag itong bias sa nilikhang batas ng kilalang pulitiko lalo pa't kaibigan ang karelasyong bebot nito.


Clue: Nangangarap makarating ng Malacanang ang kilalang pulitiko at tinaguriang 'Mamas boy' habang saksakan ng tapang sa kanyang propesyon ang karelasyong bebot. Ito'y madalas mapa-away sa trabaho at mortal enemy ng mga pulis, sampu ng mga manufacturer ng pekeng produkto.

Saturday, June 14, 2008

balyador

SENADOR, NAMBALYA SA INTERBYU


Sa harap ng alegasyon bilang bagong ka-tropa ni Mulaway sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso, lalo pang pinatunayan ng isang bagitong senador ang pagiging obsessed sa media interbyu, patunay ang 'pangbabalya' ng kapwa-opisyal upang makapagpa-pogi sa publiko.


Bagamat hindi literal nakipagbalyahan ang bagitong senador, nasaksihan ng Tonite Spy kung paano maglunsad ng one-on-one defense ang kampo ng mambabatas upang maipagpag sa ambush interview ang isang gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Nang minsan ipatawag sa Upper House ang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo, ito'y pinakiusapan ng Senate reporters na lumabas ng committee room kapag nag-break ang public hearing at pinaunlakan naman ng opisyal ang ambush interview hinihingi dito.


Taliwas sa inaasahan ng Senate reporters, naka-istambay sa labas ng committee room ang hindi kagandahang media relation officer (MRO) ng bagitong senador at biglaang nagka-interes nang makitang nag-set up ng interview at kukumpol sa hallway ang mga ito.


Sa puntong ito, biglaang tumalilis sa nagkukumpulang reporter ang hindi kagandahang MRO ng bagitong senador at tinawag ang kanyang amo sa kabilang kuwarto na dumadalo sa ibang public hearing upang ipa-ambush interview ito, animo'y gustong magpalit ng player sa laro kahit walang time out ibinibigay ang reperi para sa substitution.


Dahil saksakan ng takaw sa media mileage at interbyu ang bagitong senador kahit tameme, as in tiyope sa mga interpellation at diskusyon sa floor, ito'y mabilis lumabas at tumawid ng ibang committee room upang magpa-ambush interview kahit ibang opisyal ang naka-iskedyul isalang dito.


Eksaktong papalapit ang bagitong senador sa puwesto ng nagkukumpulang Senate reporters, lumabas ng committee room ang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo kaya't hindi umubra ang planong pambabalya ng mokong, as in na-3 second violation bago nasundutan ng interbyu ang kalaban nito.


Nang mapansin nitong nakatingin ang ilang reporter at ramdam ang pagka-out of place, pa-simpleng nagkunyaring 'busy' ang bagitong senador sa tabi ng committee room habang kausap ang hindi kagandahang MRO.


Maging tauhan ng bagitong senador, hindi maitago ang naramdamang pagkahiya kaya't naglitanya itong isusunod na isasalang sa interbyu at sinegundahan ng mambabatas ang hindi kagandahang MRO, sabay bigkas ng katagang hihintaying matapos ang gabinete bago magpa-interbyu ito.


Clue:Isa sa ikinukunsiderang senatoriables ang gabinete ni Mrs. Arroyo at naresbakan sa half rice habang mahilig mang-iwan ng kaibigan ang bagitong senador at sariling interes lamang ang inilalaban. Bagamat lalaki, ito'y pinag-tripan kamukha ni Matet De Leon sa kanyang larawan ng mga high student bumisita sa Upper House.

Friday, June 13, 2008

sino si pam

si pam ay itago natin sa pangalan marlon.... ng peoples taliba

one more time

SENATE OFFICE, GINAWANG CAMPAIGN HEADQUARTERS NG PRESIDENTIABLE

Bagamat napalayo ng 2010 national election, maagang ipinakita ng isang miyembro ng Upper House ang pagiging ‘magulang’ sa presidential race matapos i-convert bilang campaign headquarters ang opisina sa GSIS Building, Roxas Boulevard Pasay City.

