Saturday, November 29, 2008

nov 29 2008 abante tonite issue

Staff ginagawang aso ng solon
(Rey Marfil)

Bagama’t nagmula sa de-kalibreng unibersidad at nagpaka-dalubhasa sa ibang bansa bago nakapasok sa government office at napabilang sa hanay ng mga deputado, mistulang walang ‘breeding’ ang isang daldalerong solon.
Ang rason, walang pinag-iba sa aso kung ituring ng daldalerong solon ang mga tauhan kung kaya’t hindi maiwasang mairita ang mga nakakarinig at nakakapansin sa kakaibang pagtawag ng mambabatas sa mga staff.
Paulit-ulit nasaksihan ng TONITE Spy na walang karapatang mapabilang ang daldalerong solon sa hanay ng mga mambabatas na nagpapakilalang ‘honorable’ at nagpapa-address bilang “Your Honor” sa floor dahil walang ‘honor’ kung tumawag sa mga staff ito.
Bagama’t likas sa daldalerong solon ang pagiging masipag sa trabaho kahit nali-late ng pasok, mas madalas kinaiinisan ng mga naglipanang kurimaw sa hallway at session hall ito dahil walang breeding ang mokong kapag nagtatawag ng tauhan lalo na kung meron itong ipag-uutos.
Hindi tinatawag sa pangalan ng daldalerong solon ang mga tauhan, katulad ng pag-address sa palayaw ng staff, apelyido o kaya’y posisyon sa kanyang opisina bagkus inihalintulad sa askal, as in asong kalye.
Kahit saang bahagi ng session hall at public hearing, hindi alintana ng daldalerong solon kung sino ang mga nakapaligid at makakarinig sa kakaibang estilo ng pag-uutos nito, partikular ang pagsutsot sa staff, animo’y asong pakalat-kalat sa kalye ang mga tauhan.
Katulad ng isang asong kalye, mabilis ding lumalapit sa daldalerong solon ang sinusutsutang staff at kontodo-pakinig sa instruction ng kumag, kalakip ang pangambang magkamali at mapalo ng kanilang amo at hindi mapakain ng tanghalian.
Bagama’t nababastos sa panunutsot ng daldalerong solon, walang choice ang mga staff kundi pagtiyagaan ang mambabatas dahil kailangang kumita at merong pamilyang binubuhay ang bawat isa.
Clue: Kung anong sipag sa trabaho ng daldalerong solon kahit paulit-ulit nali-late sa session at public hearing, ganito rin ka-busy ang bunganga nito sa mga debate at media interview. Ito’y talsik-laway din sa lahat ng pagkakataon. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Friday, November 28, 2008

nov 28 2008 abante issue

Bibig ng solon, mukhang puwet ng manok

Mas lalo pang lumutang ang senaryong ‘tsikboy’ as in puwede sa tsiks at boy ang isang mestisuhing solon bunga ng pagiging tsismoso at intrigero para mapaboran ang kampo nito.


Hindi naman ikinagulat ni Mang Teban ang pagiging tsismoso at intri­gero ng mestisu­hing solon dahil kawangis sa puwet ng manok ang bunganga ng mambabatas, kahalintulad ng isang nangingitlog.


Kapag ikinumpara ang bibig ng solon, ito’y walang pinag-iba sa puwet ng isang manok na bagong pangitlog dahil namumula ang labi at halos kasing-hugis nito.


Tanging pagkakaiba sa puwet ng manok, hindi ipot ang kahalo sa bawat pagbuka sa bibig ng mestisuhing solon, bagkus ang namumuong laway sa magkabilang dulo ng labi habang sinisiraan ang mga kasamahang mambabatas.


Kung anu-anong pang-iintriga ang ipinapakalat ng solon laban sa mga kapwa-solon at hindi pa rin matanggap ang sinapit na kamalasan ng kanilang grupo, as in sour graping ito hanggang ngayon.


Pintahan niyo na: Napagkalamang kamukha ng dating child actress ang litrato ng tisoy na solon sa photo exhibit ng mga estudyante.

Thursday, November 27, 2008

nov 27 2008 abante tonite issue

Nag-Macau ang mga bata ni Angara!
Rey Marfil


Sa bagong seating arrangement, nasa 1st row sina Gringo Honasan, Jinggoy Estrada at Migz Zubiri. Sa 2nd row ang tatlong (3) administration allies -- sina Dick Gordon, Bong Revilla at Edong Angara, at hindi mapaghiwalay sa 3rd row ang tatlong (3) namuno sa pagkasibak ni Senador Manny Villar Jr. -- sina Ping Lacson, Jamby Madrigal at Loren Legarda. At halos nabili ng Liberal Party (LP) ang 4th row, animo’y merong magkakasakit kina Noynoy Aquino, Mar Roxas at Pong Biazon kapag naiba ang pagkaka-puwesto ng silya. Ang reserve seat ni Senate President Juan Ponce Enrile, ito’y nasa 3rd row sa likuran ng minority bloc, katabi ni Sonny Trillanes habang nasa 4th row sina Miriam Santiago, Chiz Escudero at Lito Lapid.
Sa malamang, pinakamasaya sa bagong ‘cheating arrangement’, este seating arrangement si Leon Guerrero, aba’y nasa exit at madaling pumuslit pagkatapos magpa­lista sa attendance sheet. Ang problema lang, ito’y main entrance at hagip sa camera ng monitoring team ang pag-escape, kahit walang kabayong bitbit. Higit sa lahat, hindi kailangang UP graduate, katulad ni Aling Matet para maintindihang ‘core group’ ng Wednesday Club ang naka-puwesto sa 1st row ng minority bloc -- sina Joker Arroyo at Mr. Noted, as in Francis Pranceus Pangilinan habang 2nd row ang inokupahan ng mag-utol -- sina Pia at Alan Peter Cayetano, katabi ni Villar. Kung hindi sumama si minority leader Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., lima (5) lamang ang naiwan sa bagong minorya, walang iba kundi ang mga ‘favorites’ at napaboran.
Napag-usapan si Trillanes, good decision ang pagsama sa bagong majority bloc. Ang mangandang nangyari, kaagad inaksyunan ng Senate leadership ang proposal nina Lacson at Pimentel sa panahong magkasama sa minority bloc. Ang resulta, ipinag-utos ni Lolo Johnny noong Martes sa Senate legal staff na pag-aralan ang legalidad kung paano makakaboto si Sonny kahit naghihimas ng rehas sa PNP Custodial Center. Ang rason ni Lolo Johnny, hindi pa naman convicted si Sonny kaya’t kailangang irespeto ng gobyerno ang lahat ng karapatan ng Magdalo leader. At least, nakinig si Sonny!
***
Maliban sa rigon ng komite, kaliwa’t kanan din nga­yon ang blowout sa pagkakasibak ni Villar at kuwentuhan sa coffee shops ang pagsasaya ng mga ‘bata’ ni Lolo Johnny na ‘nakatanim’ sa iba’t ibang government offices dahil hindi inakalang mararating ng kanilang bossing ang Senate President at balitang nag-Macau nu’ng nakaraang weekend. At malaking palaisipan din kung anong gagawin ng mga tauhan ni Edong Angara sa Macau nga­yong weekdays gayong napaka-busy ng committee on finance na kanyang minana kay Enrile sa budget deliberation, as in kahapon (Nov. 26) sinimulan ang sponsorship spee­ches at general principles sa 2009 proposed budget, mali­ban kung ikinansela ang biyahe?
Sa nakuhang flight details ng Spy, malinaw ang Macau trip ng apat (4) na tauhan ni Angara ngayong alas-12:30 ng tanghali (Nov. 27) -- sina Amenah Pangandaman, Olivia De Leon, Reynaldo Regalado at Vicente Jose Roxas via PR 352 at 2:35 p.m. ang arrival sa Macau. Ang balik ng mga staff ni Angara ay sa Nobyembre 29, araw ng Sabado via PR 353 at 3:40 ang departure sa Macau at 5:45 ang arrival sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA). Ang package rate, ito’y nagkakaha­laga ng $641.00, katumbas ang P1,620 bawat isa. Hindi lang malinaw kung kasama sa package rate ang tatlong (3) araw at dalawang (2) gabi sa Hotel Venetian Hotel, maging ang breakfast, lunch, round trip transfers sa airport patungong hotel at Macau City Tour.
Take note: si Pangandaman ang chief of staff (COS) ng kaibigang matalik ni Loren Sinta at personal secretary si De Leon habang si Regalado, ito’y ex-administrator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) simula 1998 hanggang 2001. Kung anong gagawin sa Macau ng staff ni Angara, sila lamang ang nakakaalam lalo pa’t casino, as in sugal ang negosyo sa Macau, maliban kung meron ‘nilulutong-Macau’. Anyway, kapangalan lamang ni Court of Appeals (CA) Justice Vicente Roxas na sinibak sa bribery scandal ang nakalistang kasama ni Pangandaman! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, November 26, 2008

