Katulad ng sungka at bingo, kahit anong kuwenta ang gawin ng bawat partido, walang ‘makakapuro’ ng sena torial line-up sa 2010. Unahin natin ang Liberal Party (LP), kahit sarado ang tambalan ng mag-Kuya na sina Noynoy Aquino at Mar Roxas, hanggang ngayon apat (4) pa rin ang senatoriables -- sina Frank Drilon, Ruffy Bia zon, Risa Hontiveros at Nereus Acosta.
Take note: itinuturing pang reluctant candidate si Acosta at hindi nga magawang manalo sa Bukidnon noong 2007 elections, ‘di hamak kakainin ng buhay at kamotehan ang bagsak kung magsi-senador?
Hindi tatlo (3) kundi 12-man senatorial slate ang kailangan ng isang partido. At paano kung sumalang si Public Attorney’s Office (PAO) chief Percida Acosta, eh ‘di tapos ang career ni Nereus?
Katulad ng Liberal, malaki rin ang problema ng Nacionalista Party (NP), aba’y matigas ang deklarasyon ni Vice President Noli De Castro -- ito’y hindi hihirit ng second term at walang interes makipag-tandem kay Manny Villar.
Ang tanong ng mga kurimaw: sino ang magiging running mate ni Mr. C-5 lalo pa’t ‘nagtutunug-tunugang Liberal’ si Mr. No ted, as in Francis Prancaceus Pangilinan at ipinangangalandakang isinakripisyo ang vice presidential ambition kay Roxas, ma liban kung mabola si ex-Pre sident Joseph ‘Erap’ Estrada at pumayag mag-Vice kay Villar?
Sa ngayon, tanging sina Pia Cayetano, Miriam Santiago, Gilbert Remulla, Bongbong Marcos, at Col. Ariel Querubin ang lehitimong nakalistang senatorial bets ni Villar. Kundi nagkakamali ang Spy, “50-50” kung tatakbo si Ralph Recto sa ticket ni Villar at nagdadalawang-isip din sina Satur Ocampo at Liza Maza, patunay ang pakikipag-usap sa Nationalist People’s Coalition (NPC) ng Bayan Muna at Gabriela!
Maging miyembro ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni Erapsky, nahihilo kung saan patutungo ang kanilang partido, paano kung idiskuwalipika ng Comelec at umatras ngayong naglalabasan ang kakaibang karakter? Si guradong maghahanap ng kandidatong masisilungan sina Senate President Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Jojo Binay sa 2010.
Take note: malalim ang sugat sa pagitan nina Enrile at pamilya Aquino kaya’t malabong magpa-ampon sa LP, maging sa NP lalo pa’t pinalitan si Villar sa trono, hindi katulad ni Binay, ito’y naka-yellow T-shirt kaya’t puwedeng pumasok sa LP.
Ang malinaw lamang, mas gugustuhin ni Jinggoy sa kampo ni Manny, aba’y marami nang ‘bida’ sa LP at NPC, maliban kung tanggap maging ‘dakilang extra’ sa ticket?
***
Napag-usapan ang NPC, ‘di hamak may tsansang makabuo ng senatorial ticket sina Chiz Escudero at Loren Legarda. Sa unofficial list ng NPC, nakalinya sina DOT Sec. Ace Durano, DepEd Sec. Jesli Lapus, Cong. Bong Plaza, ex-senator Tito Sotto, Grace Poe-Lamanzares, General Danny Lim, Toots Ople, at Teddy CasiƱo.
At kahit pa tumakbo o madiskuwalipika si Erapsky, pasok sa NPC line-up si Enrile dahil malapit kay Chiz, ewan lang si Jinggoy? Sa ngayon, siyam (9) ang nakalista sa inaabangang ‘Chiz-Loren’ tandem subalit marami pang rigodon na mangyayari bago mag-November 30 deadline ng Comelec kaya’t hindi pa safe ang bawat senatorial bets.
At huwag kakalimutan sina Dick Gordon, at Jamby Madrigal, malay n’yo magising sa katotohanan at mapagtantong kakapiranggot ang rating sa presidential survey, maging si Bong Revilla -- ito’y nakikiramdam lamang sa takbo ng pulitika lalo pa’t magulo ang Bagong Lakas-Kampi (BAKLA).
Kung merong sasamahan sina Gordon at Madrigal, siguradong LP at NPC, habang si Revilla, pasok kahit saang political party, katulad din ni Recto na nag-aabang sa kung ano ang malaking mangyayari, aba’y mahirap nang matisod pang muli!