Maliban sa pagiging ‘magulang’ sa nakatakdang pagsasalang sa 2010 presidential race, nadiskubre ng Tonite Spy ang pagiging abusado ng senador sa kapangyarihan dahil libreng nagagamit ang kuwarto sa pansariling interes ng kumag gayong buwis ng taong bayan ang ipinangre-renta kada buwan sa GSIS management.

Kapag pinasok ang extension office ng senador, hindi tauhan ang makikita sa loob ng kuwarto kundi naglipanang campaign materials, katulad ng poster, streamer, sticker at iba pang uri ng propaganda paraphernalia na ginagamit ng mambabatas sa kanyang advocacy bilang preparasyon sa 2010 national election.

Sa unang tingin, mapagkakamalan pang malaking bodega o warehouse ang extension office ng senador dahil hindi magkasya ang dalawang (2) tao kapag pinasok ang kuwarto, as in pawang janitor lamang ang tumatambay ditto taliwas sa ipinangakong legislative office o kuwarto ng mga legal staff.

Halos pumantay sa kisame ang mga campaign materials ng senador sa kisame ng extension office at binubuksan lamang kapag meron delivery sa ibat-ibang probinsiya taliwas naman sa makikita kapag tinungo ang designated room napanalunan sa lottery ng kumag.

Hindi maiwasang bateryahin ng mga naglipanang kurimaw sa Upper House ang senador dahil ‘pakalat-kalat’ sa labas ng designated room ang mga bisita kung saan nilagyan ng mahabang silya para mapagkasya ang mga taong pumipila na humihingi ng medical at financial assistance gayong maaring gamitin ang extension office dito.

Naging kaugalian ng Senate leadership sa matagal na panahon na bigyan ng extension office ang ilang senador kapag maliit o masikip ang kuwartong napanalunan sa lottery na ipinapatupad sa mga bagong miyembro ng Upper House.

Kahit malaki ang napanalunang opisina ng senador sa lottery, ito’y humirit ng extension office, kalakip ang reklamong masikip at mala-presinto ang kanyang kuwarto dahil nagsisiksikan ang mga tauhan at kailangan ng karagdagang espasyo sa legislative staff.

Taliwas sa ibinigay na rason upang makuha ang extension office, hindi legislative staff ang inilagay ng senador kundi ginawang bodega, as in tinambakan ng sangkaterbang campaign materials at iba pang propaganda paraphernalia na ipinakakalat sa buong Pilipinas upang pabanguhin ang kanyang imahe sa mahihirap.

Clue: Saksakan ng ‘plastic’ ang senador at napaka-obsessed makarating ng Malacanang. Ito’y merong letrang ‘A’ sa kabuuan ng apelyido at napakahilig sa matatandang karelasyon. Kung bebot o kelot, abangan sa 2010 election.

nasalinan ng dugo

NA-BLOOD TRANSFUSION!

Ngayong panahon, hindi lamang pekeng produkto ang nagsusulputan, maging pagsasampa ng graft charges, katulad nangyari sa Bureau of Immigration and Deporation (BID), aba’y itinatanggi ng Buklod ng mga Kawani ng Bureau of Immigration (BUKLOD-BI) ang aksyon laban sa mga BID officials. Katulad ng paboritong litanya ni SP Manny Villar Jr., ‘dalawang bagay’ lang ang nasaisip ng mga kurimaw-ito’y pakana ng mga nangangarap maupo sa puwesto o kaya’y ‘script’ ng mga nasagsaan sa repormang ipinapatupad ng bureau.

Kundi nagkakamali ang Spy, lumabas sa national daily ang pagsasampa ng kasong graft ng isang permanent employees association laban sa limang (5) tiwaling BID officials. Ang nakakatawa lamang, iisa lamang ang union sa Immigration kaya’t kamuntikan malaglag sa silya si Leticia Fatalla bilang Presidente ng BUKLOD-BI. In fairness kay BID Commissioner Marcelino Libanan kahit napagkakamalang si Diomedes Maturan noong dekada 60’s, ito’y maraming nasampolang sindikato sa Immigration, katulad ng illegal alien at fixers kaya’t mahirap nga naman ang katayuan ni Aling Leticia kapag napag-initan ni Libanan nang walang kadahilanan.