nov 26 2008 abante tonite issue

Mulaway naligo sa laway
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang “tuso man ang matsing, napaglalangan din”, naisahan ng isang reporter ang isang daldalerong solon na mahilig magpaulan ng laway sa session at iba pang media interview matapos aksidenteng matalsikan ng ibang laway ito.
Bago napaulanan ng laway ang daldalerong solon, nasaksihan ng TONITE Spy kung gaano ka-busy sa pagkukuwento sa harap ng mediamen ang mokong, kabilang ang pagbubuhat ng bangko at pagbibida sa mga nagawa sa gobyerno.
Sa mahabang panahon, walang inatupag ang mga mediamen na nagko-cover sa Kongreso, maging kasamahang mambabatas kundi sumalag sa nagtatalsikang laway ng daldalerong solon lalo pa’t isang oras ang ginugugol kapag naglilintanya.
Kung hindi lamang ipinagbawal ang magbukas ng payong sa session hall o kaya’y mag-kapote sa floor, ito’y matagal nang ginawa ng mga reporter, maging kasamahang solon upang makaiwas sa bumubula at nagtatalsikang laway ng daldalerong solon.
Sa isang ambush interview, mistulang nakaganti ang buong miyembro ng press corps sa walang katapusang pagpapaulan ng laway ng daldalerong solon, sa pamamagitan ng isang kasamahang reporter.
Mas lalo pang nagpasiklab ang daldalerong solon nang mapansin nitong nagmula sa mga kilalang newspaper ang mga kaharap at inakalang headlines kinabukasan ang pag-astang ‘Boy bida’ sa kuwentuhan.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakaresbak ang mediamen sa walang katapusang pagpapaulan ng laway ng daldalerong solon matapos tawagin ang isang reporter na nasa ‘di kalayuan ng mokong upang tanungin kung anong nilulutong istorya nito.
Kasabay ang pagtatanong ng daldalerong solon, aksidenteng tumalsik ang namumuong laway ng reporter at bumagsak sa kaliwang braso ng kumag kung kaya’t humagikgik sa katatawa ang kasamahang mambabatas na nakasaksi dito.
Kaagad namang humingi ng sorry ang reporter at patay-malisya ang daldalerong solon, as in hindi magawang ma­galit ng mambabatas dahil matagal nang gawain ang magpaulan ng laway at halos namumuti ang balat ng mga katabi sa lamesa.
Clue: Pikon ang daldalerong solon kapag naididikit ang kanyang pangalan sa Malacañang kung saan saksakan ng ingay, hindi lamang sa session hall at public hearing kundi sa lahat ng kuwentuhan. Ito’y binansagang ‘Mulaway’ ng Kongreso dahil talsik-laway kahit saang forum at bastos ang nickname nito. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, November 25, 2008

nov 25 2008 abante tonite issue

Hindi pa huli para kay Sonny!
Rey Marfil


Kahit anong pang-iintriga ang gawin sa bagong majo­rity bloc, kesyo may basbas ang Malacañang o pinagplanuhan ni Erap Estrada, malinaw ang katotohanang ‘sour gra­ping’ at ‘nabulag’ sa impormasyon ang Wednesday Club. At paano ika-counter ni Lolo Manny ang nag-mutiny, ito’y pawang eksperto sa intelligence gathering at malalim ang military background? Mantakin n’yo, tatlong (3) mag-mistah at isang ex-Defense Minister ang nagkudeta. Talagang sa C-5 Road pupulutin ang tropa ni Manny Villar at mala-’Halimaw sa Banga’ ang buhay na naghihintay sa katukayo ni Joselito Cayetano ngayong ‘red ribbon’ ang bagsak!
Maraming nagtataka kung bakit hindi natunugan ng media, maging kapwa senador sa dating majority bloc ang kudetang inilunsad laban kay Villar. Ibig sabihin, magaling magtago ng impormasyon ang grupo ni Lolo Johnny lalo pa’t tatlong (3) produkto ng Philippine Military Academy (PMA) ang bagong majority bloc -- sina Senators Pong Biazon, Gringo Honasan at Ping Lacson. Take note: nagsilbing chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Biazon, ex- Philippine National Police (PNP) chief si Lacson at ex-Defense Minister si Juan Ponce Enrile ni Marcos. Ang pinakamatindi sa lahat, expertise ni Gringo ang magkudeta. Kung nagkataong nasa labas ng selda si Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV, sa malamang, mas nauna itong nagmartsa.
Simpleng arithmetic at hindi kailangang magtapos ng UP para maintindihan ni Aling Matet kung bakit walang kamay ang Malacañang sa nangyaring kudeta sa Upper House. Una, wala ang pirma ni Leon Guerrero, as in Lito Lapid at makailang-beses pang nagta-tumbling bago naintindihang mawawalan ng komite kaya’t humabol sa majority bloc. Pangalawa, bakit nag-inarte si Inday Mi­riam at nagawa pang pagtaguan sa telepono si Lolo Johnny gayong ninong sa kasal ito? Higit sa lahat, bakit nasa bagong minority bloc si Senator Joker Arroyo? Ibig sabihin, sariling diskarte ng labintatlong (13) senador ang pagpalit ng Senate President at etsapuwera ang ‘core group’ ni Manny dahil merong mag-squeal!
Ang biruan ngayon, mapapanatag ang kalooban ni Gringo, aba’y nagtagumpay ang ‘coup’, hindi katulad sa panahon ni Mrs. Cory Aquino hanggang sa maupo si Mrs. Gloria Arroyo, paulit-ulit sumablay ang diskarte at makailang-beses ding minalas kaya’t na-karsel ito. At least merong maibibilang na panalo si Kuya at Presidente rin naman ang titulo. Ang nakakatawang balikan lamang -- sina Biazon at Lacson ang nasa government side noong 1986 coup d’etat pero ngayon sila’y magkakampi, kasama nina Honasan at Enrile sa bagong majority bloc!
***
Napag-usapan si Trillanes, hindi maintindihan ng mga kurimaw sa Upper House kung bakit mas pinili ni Sonny ang sumama sa minority bloc gayong hawak ng bagong majority bloc ang ‘susi’ para makasali sa debate at diskusyon sa session hall, maliban kung nagpakilalang si San Pedro si Alan Peter Cayetano kaya’t nagpati-anod sa nararamdamang tampo sa grupo ni Senator Ping. Sabagay, kahit sinong lumagay sa katayuan ni Sonny bilang miyembro ng ‘Solid 8’, hindi maiiwasang mag-emote kundi nasabihan sa ‘kudeta’ subalit dapat intindihin ang sitwasyon lalo pa’t oras ang labanan. Tutal, hindi rin naman nagpaalam si Sonny kay Senator Ping nang mag-alburuto at mag-walkathon patungong Manila Peninsula, eh ‘di kapwa tawad na lang ang dalawa at magpasensyahan ang bawat isa. Ibig sabihin, magpakumbaba ang nakakabata, katulad sa turo ng mga nakakatanda!
Kundi nagkakamali ang Spy, bad trip si Sonny kay Lolo Joker, hindi lamang sa panahon ng kampanya kundi sa makailang-beses nitong pangbabaterya sa kasong mutiny, maging ang estado bilang miyembro ng 14th Congress kaya’t malaking katanungan kung kaya nitong makipag-jamming sa Peoples Dragon bilang minority bloc. Mismong si Mr. Palengke, as in Senador Mar Roxas II ang nagsabing ‘paano ibibilang ng kanilang grupo ang boto ni Sonny kung nasa minorya’. Ang tanong: nakatulong ba noong kampanya ang mga taong sasamahan ni Sonny sa minority bloc? At bilang kaibigan, hindi pa huli ang lahat para ikunsidera ni Sonny ang nararamdamang tampo sa mga kaibigang nasa majority bloc at iba naman ang karakter ni Leon Guerrero para katakutan ang pagkapahiya sa floor! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, November 24, 2008

nov 24 2008 abante tonite issue

Presidentiable kinilig sa ex-sexy star
(Rey Marfil)

