Walang FMD! | |
Malinaw ang pagtutol ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ III Aquino sa panukalang magbibigay-daan sa legalisasyon ng diborsyo kahit pa isinusulong ang Reproductive Health (RH) bill kaya’t walang dapat ipag-alburoto ang ilang sektor. Katulad ng Punong Ehekutibo, naniniwala ang inyong lingkod na dapat magtulungan ang lahat para maisalba ang bawat pamilyang Pilipino.
Dapat pakinggan ang panawagan ni PNoy na ilaan ang oras sa diskusyon ng mga mahahalagang panukalang batas na naglalayong paunlarin ang ekonomiya ng bansa.
Tama ang Pangulo sa pagsasabing dapat atupagin ang mga bagay na makakalikha ng trabaho, pagsusulong ng mga reporma sa edukasyon, kalusugan at hudikatura sa halip na ubusin ang panahon sa pagdedebate sa legalisasyon ng diborsyo.
Ipinapakita ni PNoy kung gaano kahalaga na manatiling buo at isa ang bawat pamilya, lalung-lalo na para sa kagalingan at interes ng mga anak.
Bagama’t hindi sinusuportahan ang pagpasa ng diborsyo, nakikita naman ng Pangulo ang kahalagahan na mapag-usapan ito, alinsunod sa kanyang naging posisyon noong nakalipas na 2010 presidential elections.
***
Hindi ba’t kapuri-puri ang masigasig na pagsisikap ng administrasyong Aquino na maging libre ang Pilipinas sa delikadong Foot and Mouth Disease (FMD), maliban kung “kaning-baboy” ang tingin ng kritiko sa good news at walang ibang magaling kundi ang dating amo na eksperto sa “pagbahog” kapag merong nag-iingay na sektor?
Sa kaalaman ng publiko, binigyan ng World Organization for Animal Health o Office International des Epizooties (OIE) ang Pilipinas ng sertipikasyon bilang FMD-free zone. Ibig sabihin, ito’y karagdagang trabaho at pamumuhunan dahil inaasahang lalaki ang lokal at banyagang pangangailangan sa produksyon ng mga karne mula sa Pilipinas.
Sa ilalim ng sertipikasyon ng OIE, pinapayagan ang Pilipinas na magdala ng mga produkto sa iba’t ibang bansa. Kahit mutain, makikitang malaki ang pakinabang ng mga Pilipino dito at dapat magsilbing inspirasyon para makilala ang Pilipinas sa buong mundo sa larangan ng importasyon ng karne.
***
Napag-uusapan ang suporta, responsibilidad ng bawat Pilipino na samahan si PNoy sa kanyang panawagang bumoto para mahirang ang Puerto Princesa Underground River (PPUR) na isa sa finalists sa pandaigdigang pananaliksik ng “New 7 Wonders of Nature” kesa sayangin ang load sa “jejemon text” at panloloko ng kapwa.
Kapuri-puri ang panawagan ng PNoy para sa agresibong pagboto ng mga nasa lokal at pambansang pamahalaan, mga estudyante, overseas Filipino workers (OFWs), at iba pa, sa pamamagitan ng internet at short messaging system (SMS) o text.
Tama si PNoy sa pagsasabing malaki ang tsansa ng PPUR na mapabilang sa New 7 Wonders of Natures kung laging boboto ang lahat ng 80 milyong Filipino na mayroong cellular phone, nangangahulugang uunlad ang turismo sa bansa na inaasahang lilikha ng karagdagang trabaho para sa mga Pilipino.
Isang subterranean river ang Puerto Princesa Underground River na may habang 8.2 kilometro at umaagos sa ilalim ng nabuong stalactites at stalagmites formation. Tinalo ng Puerto
Princesa Underground River ang 440 iba pang mga kalahok sa buong mundo at kabilang sa 28 finalists para sa “New 7 Wonders of Nature Campaign”.
Sa mga hindi pa nakapag-text at sobra-sobra ang load, maaaring makaboto sa www.new7wondersofnature o i-type ang PPUR15 sa cellular phone at ipinadala sa 2861.
Take note: Hanggang Nobyembre 10, 2011 puwedeng bumoto at kinabukasan (Nobyembre 11) iaanunsyo ang mananalo.
Laging tandaan: “Bata niyo ako at Ako ang Spy niyo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
2 comments:
This post is worth everyone's attention. Where can I find out more?
Visit my blog post :: cellulite treatment
mbt shoes
air max 90
air max 95
yeezy boost 350
adidas flux
yeezy
nike react flyknit
jordan retro
coach outlet
adidas gazelle sale
Post a Comment