@@@

Sa press release ng mga kampon ni House Speaker Prospero Nograles, walang ibang pinakamalakas sa 2010 kundi ang partidong Lakas-CMD at pag-aagawan ng presidentiables ito. Ang tanong ng mga kurimaw, meron bang gustong magpa-ampon sa Lakas-CMD kung palaging 'nakasungaw' ang anino ni Mrs. Arroyo na nababalutan ng katiwalian at eskandalo? Ibig sabihin, suicide sa sinumang presidentiables kung katulad nang misis ni Jose Pidal ang 'product endorser' sa entablado. Malinaw ang resulta ng May 14 2007 election t kundi pa nagka-puwersahan sa Maguindanao at hindi nabiktima ng ‘Bedol-Bedol Gang’, katulad ng reklamo ng Genuine Opposition (GO), dalawa lang ang lumusot!

Ang nakakapagtaka lamang, lahat ng ikinukunsiderang presidentiables ng Lakas-CMD, ito'y sumailalim sa 'blood transfusion', aba'y hindi purong posisyon ang dugong nanalaytay sa bawat 'veins' ng mga kandidato, as in nagpasalin-salin ang mga dugo at hindi iisang 'blood type' ang na-inject dito. Hindi natin ang babangitin ang pangalan ng mga kinukursunadang standard bearer ng mga 'super friends' ni Papa Migz Zubiri pero kapansin-pansin, etsapuwera sa listahan si senator Ping Lacson. Sabagay, bad trip sa kurakot at naglipanang 'kumisyuner' si senator Ping kaya't hindi maaring diktahan nang kahit sinong Pontio Pilato kumpara sa mga presidentiables ina-alok ng adoption paper. Anyway, Congrats kay Migz, ito’y isa nang ganap na Papa sa bagong baby girl nito.

@@@

Napag-usapan ang 'adoption paper' ng Lakas-CMD, lalo pang tumibay ang senaryong diskumpiyado at walang tiwala si Mrs. Arroyo kay Vice President Noli De Castro Jr., bilang 'manok' sa 2010 national election. Hindi kaya may kinalaman ang 'Meralco issue' lalo pa't walang posisyon o sariling stand si Uncle Vice kung kanino kampi ito? Pinag-uusapan sa mga coffee shops ang lantarang pangba-baterya ng ilang gabinete kay De Castro sa harap ni Mrs. Arroyo tungkol sa Meralco issue.

Sa isang meeting, ipinaramdam ng isa sa malapit kay Mrs. Arroyo ang kawalang bilib kay De Castro bilang manok ng administrasyon sa 2010 election. Ang litanya ng gabineteng naglalaway sa Pagcor: kundi magawang idepensa ni Uncle Vice ang pamilya Lopez nagbigay ng break sa radyo at telebisyon para sumikat hanggang masungkit ang No. 2 post, ano nga naman ang mahihita ng ina ni Lion King pagkatapos ng kanyang termino lalo pa't namumulalak sa katiwalian at eskandalo ang administrasyong Arroyo’. Take note: siguradong sisingilin sa lahat ng pagkakautang ang First Family kapag taga-oposisyon ang predecessor sa palasyo, ewan lang kung kayang tatablahin ng kanyang inanak sa kasal- si Chiz Escudero o kaya'y nang boypren ni Korina Sanchez si Mar Roxas, eh matagal nanilbihang DTI Secretary ni Mr. Tide Powder?

si tenga

TAPATANG TENGA SA 2010!

Bago pumasok ang 2nd regular session, asahang ilalabas ng Malacanang ang listahan ng mga bagong gabinete- ito'y bilang preparasyon sa State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 21. Iyon nga lang, 'bagong-luma' ang mga mukhang nakabuntot kay Mrs. Arroyo sa Batasan Complex plus 'Palakpak Boys'. Sabagay, tatak-Nograles ang speaker ngayon sa Lower House, siguradong mababawasan ang 'Hakot Brigade' at mauuwi sa 'palakpak-hangin' ang bagsak ng dalawang (2) palad ni ex-House mate Manong Joe De Venecia at siguradong naka-simangot si Manay Gina, maging ang kanyang ate si Manay Ichu Maceda.