Sa halip magalit o katakutan ang pagseselos ng bagong karelasyon, abot-Visayas region ang naramdamang pagkakilig ng isang presidentiable matapos maungkat ang namuong relasyon sa pagitan ng da­ting sexy star.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano kiligin ang isang presidentiable habang pinag-uusapan ang da­ting sexy star na nakarelas­yon, animo’y nanariwa ang magagandang alaala ng dalawa, katulad sa panahong nagpupulot-gata sa kama at naghahabulan ng nakahubad sa hagdan, paakyat ng kuwarto nito.
Bago naungkat ang relasyon ng presidentiable sa pagitan ng dating sexy star, naging sentro ng kuwentuhan ang pangalan ng mister ng bebot kung kaya’t nabuksan ang topic sa namuong relasyon ng dating magsing-irog bago pa man nagpakasal ang bebot.
Sa puntong ito, maka­ilang-beses biniro ang presidentiable kung kilala ang misis na pinag-uusapan at makikita sa mukha ang ‘kilig factor’, animo’y mode­long kumakain ng Max Fried Chicken dahil ‘kilig to the bones’ ang porma ng mokong.
Mas lalong pang na­mula ang mukha ng presidentiable matapos kantiyawan ng mga kausap kung gaano kalalim ang kanilang pagkakaibigan at gaano kakilala ang dating sexy star kung saan tinangka pang iwasang sagutin ang katanungan subalit makikitang kinikilig ang mukha at merong magagandang karanasang hindi malilimutan ito.
Kasabay ang pag-a­ming kakilala ang misis ng kelot, isang matamis na ngiti ang pinakawalan ng presidentiable, sabay tingin sa kisame kung saan ilang segundong napatulala, ani­mo’y nagpa-flashback ang mga magagandang karanasan sa piling ng bebot, as in binabalikan ang kanilang pagpupulot-gata, maging ang kakaibang sex escapade dito.
Bago pinakasalan at nag­karoon ng mga anak ang dating sexy star, ito’y merong naunang nakarelasyon sa katauhan ng isa pang artistang naka-love team sa isang ‘entertainment program’ hanggang ‘hinawakan’ at napasakamay ng presidentiable su­balit kontra ang buong pamil­ya ng huli kaya’t walang nangyari sa kanilang relasyon lalo pa’t may anak sa pagkadalaga ang bebot.
Clue: Panahon ang ma­ka­­kapagsabi kung babalik pa ng Pilipinas ang ex-sexy star at husband nito lalo pa’t nasangkot sa eskandalo ang pamil­ya habang nanganganib mabambo si presidentiable ng karelas­yon dahil saksakan ng tapang ito. Kapwa merong letrang ‘A’ sa apelyido ang dalawa, as in Sala sa init, sala sa lamig sa boys and girls. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, November 20, 2008

nov 20 2008 abante tonite issue

Sa ‘admin’ nga si Leon!
Rey Marfil


Kung pag-aaralan ang Euro Generals probe ng Senate blue ribbon committee, malinaw ang pagkaka-absuwelto nina DILG Sec. Ronaldo Puno at PNP chief Jesus Verzosa. Bagama’t malaking dagok sa imahe ng Pilipinas ang eskandalo, at least walang salaping nawala sa gobyerno, hindi katulad ni Jocjoc Bolante, aba’y multi-bilyon ang pinapa-account ng Kongreso at hanggang ngayon, hindi mahanap ng bestfriend ni Atty. Mike Arroyo ang kasagutan sa P3 bilyong abono. Sa larong basketball, ‘ika nga ni ex-senator Robert Jaworski Sr., ‘no harm, no foul’.
Kung Spy ang tatanungin, bakit hindi umpisahan ang pagdinig sa isinampang kaso, lalo pa’t inamin lahat ni retired General Eliseo dela Paz ang atraso, aba’y habang tumatagal ang Euro probe, lalong nababaon ang imahe ng PNP kaya’t mas makabubuting ipaubaya sa Ombudsman ito, maliban kung hindi makalimutan ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang pagmumukha ni Puno lalo pa’t nadiskaril ang ambisyong makarating ng palasyo. Kahit balikan ang foreign trip, higit mas maraming senador, katulad ni Mar Roxas ang lakwatsador at naglalamyerda tuwing break ang sesyon ng Kongreso.
Mantakin n’yo, inamin nang lahat ni Dela Paz ang pagkakasala, ayaw pa ring tantanan ang Euro Generals probe, gayong barya lamang sa P3 bilyong fertilizer fund ipinamudmod ni Jocjoc sa mga kongresista noong 2004 national elections ang P7.7 milyong binitbit sa Moscow at maibabalik sa intelligence fund ng PNP ito. Hindi lang iyan, napakalabong mapatunayang nagkaroon “bigger conspiracy” at isang fall guy si Dela Paz kung wala namang gustong tumestigo. Kung susuriin ang 120,00 euros ni dela Paz, halos dalawang (2) congressman lamang ang katapat sa kinukuwestyong pondo. Take note: 104 solon, 49 gobernador at 25 alkalde ang nagpartihan sa P728 milyon ni Jocjoc, hindi pa kasama diyan ang P1.102 bilyon?
***
Kung kaninong grupo si Leon Guerrero, as in senador Manuel ‘Lito’ Lapid sa ilalim ng leadership ni Senate President Juan Ponce Enrile, kayo ang humusga sa kabuuan ng ‘script’, as in phone interview ni dzBB radio reporter Nimfa Ravelo noong Nobyembre 18 ng hapon kesa sumakit ang inyong ulo sa kanyang boto. Ang malinaw, ito’y sasama sa administration senators. Ibig sabihin, abot nang isipan ni Lito ang katotohanang oposisyon ang bagong majority bloc ngayon!
Q1: Sumusuporta na rin kayo kay JPE?
Lapid: Oo, 200%, wala kaming laban. Kasi ‘yan, si Manong Johnny naman iyun eh. ‘Di lang ako pumirma sa resolution ng trese.
Q2: ‘Pag sinabi n’yo abstain, minority kayo?
Lapid: Oo, hindi na ako magmo-move ng manifest, tama na boto ko. Pero magma-minority ako. ‘Di ako magmo-motion na magma-manifest dahil nagboto na ako bale. Suportado naman ako kay Manong Johnny. Pero sasama na ako sa grupo ni Senator Kiko (Pangilinan).
Q3: Sir pakiulit po, magma-minority kayo?
Lapid: Nakaboto na ako pero sasama na rin ako sa minority.
Q4: Ayaw n’yo kay Enrile?
Lapid: Wala lang gusto ko ganun, para makapagsalita naman ako sa floor, hehehe, kailangan medyo, kasi nu’ng ano kami, ano eh, ‘di ba?
Q5: Mawawalan kayo ng chairmanship?
Lapid: Walang problema sa akin kahit tanggalin sa akin.
Q6: Tampo kayo sa palace?
Lapid: Hindi naman, wala namang kinalaman ang Malacañang dito.
Q7: Isinama kayo nina Joker (Senator Arroyo) and Kiko (Pangilinan)?
Lapid: Hindi na ako magsasalita okay na ako dun.
Q8: Kasi member na kayo ng Wednesday Group?
Lapid: Ah matagal na. Noon pang umpisa. Nu’ng una pa lang Wed. group na ako.
Q9: Walang iwanan kay Villar?
Lapid: S’yempre magkakaibigan ‘yan, magkakasama ‘yan eh. Hindi nga ako pumirma sa reso parang automatic na rin ‘yun ‘di ba?
Q10: Have you talked to Villar?
Lapid: Hindi... dun sa grupo ni Sen. Kiko (Pangilinan) at Senator Joker (Arroyo) dun ako. Dahil administration naman sina Joker.
Q11: Minority pero administration?
Lapid: Oo, Siyempre!

