Wednesday, June 29, 2011

Credit ratings
REY MARFIL

Dahil sa matalinong paggugol ng pondo ng administras­yong Aquino, muling gumanda ang “credit rating” ng Pilipinas -- ito’y nang itaas ng Moody’s Investors Service, mula BA3 naging BA2 table outlook, isang patunay kung gaano kaseryoso ang gobyerno para ibalik ang tiwala ng international community.

Ang pag-angat ng “credit ratings”, nangangahulugang magkakaroon ng mas malawak na oportunidad ang bansa na makapangutang at asahan ang mababang interes. Bagama’t masakit sa bulsa ang mangutang, ito’y isang paraan upang mapondohan ang mga programa ng pamahalaan at walang choice ang isang bansang mahirap, katulad ng Pilipinas kundi mangutang.

Mas nakakahiya kung walang nagtitiwala at nagpapautang. Ibig sabihin, may kakayahan ang Pilipinas, sa ilalim ng administrasyong Aquino na mangutang at marunong magba­yad kaya’t masasabing good news ang pag-angat sa cre­dit ra­tings ng bansa.

Nakikita ang positibong pagtugon ng economic agenda, repormang pinansiyal at liderato ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa pandaigdigang merkado at inaasahan na­ting magpapatuloy ito. Sa palengke lang, paano ka pauuta­ngin ng Bombay kung walang makitang pwesto, as in kakayahan ang batayan sa credit ratings.

***

Sa halip batikusin, bakit hindi bigyan ng pagkakataon at irespeto ang pagtalaga ni PNoy kay Executive Sec. Paquito ‘Jojo’ Ochoa bilang pinuno ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Sa tagal ng kanilang pinagsamahan, alam ni PNoy ang kakayahan ni Ochoa na epektibong gawin ang karagdagang tungkulin bilang chairman ng PAOCC sa kabila ng kanyang iba pang mga obligasyon.

Dahil sa malaking tiwala sa kanya ni Pangulong Aquino, kayang-kaya ni Ochoa na mahawakan ang PAOCC nang maayos habang nagsisilbi rin bilang exe­cutive secretary.

Napakasimple ng trabaho, aayusin lamang naman ang mga bagay-bagay sa isasagawang reorganisasyon kung saan tutulungan si Ochoa ng iba pang mga opisyal sa Office of the President (OP).

Kabilang sa mga miyembro ng PAOCC ang mga kalihim ng Departments of Interior and Local Government, Justice, National Defense at Foreign Affairs at mga pinuno ng National Security Council, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, National Intelligence Coordination Agency, National Bureau of Investigation at Philippine Center for Transnational Crime (PCTC).

***

Anyway maganda ang ginagawang regular na pagtiyak ng Malacañang sa kaligtasan ng publiko kung saan lumalabas na hilaw at hindi kumpirmado ang napabalitang intelligence reports kaugnay sa posibleng atakeng terorismo sa Manila.

Ipinapakita lamang ng intelligence report kaugnay sa pagbomba noong nakalipas na Hunyo 12 na isa lamang ito sa mga regular na walang basehang mga pagbabanta na natatanggap ng pamahalaan.

Matapos ang berepikasyon, lumabas na walang katotoha­nan ang intelligence reports na nagpadala ang isang mataas na Asian terror suspect at notoryus na Abu Sayyaf para bombahin ang Manila sa paggunita ng bansa sa ika-113th Independence Day noong nakalipas na Hunyo 12.

Ngunit sa dulo, higit na importante na hindi natutulog ang ating kinauukulan katulad ng ipinapakita ng administras­yong Aquino na nanatiling masigasig at aktibo sa pagpigil sa mga banta ng karahasan sa bansa.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy nyo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

2 comments:

Capt. Gargle said...

dear mr. marfil,

do you know about the Philippines status on ILO 185 convention, which cause some problems of Filipino sailor who is using Filipino semans book and some other countries which is not ratified this convention, are not allowed to go ashore on the Brazilian coast and airports.Did PNOY knows this situation????? and DFA, POEA about the plight of Filipino sailors who is denied shore leave for this reason, have they take any action against this hapless measures of BraZILIAN GOVERNMENT towards human being, according to the our Senators, and all alipores in the Malacanang that we are modern heroes, but did they how we treated here in Brazil, as if we are prisoner, stay only on board, did they know that without us sailor, bringing foods, clothing and everything till usable equipments around the world are mostly carried by ship, and without us the ship can not sail to her destination and bring all this staff needed on this countries,hope you can help us brought out this matter to the people of the Philis. that what had happen to Filipino sailors in Brazilian coast is a nightmare to us, you are the only chance we have to put this thing in the media thru you, many thanks for helping us, God Bless You and your family

Anonymous said...

Howdy, I do believe your site might be having internet browser
compatibility problems. Whenever I take a look at your blog
in Safari, it looks fine but when opening in IE, it's got some overlapping issues. I merely wanted to give you a quick heads up! Other than that, wonderful site!

Feel free to surf to my web-site home cellulite treatment