In fairness, hindi kuwestyon ang kapabilidad at kakayahan ng mga papasok sa gabinete ni Mrs. Arroyo, katulad ni dating senador Ralph Recto- ito'y ikinukunsiderang ipalit kay National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Augusto Santos. Kaya't sorry na lang si Papa Romulo Neri, hindi mapagbibigyan ang special request nitong makabalik sa poder kahit ipina-zipper ang bibig sa broadband deal. Malabong ibigay kay Recto ang Department of Finance (DOF) ngayon pang maku-confirm sa Commission on Appointments (CA) si Sec. Gary Teves!

Ang may malaking problema-si Manong Joe De Venecia, aba'y maagang pinagpa-planuhang matalo ni Mrs. Arroyo sa Pangasinan- ito'y epekto ng broadband scandal ibinunyag ni Long hair Joey De Venecia sa Upper House. Mantakin nyo, sisirain ng Malacanang ang pangarap ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque makabulungan sa session hall si Jamby Madrigal-Valade with a letter E o kaya'y makasama sa ribbon cutting at makabeso-beso sa floor si Pia Cayetano-Sebastian para lamang 'magbalik-probinsiya' at tapatan ang sinumang 'manok' ni Tenga sa 4th district ng Pangasinan.

Kung tatakbong senador si Manong Joe, alinman sa kanyang anak at asawa-sina Manay Gina at Joey ang isalang sa congressional race ng Pangasinan. Walang ibang option ang kampo ni Mrs. Arroyo kundi hanapan ng kalaban ang pamilya De Venecia para makaganti sa gulong nilikha ng mag-ama kaya't isasakripisyo ang senatorial ambitions ni Duque. Take note: eksperto sa pagda-divert ng pondo si Duque, katulad ng OWWA funds noong 2004 national election, gamit ang Philhealth card upang ikampanya ang kanyang amo sa mga pamilyang mahihirap. Ibig sabihin, wise decision ang pagtakbong Congressman ni Duque sa Pangasinan, as in mababanaag ang 'Pag-asa, Cubao'. Mabuti lang, kasing-labo ng 'used oil' sa mga planta ang tsansang manalo ni Duque kung national level ang agenda sa 2010 lalo pa't umaalingasaw sa baho ang imahe ni Gloria!

Ayokong husgahan ang kaisipan ni Duque subalit nakakatawang isiping pinagko-concentrate ng kampo ni Mrs. Arroyo sa disrito ni De Venecia para magpango ng pangalan, iyon pala'y meron ibang 'agenda' ang Malacanang kung bakit kailangang lisanin ang departamento. Kalokohan kundi naulinigan ni Duque ang pagpasok ni dating senadora Tessie Aquino-Oreta (TAO) bilang DOH Secretary. Ang rason: hindi maibigay kay TAO ang Department of Education (DepEd) dahil magkakasamaan ng loob sina Mrs. Arroyo at Boss Danding Cojuangco na nagpasok kay Secretary Jesli Lapuz. Ika nga, dalawang ibon sa isang putok ang pag-concentrate ni Duque sa congressional district ni Tenga.

Sa kaso ni Lolo Ed Ermita, dalawang (2) puwesto lamang ang mahalaga sa biyenan ni GAB President Eric Buhain, ito'y maupong Ambassador sa Amerika o kaya'y sungkitin ang trono ni Pagcor chairman Efraim Genuino. Kapag natuloy ang rigodon, magiging Deputy Executive Secretary si DILG Assistant Sec (Asec) Bryan Yamsuan, aba'y malilipat ng Executive House at magiging permanent resident ng Borloloy Building si Secretary Ronaldo Puno sa loob ng dalawang taon. Ang kagandahan, malaki ang posibilidad maupo ng 'Tito ko' bilang DILG Secretary- si dating senador Vicente 'Tito' Sotto III, ngayo'y naka-iskedyul i-appoint sa Dangerous Drugs Board (DDB). Huwag lang umeksena si Little Mike Defensor, katulad ng pag-agaw kay Udong Mahusay sa kostudiya ni senator Lacson, pasok si Tito sa babakantehing flower pot ni Puno

maangas

SENADOR, MAANGAS SA ELEVATOR

Kung anong amo sa kanyang misis, ito’y kabaliktaran sa kagasapangan ng pag-uugaling ipinakita ng isang matandang senador matapos mag-angas sa loob ng elevator habang pababa ng 2nd floor para dumalo ng sesyon.