Nagkataon o sinadya, minalas si Villar sa numero 13- ito’y pinatalsik sa bisa ng 13 signatures at No. 13th si Senate pro-tempore Jinggoy Estrada sa resolusyon. Naupo si Villar bilang Senate President noong 13th Congress 2006. Hindi lang iyan, nabasag ang salamin sa pintuan ng Senate matapos mag-walk out sa impeachment trial ni Estrada ang mga prosecutor, kasabay din ang pag-resign ni Senator Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., bilang Senate president. At pagkatapos ng fertilizer probe noong nakaraang Nobyembre 13, nabasag din ang salamin sa pintuan ng Senate at pagpasok ng Nobyembre 17, nag-resign si Villar at naupo ni Enrile. Take note: Disyembre 13 ang birthday ni Manny! Q11: Minority pero administration?
Lapid: Oo, Siyempre!
Nagkataon o sinadya, minalas si Villar sa numero 13- ito’y pinatalsik sa bisa ng 13 signatures at No. 13th si Senate pro-tempore Jinggoy Estrada sa re­solusyon. Naupo si Villar bilang Se­nate President noong 13th Congress 2006. Hindi lang iyan, nabasag ang salamin sa pintuan ng Senate matapos mag-walk out sa impeachment trial ni Estrada ang mga prosecutor, kasabay din ang pag-resign ni Senator Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., bilang Senate president. At pagkatapos ng fertilizer probe noong nakaraang Nobyembre 13, nabasag din ang salamin sa pintuan ng Senate at pagpasok ng Nobyembre 17, nag-resign si Villar at naupo ni Enrile. Take note: Dis­yembre 13 ang birthday ni Manny! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, November 19, 2008

november 19 2008 abante tonite issue

2 solon nagkainitan sa partehan ng komite
(Rey Marfil)

Nagmistulang batang paslit na nag-away sa isang pirasong lollipop ang dalawang miyembro ng Kongreso matapos magkainitan at magpatut­sadahan sa partehan ng committee chairmanship.
Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, bago pa man nagkaayusan sa hatian ng kapangyarihan ang buong miyembro ng majority bloc, nagkapatutsadahan ang dalawang mambabatas kung sino ang lehitimong may karapatang magtimon ng isang napaka-importanteng komite.
Naunang pinuntirya ng maaksyong solon ang isa sa lucrative committee na may kinalaman sa serbisyo ng mga ‘government installation’ at pribadong kumpanya subalit kaagad umangal ang isang kasamahang mambabatas.
Ang gustong mangyari ng maaksyong solon, bitawan ang dating komiteng hinahawakan at ipalit ang ‘lucrative committee’ subalit pumalag ang isang matapobreng mambabatas at nabuhay ang matagal nang iringan.
Kasabay ang pagkontra sa gustong mangyari ng maaksyong solon, kaagad inirekomenda ng matapobreng solon ang isang kasamahang mambabatas bilang chairman ng komite, sa katauhan ng mestisuhing solon na itinuturing na ‘Kuya’ ng mga nag-aalburutong grupo.
Mas lalo pang na-badtrip ang maaksyong solon sa matapobreng solon dahil nagawa pang patutsadahan sa harap ng mga kasamahang mambabatas, katulad ang alegasyon nitong kaila­ngang may integridad ang hahawak sa ‘lucrative committee’.
Dahil hindi nakuha ang pinupuntiryang ‘lucrative committee’ at nakatikim pa ng pangbabaterya sa matapobreng solon, nanggagalaiti sa pagkapikon ang maaksyong solon at kamuntikan pang mabatukan ang kasamahan kung nagkataong magkatabi ng upuan ang mga ito.
Sa kabila ng pag-alburuto ng maaksyong solon, wala itong nagawa kundi ipaubaya sa mestisu­hing solon ang ‘lucrative committee’ bilang pagrespeto sa mga nakakatanda, katulad ni ‘Kuya’.
Clue: Nasangkot sa iba’t ibang gulo si Kuya kaya’t kamuntikang nabalaho ang political career, katulad din ng maaksyong solon na minsang nadawit sa ‘buntalan blues’ habang numero unong matapobre ang kasamahang solon na nagbansag sa mediamen bilang ‘low life’, as in patay-gutom. Kung kongresista o senador ang tatlo, abangan kung anong mangyayari sa partehan ng mga ito. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, November 17, 2008

november 17 2008 abante tonite issue

Lady solon, ayaw madikit
sa nakarelasyong solon!
(Rey Marfil)

Kung ‘deadmatic’ sa panahong matatamis ang pagtatampisaw sa ulan ng kaligayahan, ngayo’y ni ayaw madikit ng isang primadonaang lady solon ang kanyang pangalan sa nakarelasyong matandang mambabatas.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang sa kanyang ex-husband naiirita ang primadonang lady solon kapag ikinakabit ang surname sa pangalan nito bagkus pati sa nakarelasyong matandang solon.
Ang rason, natatakot ang primadonang lady solon na madikit ang kanyang pangalan sa nakarelasyon na matandang solon lalo pa’t malaki ang ambisyon nito sa pulitika, as in kabadong maeskandalo ang bebot at masira ang kanyang plano.
Sa nagdaang panahon, walang inatupag ang primadonang lady solon kundi itanggi ang pakikipag­­relasyon sa matandang solon at iniiwasan ding sagutin sa alinmang media interview ang pagkakaroon ng koneksyon dito.
Ngayong nalalapit ang eleksyon at balik sa normal ang political agenda ng primadonang lady solon, halos pandirihan nito ang nakarelasyong solon, as in ‘deny to death’ kapag nababanggit ang pangalan ng matandang kelot na naging kaibigang matalik nito.
Maging sa session hall, madalas pagtripan ng mga mediamen ang ‘closeness’ ng primadonang lady solon at matandang solon subalit nagsimula nang mag-iwasan ang dalawa ngayong nalalapit ang eleksyon dahil posibleng maeskandalo at gami­ting propaganda laban sa bebot.
Bagama’t nananati­ling legal ang kasal ng matandang solon, ito’y matagal nang hiwalay sa kanyang misis at naka-condominium ito katulad din ng primadonang lady solon kung saan nilisan ang kanilang bahay, kasama ang mga anak nito.
Clue: Kung anong bulol sa pagta-Tagalog ng matandang solon, siya namang saksakan ng ‘plastic’ sa publiko, maging sa mediamen ng primadonang lady solon. Kapwa meron letrang ‘A’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido ang dalawang mambabatas, as in Ang husay magtago. Kung kongresista o senador, kayo ang humusga sa 2010 election. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, November 13, 2008

nov 13 2008 abante tonite issue

Nadale si Lolo Menyong!
Rey Marfil


Kundi naman busy si Manila Mayor Alfredo Lim, isang nagngangalang ‘Kagawad Yetbo’ sa Barangay 439, Zone 44 sa 413 Amelia Street, Sampaloc, Maynila ang inireklamong arogante, mayabang at promotor sa illegal gambling, katulad ng pa-bookies, aba’y sa mismong bahay ng kagawad ang hideout ng mga sugarol at nagaganap ang illegal games. Hindi lang ito, nang minsang magwala at nagkagulo sa kanilang lugar, ito’y nakiusyoso lamang at nagbitaw ng linyang ‘Bakit ako makikialam, eh hindi naman ako duty sa peace and order’. Dapat pinababatukan ni Mayor Lim kay General Gacutan ang ganitong barangay official!
Sa malamang, kaya’t hindi umawat sa gulo si Kagawad dahil balitang araw-araw ding naglalasing at numero unong nagwawala sa kanilang lugar, as in masamang halimbawa sa komunidad. Ang tanong ng mga kurimaw sa Sampaloc area, bakit hindi masita ng kanilang barangay chairman, maliban kung kinukunsinte ng isang Manila City Councilor lalo pa’t nagtatrabaho sa kanyang office ito? Kundi nagkakamali ang Spy, tauhan ni Manila Councilor Maceda si Kagawad at ayokong isiping merong bendisyon ang modus-operandi, partikular ang pa-bookies sa kanilang barangay? Kapag nagkataon, sira ang pangalan ng anak ni Manong Maceda sa 2010 election, eh pang-Congressman pa naman ang arrive!
***
Sa kinasasangkutang gulo ng Task Force Mapalad sa Negros, bumalik ang patayang naganap sa Mindoro, ilang taon ang nakakaraan. Hindi ba’t nag-ugat ang lahat sa lupaing inaangkin ng mga magsasaka hanggang umeksena si ex-Cong. Jose Villarosa at nauwi sa patayan ang ending ng istorya gayong napakalawak ang sakahang inaalok ng pamilya Quintos bilang kabayaran sa mga nagpapakilalang beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ang malungkot sa panig ng pamilya Teves, napasukan ng militanteng grupo ang ‘land reform dispute’ sa Negros kaya’t nagkagulu-gulo at kung sinu-sino ang sumawsaw sa isyu.
Walang pinag-iba sa ‘manggang hinog’ ang pag-entra ng Task Force Mapalad sa land reform dispute sa Negros dahil nakaupong kalihim ng Department of Finance (DOF) si Gary Teves at ex-congressman ang amang si Lolo Menyong, as in Cong. Heminio Teves. Ibig sabihin, mas madaling ibenta ng mga militanteng grupo sa peryodiko ang pag-iingay sa isyu at mabilis makakakuha ng financial support sa international community kapag nagkagulo o nauwi sa patayan ang paghahabol sa lupaing pag-aari ng pamilya Teves, katulad din ng nangyari sa Mindoro at Sumilao farmers sa Bukidnon. Hindi ba’t tinatanggihan ng mga magsasaka ang alok ng San Miguel Corporation (SMC) sa katabing lupain bilang areglo?
Sa isang advertisement, libreng ibinibigay ni Lolo Menyong ang pag-aaring agricultural land sa Baranggay Minaba, kabilang ang tig-100 square meter bilang residential land sa bawat lehitimong CARP beneficiaries subalit tinabla ng mga magsasaka at ipinagpipilitan ang lupain ng pamilya Teves sa siyudad. Kundi ba naman napakalaking ‘kamotehan’, paano magtatanim ng palay at mais ang mga kumag at kailan pa nagkaroon ng sementadong tubohan, maliban kung magbabago ng propesyon ang mga magsasaka bilang realtors o sinusulsulan ng ilang real state companies na may interes sa lupa lalo pa’t mataas ang bentahan sa siyudad? Take note: hindi libreng ibinibigay ng gobyerno ang lupain sa mga magsasaka, as in binabayaran sa mababang halaga kahit sakop ng CARP kaya’t nakakapagtakang tinanggihan ng mga taga-Task Force Mapalad ang offer ni banker Menyong.
Ang masakit sa pamilya Teves, ito’y naakusahang anti-poor gayong nakulong ang batang Teves (Gary) noong Mayo 20 2002 bilang Land Bank President dahil ipinaglaban ang karapatan ng mga magsasaka kaya’t naipit sa away ng malalaking land owners sa Nueva Ecija at adjudicators ng Department of Agrarian Reform (DAR), katulad ng deklarasyon ni ex-Agrarian Sec. Jaime Tadeo. Ngayong sinusungkit ang lupain sa Negros, malaking kuwestyon kung lehitimong magsasaka ang nasaktan sa police dispersal, aba’y meron pedicab driver at taga-cultivate sa ibang bukirin, animo’y nasa PBA na kumuha ng import player gayong All Filipino ang games. Hindi lang iyan, umabot sa 100 ang nagki-claim gayong 19 farmers lamang ang nasa original list. Kaya’t ang tanong ng mga kurimaw, kailan pa napunta sa Task Force Mapalad si Garci? (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, November 12, 2008

nov 12 2008 abante tonite issue

Pagsibak sa mister na gabinete, iniyakan ni esmi
(Rey Marfil)

Hindi nag-iisa ang tinaguriang ‘Crying Lady’ ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso matapos iyakan ng misis ng isang gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakasibak sa puwesto ng kanyang mister.
Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, halos maglupasay sa baldosa ang misis ng isang dating gabinete ni Mrs. Arroyo matapos alisin sa puwesto ang kanyang mister gayong sobrang tapat sa amo nito.
Bago nasibak ang gabinete, ito’y ma­kailang-beses nagkasa­bit-sabit sa mga interbyu, as in sablay ang mga binibitawang media interview at madalas pang saliwa sa nilalaman ng press conference ng mga nagsisilbing spokesperson ni Mrs. Arroyo.
Dahil nagkakasabit-sabit ang pronouncement ng gabinete, napuwersa ang Palasyo ng Malacañang na sibakin sa puwesto at nagsilbing pampalubag-loob ang paglilipat sa ibang ahensya ng gobyerno.
Bagama’t nabigyan ng panibagong trabaho ang gabinete, hindi matanggap ng kanyang misis ang paglilipat ng opisina kung kaya’t halos maglupasay sa sama ng loob at galit sa mga kampon ni Mrs. Arroyo.
Sa tindi ng pagkadismaya at sama ng loob ng misis ng gabinete kahit nabiyayaan ng panibagong trabaho ang kanyang mister, nagawa pang magpakalat ng malisyosong text messages laban sa kasalukuyang administrasyon, maging sa amo ng kanyang esposo.
Maging ilang kaibigan at kakampi sa opposition bloc, ito’y nagawa pang sulsulan ng misis ng gabinete na ibunyag ang mga kabulastugan ng admi­nistrasyong Arroyo suba­lit walang kumagat dahil walang ebidens­yang ibi­nigay ito.
Sa panahong naglulupa­say ang misis ng gabinete, lingid sa kaalaman nitong merong nakareserbang pu­westo sa kanyang mister kung kaya’t kung anu-anong tsismis ang ipi­na­kalat sa mga taga-oposis­yon laban sa kanyang amo.
Clue: Malaki ang pagkakautang ni Mrs. Arroyo sa mag-asawa lalo pa’t ma­halaga ang papel sa Estrada impeachment trial ng gabinete. Merong letrang ‘T’ ang esmi ng gabinete, as in Tumabo sa fertili­zer fund noong 2004 mula sa Visayas region at kapangalan ng isang European country ang gi­ven name. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, November 11, 2008