Ilang minuto bago sumapit ang alas 3:00 ng hapon bilang hudyat sa pagsisimula ng sesyon, naaktuhan ni Man Teban kung paano mag-angas sa loob ng elevator ang matandang senador.

Bago pumasok sa elevator ang matandang senador sa 5th floor, ilang Senate staff at security ang sakay mula 6th floor kung saan eksaktong nakasabay ng solon ang dalawa (2) pang nagkukuwentuhan tungkol sa kasalang naganap sa pamilya Estrada.

Habang nag-uusap ang dalawang (2) ‘elevator passenger’ at sentro ng kuwentuhan kung nagkalasingan sa kasal ni Jude Estrada, nabingi ng pandinig ang matandang senador at inakalang lasing ang mga pasahero, animo’y punong-puno ng tutule ang tainga nito.

Ikinagulat ng mga empleyadong sakay ng elevator makaraang magbigay ng maanghang na komento ang matandang senador at pasigaw itong nagtanong kung bakit nangangamoy beer sa loob kung saan masama ang tingin sa mga pasaherong katabi nito.

Walang nakasagot sa matandang senador dahil wala naman lasing sa mga pasahero ng elevator at wala din nangangamoy alak sa mga ito, katulad ng akusasyon ng solon.

Eksaktong bumukas ang elevator sa 2nd floor kung kaya’t mabilis na lumabas ang matandang senador para pumasok ng session hall at hindi maiwasang magtinginan ng mga empleyado, sabay bigas at turo sa mambabatas, gamit ang katagang ‘Anong problema nun’.

Pintahan nyo na: Napakatapang sa giyera ng matandang senador subalit kuha sa isang sutsot ni misis. Ito’y malapit nang magretiro at meron letrang “B’ sa kabuuan ng pangalan, as in ‘Boy Flashback’

spy kolum june 3

DEDICATED KINA BF AT MAYOR T!

Kung hindi kayang ilibre ng gobyerno ang text messaging system (SMS), bakit hindi magkaroon ng diskuwento, katulad ng proposal ni senator Jinggoy Estrada ibaba sa 50 sentimos, eh di sana walang pumipila at mang-istorbo sa mga telecom firm para humirit ng unlimited text. Isang halimbawa ang nangyari sa isang kasamahan sa trabaho-si Babylin Cacho-Resulta ng Far Eastern Broadcasting Company (FEBC), aba'y biktima ng mga 'little turtle' sa isang telecom firm. Kung anong lakas maningil, siyang kupad ng mga tauhan sa services. Hindi na natin babangitin ang kumpanya. Narito ang reklamo ni Babylin:

'Sana ma-publish nyo kung gaano kasalbahe ang mga tauhan ng isang telecommunications company. Nagpa-unlimited text ako kaninang ala 1:00 pa (June 3). Dapat one hour lang ang processing, pero inabot ng 15 hours. I confronted a customer care officer, Tony ang pangalan. He promised his supervisor si Irene Yupo will call me. She never did. Parang highway robbery. Second time ko nang ginawa ng mga tauhan ng telecom firm na ito sa akin. Hilig din nila kumain ng remaining load. Hope you can tackle this in your newspaper one day soon. I am sure di lang ako ng disgruntled. Thanks. Babylin.

@@@

Abril 17, pumunta ang mga taga-MMDA sa amin sa Tagaytay, pinaatras ng tatlong (3) metro mula poste ng Meralco ang mga bahay, ito'y ginawa naman namin. Pagkalipas ng isang linggo, bumalik ng mga taga-MMDA at pinagigiba noong Abril 24 ang mga bahay. Walang patawad kahit may mga tao sa loob ng bahay. Nakikiusap nga ang mga tao na huwag gibain pero tuloy pa din ang mga tauhan ni Bayani. Ang mga taga-MMDA habang sinasakay nila sa truck ang mga nakukuha, ang mga paninda kinakain nila at mga kawad ng kuryente kinukuha nila. Mga suwapang na mga MMDA. Pag inawat mo sila, tutukan ka ng baril.