nov 11 2008 abante tonite issue

Nasaan si Erap?
Rey Marfil


Naubos nang lahat ng bakasyon at balik-sesyon ang Kongreso kahapon, wala pa ring signatures ang draft report ni Mi­riam Defensor-Santiago sa Moscow trip at wala ni isang he­neral na napaaresto sa Office of the Sergeant at Arms (OSAA), maliban kung takot si Aling Miriam sumabit sa warrant of arrest lalo pa’t walang ‘guraming’ nag-joy ride sa St. Petersburg at kuwestyunable ang hurisdiksyon ng foreign relation committee sa pagpatawag ng public hearing? Ni sa panaginip, ayokong isiping malakas lamang sa ibang ‘Lords’ ang ‘Euro Generals’, aba’y hindi umubra ang panalanging maupo ang misis ni Mang Narciso ‘Jun’ Santiago sa International Court of Justice (ICJ) dahil siguradong ma-MMK, as in Maalala Mo Kaya ang 120 libong euros ngayong balik-Senado ito.
Ang ikinadismaya lamang ng mga kurimaw, napakabilis magpatawag ni Aling Miriam ng Senate probe kahit recess ang Kongreso at nagawa pang i-leak sa iisang peryodiko ang draft report pero wala namang ending ang script nito. Ang pinaka-classic sa lahat, ibinisto ni Aling Miriam ang foreign trip ng kapwa senador, iyon pala’y lalayas din para mag-abroad. Ni sa pana­ginip, ayokong isiping pati Senate staff ni Aling Miriam, nag-alay ng itlog at nag-rosaryong matalo ang kanilang amo dahil mapapabilang sa lumolobong unemployment rate kapag napunta sa Uni­ted Nations (UN) ito, maliban kung ‘nag-I lied’ din si Mrs. Gloria Arroyo nang ikampanya sa international leader si Santiago? Anyway, walang masama kung ‘mag-take two’ sa Supreme Court (SC) post si Santiago at kakayanin nitong lunukin ang akusasyong ‘sinisindikato’ ng Judicial Bar Council (JBC) ang pagpili ng mga mahistrado?
***
Sa pinakahuling presidential survey ng Social Weather Station (SWS), tanging 1% ang popularity ng ‘bayaning isinu­suka ng mga vendor’--si MMDA chairman Bayani Fernando kaya’t ipinagtataka ng mga kurimaw kung paano nanalo sa Celebrity Duets ng GMA-7 via text votes, maliban kung nagpapagamit ang istasyon at ginagawang pulitika ang contest? Ni sa panaginip, ayokong isiping nagkaroon ng vote buying at vote shaving o kaya’y puwersang pina-text ang lahat ng MMDA employees, aba’y subukan n’yong palakaring mag-isa sa Baclaran si BF, pinakamahina ang isang minuto kung walang mambabato ng kamatis sa dami ng pinagpapalong vendor ng mga taga-MMDA?
Isa pang nakakatawa, ipinagkakalat ng kampo ni ex-Pre­sident Joseph ‘Erap’ Estrada ang muling pagtakbo ng kanilang amo, maging ang pamamayagpag sa survey gayong No. 6 sa SWS, as in tinalo ni opposition Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson. Partida pa iyan, halos linggu-linggong nasa iba’t ibang probinsya si Erap para mangampanya subalit 13% lamang ang nakolekta, ito’y napakalayo sa 17% ni Lacson, malinaw ang pag-aaksaya ng pera at abot ng publiko ang kawalan ng karapatang tumakbo sa 2010 presidential election bilang ex-President sa ilalim ng Konstitusyon.
Napag-usapan si Erap, isang malaking katanungan kung bakit hindi man lamang dumalaw sa burol ng ina ni Lacson ang isa sa kanilang pamilya gayong nagsilbing PNP chief at matagal nakasama ang senador sa trabaho. Higit sa lahat, halos hindi nagkakalayo ng sitwasyon ang dalawa kung kalagayan ng kanilang ina ang isyu. Mabuti pa si Senate President Manuel Villar Jr., kahit naka-upakan sa P200 milyong double insertion ng C-5 Road, ito’y sumilip, maging si Senador Joker Arroyo na inaakusahang ‘chatterbox’ sa double entry, maliban kung takot ma-traffic si Erapsky. Hindi lang ‘yan, naroon din sina Senador Migz Zubiri, Senador Bong Revilla, DOE Sec. Angelo Reyes at MMDA chairman Bayani Fernando kahit taga-admin. At sa malamang sa C-5 Road at Daang-Hari dumaan si Villar kaya’t hindi na-traffic patungong Bayang Luma, Imus Cavite!
Anyway, kung hangad ni Erap ang unity ng oposisyon at gustong pagbuklurin ang magkakalabang paksyon, bakit hindi man lamang sumilip sa burol ng ina ni Lacson, maliban kung malaking palabas lamang ang pag-aktong ‘king maker’ dahil sa simula, ito’y walang balak mag-give way? Ang l­test report: tatakbo si Erap at kapag natalo sa Supreme Court (SC) ang legitimacy of candidacy, magkakaroon ng substitution sa standard bearer sa huling ilang linggo ng kampanya sa 2010, sa pagitan ng kanyang anak--si Jinggoy Estrada. Makukuha nga naman ang sympathy votes at lalabas na inapi ang kanilang family! (www.mgarkurimaw.blogspot.com)

Monday, November 10, 2008

nov 10 2008 abante tonite issue

Small-time presidentiable pinandirihan sa burol
(Rey Marfil)

Katulad ng linyang: ‘Hindi nagsisinungaling ang ebidensya’ sa programang Scene of the Crime Operation (SOCO) ni Gus Abelgas, walang patutu­nguhan ang presidential ambition ng isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kahit nagkalat ang pagmumukha sa kalye matapos itong pandirihan sa isang burol.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, mas malaki pa ang pag-asang natatanaw ng mga constituents ni Bacoor Mayor Strike Revilla sa Pag-Asa Molino Bacoor, Cavite keysa panalo ng isang ‘small-time presidentiable’ dahil nilalangaw ito kahit saang lupalop ng Pilipinas magtungo.
Mapa-survey o harapang pakikipag-kamay ng isang ‘small-time presidentiable’ sa mga tao, ito’y pinandidirihan ng mga nakakasalubong, patunay ang pagdedma sa kampon ni Mrs. Arroyo ng mga taong dumalaw sa isang burol.
Nang dumalaw sa isang burol si small-time presidentiable, animo’y pinatotohanan lamang ng Social Weather Stations (SWS) ang resulta ng presidential survey kung saan kakapiranggot ang nakuhang por­syento sa popularidad nito.
Ang rason, ‘dedmatic’ at wala ni isang pumansin kay small-time presidentiable sa hanay ng mga nakatambay sa labas ng funeral homes, maging sa garden kung saan nag-uumpukan ang mga dumalaw sa burol.
Sa pagpasok pa lamang ni small-time presidentiable, wala kahit isang bisitang nagpapaha­ngin sa labas ng funeral homes ang lumapit sa opisyal para makipagkamay kaya mistulang hanging dumaan lamang sa kanilang harapan ang kumag.
Dahil walang lumapit, mismong si small-time presidentiable ang nagsubo sa kanyang sarili at isa-isang nilapitan ang mga nakaupo at nagpapahangin sa lobby ng funeral homes para kamayan subalit wala pa ring nag-abot ng kanilang kamay dito.
Maging sa loob ng funeral homes, wala ring lumapit kay small-time presidentiable hanggang sa magpaalam ito sa pamilya ng namatayan, makalipas ang higit-kumulang kalahating oras, kasama ang kanyang asawa at ilan pang tauhan.
Pagkalabas ng funeral homes, inulit ni small-time presidentiable ang naunang pagbati sa mga naka-standby sa labas at muling inilapit ang sarili para makipagkamay subalit dinedma pa rin ng mga bisita, maliban sa isang barangay tanod na nakapuwesto sa entrance gate at nagta-traffic sa lahat ng mga sasak­yang pumaparada.
Clue: Bagama’t isinusuka ng mga mahihirap si small-time presidentiable at kulelat sa iba’t ibang survey, kasing-tigas ng adobe ang lakas ng loob para ambisyunin ang No. 1 post sa gobyerno. Ito’y meron letrang “B” sa name, as in Basag ang Pula. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Thursday, November 6, 2008

nov 6 2008 abante tonite issue

Magkaibigang tunay!
Rey Marfil


Simpleng arithmetic kung bakit iisa ang paboritong ospital, abogado at doktor ng mister ni Mrs. Gloria Arroyo at fertilizer architect Jocjoc Bolante - lahat sila’y konektado sa isa’t isa, hindi lamang sa Rotary Club kundi sa iba pang bagay. Kaya’t hindi nakakapagtakang paba­lik-balik ng St. Luke’s Medical Center si Jose Pidal, as in First Gentleman Mike Arroyo para magpa-check up, aba’y puro katropa ang nangangalaga kay Bolante. Huwag lang bumalik sa alaala ni Jocjoc ang ‘4-way test’ at maiba ng dosage, siguradong ‘kakanta’ sa fertilizer scandal kapag naisalang sa Upper House. Anyway, huwag ipagtaka kung nangayayat si Jocjoc sa Amerika, aba’y inubos ang lahat ng pataba sa Pilipinas!
Kapag binalikan ang background ni Bolante sa go­vernment services, lahat konektado sa pera, katulad ang pagiging Undersecretary for Finance and Administration ng Department of Agriculture (DA), chairman ng ZNAC Rubber Estates Corporation, Solidlife Holdings Corporation, at Food Credentials Corporation, director ng Land Bank of the Philippines (LBP), Livelihood Corporation at National Power Corporation (Napocor). Higit sa lahat, ito’y miyembro ng Investment Coordination Committee (ICC) sa National Economic Development Authority (NEDA). Take note: NEDA ang pinaka-powerful sa lahat ng proyekto at sandamakmak ang corruption sa Napocor!
Ang tanong ng mga kurimaw: bakit sa St. Luke’s na-confine si Jocjoc gayong tawid-kalsada lamang ang San Juan De Dios at Senate Building? Ang sagot: katropa sa Rotary Club nina Jose Pidal at Jocjoc si Jose F.G Ledesma -- ang presidente at chief executive ng St. Luke’s Medical Center. Silipin sa yellow page, hindi ba’t Makati Rotary Club Foundation, Inc. G/F MRCFI Building, Camia Street. No 279 E. Rodriguez Sr., Avenue, Quezon City ang nakalistang office address ni Dr. Lolo Jose? Ibig sabihin, hindi lang nagsisimula sa letrang ‘J’ ang kanilang given name at nickname kundi iisang chapter sa Rotary Club sina Jocjoc, Jose Pidal at Lolo Jose!
***
Maging ang legal counsel ni Jocjoc -- si Atty. Antonio Zulueta, ito’y nagsilbing abogado ng esposo ni Mrs. Arroyo sa Jose Pidal scandal nang maimbestigahan sa Upper House at kundi nagkakamali ang Spy, ito’y kinuha rin ni DILG Secretary Ronaldo Puno na isa pang Rotarian. Kaya’t walang magandang naidudulot ang mga social club dahil nagiging ‘lutuan’ ng mga kalokohan. Sa madaling salita, walang pinag-iba sa basketball game ang mga character na nagsusulputan sa fertilizer scandal at iba pang katiwaliang kinasasangkutan ng Malacañang, aba’y sila-sila na nga ang ‘kumikita’ at sila-sila rin ang nagkikita sa finals kapag naimbestigahan!
Hindi lang iyan, iisang cardiologist din ang nanga­ngalaga kina Jocjoc at Jose Pidal -- si Dr. Romeo Saa­vedra. Mantakin n’yo, Director ng St. Luke’s Heart Ins­titute si Saavedra pero personal na inaalagaan ang da­lawa gayong napakaraming doktor at nurse ang nagkalat sa St. Luke’s, ito kaya’y ginagawa rin ni Doc sa ordinaryong pasyente ng ospital? Sa huling medical bulletin noong Nobyembre 4, nawala sa eksena si Doc Saavedra, mali­ban kung nahiya sa camera o napagsabihan ng mga kamag-anakan na huwag nang ‘umepal’ lalo pa’t nabibigyang-kulay ang pagiging malapit kay Jose Pidal at ‘Architect’ ng fertilizer fund!
Kung gaano ka-close sina Dr. Ledesma at Dr. Saavedra kay Jose Pidal, balikan ang medical at dental missions ng Office of the First Gentleman (OFG) noong Abril 5, 2002 sa Maynila, Pampanga at Antipolo bilang pa-birthday kay Mrs. Arroyo. Hindi ba’t St. Luke’s Medical Center ang nag-sponsor, kasama ang Makati Central Heart Foundation (MCHF)? Take note: kumatawan sa St. Luke’s sina Doc Saavedra, pediatrics department chairman Ma. Luisa Manlapaz at cardiovascular surgery chief Estanislao de Castro sa medical mission. Anyway, itinatag ang MCHF noong 1992, sa pamamagitan ni Jose Pidal bilang presidente ng Rotary Club of Makati Central at founding chairman ng foundation na ito. Sa simpleng paliwanag, sila’y magkaibigang tunay! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Wednesday, November 5, 2008

nov 5 2008 abante tonite issue

‘Presidentiable kuno’ pinandirihan ng senador
(Rey Marfil)

Hindi lamang vendor ang sukang-suka sa pagmumukha ng isang tinaguriang ‘presidentiable kuno’ dahil mismong isang kasamahan sa administration bloc sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang numero u­nong nandiring maikabit ang kanyang pangalan dito.
Sa isang umpukan ng Senate reporters, nasaksihan ng TONITE Spy kung paano pandirihan ng admi­nistration senator ang isang nagpapakilalang ‘presidentiable kuno’ gayong iisang organisasyon ang kanilang kinalalagyan.
Bagama’t walang nakakahawang sakit, napa­kasama ng imahe ni ‘presidentiable kuno’ sa publiko, animo’y muriatic acid na nakakasulasok ang amoy sa hanay ng mga mamamayan kung kaya’t natakot ang administration senator na madamay.
Mas lalong nandiri ang administration senator nang biruin ng ilang mediamen kung ikinukunsiderang running mate o standard bearer sa 2010 national election si ‘presidentiable kuno’, kasabay ang pagbibirong hindi makakakuha ng senatorial slot sa kanyang ticket ang kumag kapag bumaba sa pagka-senador at natuloy naman ang pagtakbong Presidente nito.
Nang tanungin kung bakit allergic kay ‘presidentiable kuno’, ikinatwiran ng administration senator ang pagiging arogante at maa­ngas ng kasamahang opisyal, hindi lamang sa publiko kundi sa lahat ng bagay.
Maliban dito, ikinadismaya rin ng administration senator ang pagiging bastos at barumbado ni ‘presidentiable kuno’ sa bawat media interview, animo’y napaka-untouchable sa pamahalaan kung saan magiging mala­king adobe lamang o pabigat ang kumag sa sinumang kandidatong sasamahan sa 2010.
Sa tindi ng pandidiri ng admiministration senator, ito’y nagawa pang makapagbitaw ng maaanghang na pananalita, as in ‘napamura’ ang mambabatas, kasabay ang malakas na tawa nang tanungin kung tatanggapin si ‘presidentiable kuno’ kapag nag-apply bilang running mate.
Clue: Guwapito ang administration senator at isa sa napapabalitang tatakbong Vice President sa 2010 national elections habang wala nang tatalo kay ‘presidentiable kuno’ kung pagiging maangas at bastos ang pag-uusapan sa kanto. Ito’y napaka-obsessed sa kanyang mukha kaya’t nagkalat ang litrato sa buong bansa. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Tuesday, November 4, 2008