Pag tinatnong mo, project daw ni Governor Ayong Maliksi at Mayor Tolentino. Hindi man lang pumunta sa lugar si Mayor Tolentino. Ang alam namin, iyong lupang tinitirikn ng mga bahay namin sa harap ng Olivarez Plaza sa Crossing, Silang East Tagaytay City ay gusto ng mga Tolentino. At ang alam kasi nmin sa lupa na kinatitirikan namin, wala ng nagbabayad ng amilyar kaya ganun ang gusto nilang mangyri, palisin ang mga tao na walang bayad at relokasyon. Ngayon nakatiwanwang ang mga pinagibaan. Siguro patatagalin muna bago tirikan ni Mayor Tolentino.

Sender: Cesar B ng Tagaytay

Ngayon, keysa atupagin ng 'bayaning isinusuka ng mga vendor'-si MMDA chairman Bayani Fernando ang pagkabit ng mga naglalakihang poster at billboard bilang preparasyon sa pagtakbong President kahit 1.2% ang popularidad sa presidential survey, mas makakabuting aksyunan ang isang reklamong natanggap. Siguro naman, hindi na muling liliham sa office at National Press Club (NPC) si BF upang sibakin o ilipat ng ibang assingment ang iyong lingkod. Ganyan ka lupit ang Spy, aba'y 'special request' sa office, iyon nga lang, 'not granted' kay Big Brother.

@@@

Sa hearing ng committee on science and technology, kasama bilang secondary committee ang civil service and government reorganization at finance noong June 3, araw ng kapanganakan ng yumao kong ina, dalawang (2) senador lang ang present, walang iba kundi ang matalik na magkabigan sina Edong Angara at Loren Legarda-Leviste kaya't solo ang buong pagdinig, animo'y nag-picnic sa luntiang kapaligiran ng Luneta Park, aba'y sabay nag-kape at nananghalian sa committee hearing.

Si Angara ang chairman ng science and technology habang si Loren Sinta ang 'substitute chair' ng civil service dahil naka-selda si senator Sony Trillanes habang si senador Mar Roxas ang finance chair pero hindi nakarating, maging si Jinggoy na sponsor sa paglikha ng National Council for Information Technology and Development (NCITD), tila abala sa kasal ni Capt. Jude kaya't absent. Sa tingin ng mga kurimaw sa Upper House, maagang natulog sina Edong at Loren Sinta para maaga din magising dahil 9:00 ang public hearing. Ayos, Palakpakan!

kilala nyo ba

KARELASYON NG SOLON, INSECURE SA KAIBIGAN!

Sa harap ng alingasngas na lumalalim ang pagkakaibigan ng dalawang (2) mambabatas, matinding pagsi-selos at insecurity ngayon ang nararamdaman ng karelasyong bebot ng isa sa mga ito.

Mas lalo pang tumindi ang pagsi-selos ng karelasyong personalidad dahil mahilig sa ‘damatan’, as in matatandang bebot ang kilalang pulitiko, patunay ang makailang-beses pagkakadawit sa mga babaing may sabit o hiwalay sa asawa.

Sa impormasyong nakalap ng Tonite Spy, sukdulan hanggang Taguig/Pateros ang ipinapakitang insecurity ng karelasyong personalidad sa lady solon, kalakip ang pangambang maagaw ang kanyang bopyren lalo pa’t ‘senior citizen killer’ ang kumag.

Dati-rati’y napakagiliw ng karelasyong personalidad sa lady solon subalit nang umugong sa ibat-ibang coffee shops, maging sa mga political gathering at blind items ang senaryong nagkaka-interes ang kilalang pulitiko dito, nag-iba ang timplada ng una at nagsimulang pag-initan ang kaibigan ng kanyang boypren.

Mas tumindi ang pagsi-selos at insecurity ng karelasyong personalidad matapos mabalitaan nitong ‘nilalangam’ sa tamis ang mga tinginan ng dalawang (2) mambabatas kapag nasa loob ng session hall, maging sa dinadaluhang public hearing kung saan palaging nagbibeso-beso at naghahawakan ng kamay ang mga ito.