nov 4 2008 abante tonite issue

Sumabit si ‘Mr. President’
Rey Marfil


Walang ibang pinakamasuwerte sa Araw ng mga Patay kundi ‘ang bayaning isinusuka ng mga vendor’--si MMDA chairman Bayani Fernando, aba’y pati sementeryo, walang pinatawad si Fernando at nagkalat ang naglalakihang tarpaulin at pagmumukha sa tabi ng nitso, mabuti na lang, hindi novena sa patay ang orasyon ng kapitbahay ni Moymoy noong a-Uno kundi ipinanalanging madagdagan kahit kalahating porsiyento ang kasalukuyang 1% popularity rating ni Fernando. Ni sa panaginip, ayokong isiping gumagastos si Fernando para hindi matanggal sa Celebrity Duets ng GMA-7 lalo pa’t walang appeal bilang presidentiable, maliban kung nakahanap ng sponsor? Kahit kay Cong. Roilo Golez, hindi mananalo si Fernando sa survey at debate kaya’t patawa ang pagtakbong Presidente, maliban kung pupuntiryahin ang pedicab association sa Marikina River!
Napag-usapan ang Araw ng mga Patay, isang obserbasyon lamang ni Kuyang Omeng M, tila hindi pantay ang trato ng Office of the Senate President (OSP) sa lahat ng empleyado. Mantakin n’yo, nang pumanaw si Public Relation Information Bureau (PRIB) director Jose ‘Joe’ Garcia, ilang linggo ang nakakaraan, isang beses lang na-announce ang pinagburulan pero nang pumanaw ang ama ni Senate Secretary Emma Lerio-Reyes, halos oras-oras inaanunsiyo sa buong Upper House at meron pang dalawang bus na naka-standby sa parking lot para dalhin ang mga empleyado sa Sucat gayong hindi naman empleyado ng Upper House. Pati ba naman sa patay, meron pang palakasan system?
***
Hanggang ngayon, hindi masibak ng isang presidentiable ang inarkilang media handler sa kabila ng kabulastugan at kahihiyang inabot sa top executives ng kilalang giant television network. Mantakin n’yo, hindi pa nagsisimula ang tunay na labanan sa 2010 presidential race, maagang rumaket ang inarkilang media handler at nagkasabit-sabit si ‘Mr. President’. Ang problema, walang mahanap na kapalit si ‘Presidentiable M’ kaya’t pinagtitiyagaan si ‘Communication Chief C’. At wala ring gustong pumasok sa kampo ng presidentiable dahil napakalabo sa survey at nakikialam ang mga ka-family!
Kundi napigilan ng presidentiable ang ngitngit ng mga top executives ng kilalang giant television network, nadisgrasya ang maagang pagpapa-pogi at walang ibang may kasalanan kundi ang inarkilang communication chief. Mabuti na lang, napakiusapan ang giant network at hindi inilabas sa isang news program ang pekeng listahan ng ‘payola’ na ipinakalat ni Communication Chief C kung saan idinamay ang ilang taga-news desk. Ang kuwento: nasa umano’y payola ng presidentiable ang karamihan sa news desk, alinsunod sa listahan ng kanyang communication chief--ito’y nagkakahalaga ng P15,000.00 kada buwan, kabilang ang isang lady reporter na nakabase sa Senate at apat (4) sa loob ng giant network. Kaya’t dapat pasalamatan ni Presidentiable M ang kanyang ‘Chica Babe’ sa network!
Ang malaking pagkakamali ni Communication Chief C, hindi tumatanggap ng payola ang mga taong pinagbabanggit at isinama sa ‘payola list’. At lalong nagkasabit-sabit si Communication Chief C dahil row four sa background check at hindi alam nitong maraming kaibigan sa kanilang office si Lady Reporter L upang isumbong ang pangra-raket, as in nakatrabaho ng kanyang mister ang karamihan sa staff ng presidentiable. Sa galit ni Lady Reporter L lalo pa’t ‘mortal sin’ sa office policy ang ‘extra curricular activities’, kinompronta ang presidentiable at pinabulaanan ang pagtanggap ng buwanang payola kay Communication Chief C kaya’t abot-langit ang sorry ni Presidentiable M.
Ang nakakatawa sa lahat, bago pa man nagkabukingan sa pekeng ‘payola list’, naunang pinadalhan ng P10 libong ‘GC’, as in gift certificate ni Communication Chief C si Lady Reporter L. Ito’y kaagad ipinasoli ng lady repoter at pinagdudahan ang motibo lalo pa’t hindi naman birthday at malayo pa ang Disyembre. Kapag binalikan ang P15 libong inilista ni Communication Chief C bilang payola kay Lady Reporter L, lumalabas pang ‘binukulan’ o ‘nag-tongpats’ ng P5 libo kada buwan ang kumag. Talagang saksakan ng corrupt ni Communication Chief C, aba’y hindi pa nakuntento sa P150 libong monthly salary kay Presidentiable M kahit wala namang naitutulong para iangat ang popularity rating. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Monday, November 3, 2008

nov 3 2008 abante tonite issue

Senador nanggigil sa lady reporter
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘kalabaw lang ang tumatanda’, hindi pa rin nagbabago ng estilo ang isang matandang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso kapag nakakakita ng magagandang bebot at walang patawad kahit reporter ang kaharap nito.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano namisil ang matandang senador, animo’y nakakita ng bungang manibalang nang pinanggigilan ang isang lady reporter sa Upper House habang kasagsagan ang ambush interview pagkatapos magpatawag ng public hearing ito.
Hindi naman ikinagulat ng mga kurimaw ang inugali ng matandang senador dahil kilala itong tsikboy, as in walang pinapatawad kahit kauring mambabatas ang matipuhan, alinman sa Dalawang Kapulungan ng Kongreso, ito’y siguradong pupuntiryahin ng mokong.
Sa mahabang panahon, naging estilo ng matandang senador ang man-tsansing ng mga bebot, hindi lamang sa hanay ng mga magagandang reporter na nag-iinterbyu bagkus sa mga gatherings na dinadaluhan nito.
Kapag merong nagpapakuha ng litrato, automatic ang pag-akbay ng matandang senador at lalong lumalabas ang kamanyakan kapag magagandang bebot kung saan nakahiligan nitong mamisil ng braso at hilahin papalapit sa kanyang katawan ang balikat ng mga ito, animo’y ‘nagpapatigas’ dahil ninanamnam ang hubog ng katawan at dibdib nito.
Bago pinanggigilan ng matandang senador ang lady reporter, ito’y kausap ng karamihan sa Senate media at hiningan ng ambush interview tungkol sa resulta ng isinagawang imbestigasyon sa isang malaking isyu.
Sa kainitan ng ambush interview, eksaktong napatabi sa matandang senador ang lady reporter at mabilis ding isinalang ang bitbit nitong tape recorder, malapit sa bibig ng solon subalit ikinagulat ang naging aksyon nito.
Ang rason, hindi tape recorder ng lady reporter ang pinagdiskitahan ng matandang senador bagkus ang braso at balikat ng bebot, as in pinanggigilan ang mapuputing braso habang kinukumusta ito.
Sa halip ipagpatuloy ang ambush interview, ilang segundong tumigil sa pagsasalita ang matandang senador sa harap ng Senate reporters at binati ang lady reporter, sabay akbay at pisil sa mga braso kung saan nagawa pang hilahin ang balikat, papalapit dito.
Hindi naman nagawang umangal ng lady reporter at ireklamo ng sexual harassment ang matandang senador bagkus ay ikinunsiderang yakap ng isang lolo ang ginawa ng mambabatas lalo pa’t maituturing nang tatay ng kanyang ama ang edad nito.
Clue: Maliban sa pagi­ging political butterfly, ka­sing-tulis din ng paru-paro ang matandang senador dahil maraming ‘bulaklak ang sinimsim’, mula sa dating propesyon hanggang sa kauri nito. Ito’y napakahilig sa mestisahin at merong letrang ‘A’, sa kabuuan ng surname, as in Ang hirap ng buhay habang taga-broadsheet ang lady reporter. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

Sunday, November 2, 2008

nov 1 2008 abante tonite issue

Senador, umiiyak sa Meralco bill
(ReyM)

Kung anong tapang gumawa ng kabulastugan kahit abot-tanaw lamang ng kanyang misis, katulad ang pambabae, ito’y kabaliktaran lahat kapag araw ng singilan sa ‘Meralco bill’ dahil halos umiyak at maglupasay sa lupa ang isang kunyong miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Ang rason, saksakan ng kunat at kasing-kapal sa gulong ng isang 12-wheeler truck sa pagiging belekoy ang kunyong senador kung kaya’t nakahiligang iyakan kada buwan ang monthly billing sa konsumo ng elektsidad na ipinapadala ng Manila Electric Company (Meralco).
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, naging usapan ng mag-asawa pagkatapos ikasal ang paghahati sa gastusin sa loob ng bahay, maging sa iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya kung saan mismong kunyong senador ang pumili sa electric bill.
Naunang inakala ng kunyong senador na maliit lamang ang bayarin sa konsumo sa kuryente kung kaya’t mabilis itinaas ang kanyang kamay para akuin ang buwanang Meralco bill habang kinargo ng kanyang misis ang lahat ng mga gastusin sa loob ng kanilang bahay, simula gamit, pagkain at baon ng kanilang anak.
Katulad ng kasabihang ‘tuso man ang matsing napagla­langan din’, naisahan ang kunyong senador sa pag-astang matsing dahil lingid sa kaalaman nitong mas magastos ang bayarin sa kuryente at hindi rin na-background check bago pinakasalan ang kanyang misis kung saan mahilig magbabad sa kuwartong malamig.
Simula pagkabata, naging ugali ng kanyang misis ang magbabad sa kuwartong malamig, as in naka-todo ang air conditioning system, simula umaga hanggang gabi kaya’t iniyakan ng kunyong senador ang napakalaking bayarin sa electricity o Meralco bill,
Ang resulta: sa tuwing sasapit ang a-kinse at meron taga-Meralco na kumakatok sa pintuan ng kanilang mansion, bitbit ang monthly bill, kasing-laki ng binatog at singaw na kornik ang pawis sa noo at leeg ng kunyong senador bunga ng pangambang lagpasan sa P40 libo ang bayarin sa electricity.
Clue: Nagkasabit-sabit sa eskandalo ang kunyong senador at kamuntikan nawalan ng ‘agimat’ ang political career kundi nag-ingat sa decision-making, Ito’y meron letrang ‘N’ sa surname, as in Nangangarap maging Vice President kaya’t takot iwanan ni esmi. (www.mgarkurimaw.blogspot.com)