Hindi rin nakaligtas sa kaalaman ng karelasyong personalidad ang madalas na pagbubulungan at pagtatawanan ng dalawang (2) solon sa session hall, partikular ang nakahiligang pagdidikit ng lady solon sa boypren ng una kung saan halos ikiskis nito ang dibdib sa kasamahang mambabatas.

Nang mabalitaan ng karelasyong personalidad ang pagiging sweet ng kanyang bopyren sa kasamahang mambabatas, ito’y nagsimulang mag-iba ng tono sa kanyang propesyon at madalas pag-initan ang nabangit, kabilang ang alegasyong dekorasyon at palamuti lamang ang lady solon.

Clue: Maliban sa pagiging dekorasyon, puro pagpapa-cute lamang ang ginagawa ng lady solon dahil mas marami pang oras sa ribbon cutting keysa mag-sponsor ng proposed measures habang napakatapang ng karelasyong personalidad sa kanyang propesyon at ‘Mama’s boy’ ang bansag sa kilalang pulitiko.

spy kolum

NA-STRIKE 2 SI SINTA!

Ngayong Miyerkules, naka-iskedyul isalang sa confirmation ng Commission on Appointment (CA) si DOJ Secretary Raul Gonzales. Ang nakakatawa lamang, aba'y pang-Guinness Book of Records ang nakalistang oppositors ni Lolo Raul dahil umabot ng isang dosena at meron pang tatlong (3) naka-reserba. Sabagay, hindi nakakagulat kahit umabot ng isang milyon ang oppositors ni Lolo Raul lalo pa't maraming sugatan sa matalas na dila ng gabinete. Kung ang mag-inang Cory at Kris Aquino, maging si Susan Roces, hindi nakaligtas sa masamang tabas ng bunganga ni Lolo Raul, iyon pa kayang ordinaryong indibidwal na 'nagpila-balde' sa CA?

Sa pababalik ni Lolo Raul sa committee on justice ng CA, hindi lamang usapin sa sex escapade naunang ibinunyag ng kampo ni ex-Barangay chair Marietta Orleans ang binuhay laban sa gabinete kundi ang kaliwa't-kanang pang-aabuso sa kapangyarihan, katulad ng reklamo nina Party-list Rep. Satur Ocampo, Liza Maza at Luzviminda Ilagan. Kaya't payo kay Lolo Raul, mas makakabuting huwag nang magpagod lalo pa't hirap maglakad paakyat sa 2nd floor, ito'y siguradong bypass at 'aksaya-gas' lang ang pagpunta sa Senado ngayon pang pumapalo ang gasolina sa P53.00 kada litro, eh puro de-otso pa naman ang service car ng mga taong-gobyerno at buwis ng taong bayan sinusunog nito. Kahit itanong nyo pa kay birthday boy, senator Ping Lacson nagdiwang ng kaaarawan noong Hunyo 1.
@@@
Bago pag-initan ni senadora Miriam Defensor-Santiago ang product endorsement ng ilang presidentiables, sampu ng kasamang pulitiko, bakit hindi ipabaklas ang naglalakihang karatula ni Mrs. Arroyo. Mantakin nyo, ibinibida ni DPWH Secretary Hermogenes Ebdane ang mukha ng kanyang amo kahit isang dipa lamang ang kalyeng under construction gayong responsibilidad ng misis ni Jose Pidal ang magpagawa ng tulay, kalsada at iba pang infrastructure project bilang Pangulo, maliban kung insecure sa popularidad ng namayapang si Fernando Poe Jr., at gustong makilala sa buong kapuluan lalo pa't puwersahan lang naman ang pagkapanalo noong 2004 election?

Ni sa panaginip, ayokong isipin inggit lamang ang naramdaman ni Aling Miriam kaya't nagtataasan ng buhok sa product endorsement ng ilang kasamahang senador lalo pa't nasa kamay nang lahat ng lady solon ang magandang buhay- ito'y makapangyarihan at napakalakas sa Malacanang. Kung walang batas nagbabawal sa product endorsement, ito'y kasalanan ng Kongreso, hindi ng mga pulitikong nilapitan ng mga kumpanya para i-endorso ang kanilang produkto. Iyon nga lang, dapat mapanuri ang isang senador para maiwasan ang nangyari kay Loren Sinta nag-endorso ng whitening pill o anti-oxidant na inaakusahang peke!
@@@
Napag-usapan ni Loren Sinta, tila nangongolekta ng sablay ang lady solon, aba'y hindi pa man humuhupa ang isyu sa pag-endorso ng pekeng pampaputi, katulad ng expose ng girlfriend ni senador Mar Roxas-si Korina Sanchez laban sa Lucida-DS, isang panibagong kapalpakan ang 'collection' ng kaibigang matalik ni Edong Angara. Pinakahuling sabit ni Loren Sinta ang pag-recant ng isang Pinay domestic helper na napabalitang ginahasa sa Saudi Arabia. Pagkabalik ng Pilipinas, itinanggi nitong 'pinilahan' ng kanyang amo at tatlo (3) pang lalaki. Ibig sabihin, 'nakuryente' si Loren Sinta, animo'y isang pusang sumabit sa kable ng Meralco. Take note: ibinulong ni Loren Sinta kay Mrs. Arroyo ang kaso ng Pinay workers nang magkaharap sa Malacanang para sa signing ng isang batas kaya't napadali ang pagpapauwi sa Pilipinas.

Ang tanong ng mga kurimaw sa Upper House: hindi kaya 'nagbabayad-utang' si Loren Sinta sa naunang pagbalimbing noong 2004 election? Hindi ba't nag-crying lady sa impeachment trial ni dating Pangulong Joseph 'Erap' Estrada pero pagkatuyo ng panyo, kasing-bilis sa pagbunot ng baril ni Da King na tumawid sa oposisyon bilang running mate ng nasirang aktor. Isang malking kalokohan kung itatangi ng PR manager ni Loren Sinta-si Willy Fernandez ang alegasyong inabandona ng lady solon ang Lakas-NUCD Party upang makarating ng Malacanang, gamit ang oposisyon? Isipin nyo, isinaripisyo ni Loren SInta ang pagiging katuwang ni Vice President Noli De Castro sa mga kasal at binyagan. Iyon nga lang, mas popular si Uncle Vice!

sino eto

LADY SOLON, ‘NANG-LAND GRAB’ NG OPISINA

Sinamantala ng isang lady solon ang kawalang aksyon ng Dalawang Kapulungan ng Kongreso sa 10-year extension ng Comprehensive Reform Program (CARP) hinihirit ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos kamkamin ang ibang opisina.

Ang pinakamalupit sa lahat nasaksihan ng Tonite, nagmistulang ‘photo gallery’ ng lady solon ang mahabang hallway matapos ‘i-land grab’ ang opisina nang may opisina, animo’y nakikipag-kompetisyon sa memorabilia o photo exhibit na ipinaskil ng in-house photographers.

Kung anong tuwa ng lady solon kapag nakikita ang mga naglalakihang litrato, ito’y kabaliktaran sa nararamdaman ng mga legislative employees kung saan sukdulan hanggang Aurora at Batangas ang pagkairita sa pagmumukha ng mambabatas.

Ang rason, hindi pag-aari ng lady solon ang pader na pinagpaskilan ng kanyang mga litrato, as in ibang opisina ang nagmamay-ari ng kuwarto subalit hindi magawang pumalag dahil isang mambabatas ang mokong habang isang director lamang ng isang dibisyon ang nakakasakop nito.

Magkatabi ang opisina ng lady solon at isang division director kaya’t napakadaling angkinin o kamkamin ng mambabatas ang hallway lalo pa’t iisa ang kanilang bakuran.

Ang masakit lamang sa panig ng division director, ito’y nawalan ng espasyo at sinakop lahat ng lady solon ang kanyang puwesto kung saan maging pader nasa parte ng kaniyang opisina, hindi pinalagpas ng kumag at pinakuan ng mga litrato.

Sa tuwing mapapadaan ang mga staff ng division director, hindi maiwasang mahiya dahil napagkakamalang mga tauhan ng lady solon lalo pa’t larawan ng mambabatas ang dekorasyon sa hallway, animo’y ginawang extension ng kanilang sala.

Clue: Saksakan ng plastic ang lady solon at napakahilig sa matandang karelasyon, as in kuwadrado ang pagmumukha sa pulitika dahil balimbing. Kung senadora o Congresswoman, abangan ang karugtong.