‘Di makapaniwala! | |
Lahat ng kaparaanan ay ginagawa ng administrasyong Aquino para tulungan ang problemadong overseas Filipino workers (OFWs).
Sa katunayan, responsible ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs sa pagpapalaya kay Engr. Ramon de Castro, isang Pinoy engineer, na dinukot ng mga rebelde sa Yemen noong Abril 18.
Naharap sa iba’t ibang matitinding mga pagsubok ang pamahalaan para mapalaya si De Castro dahil sa kawalan na rin ng Philippine Embassy sa Yemen na binabayo ngayon ng krisis pulitikal kung saan 1,600 OFWs ang nandoon, as in matinding trabaho ang ginawa ng mga opisyal ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia para mapalaya si De Castro.
Tama si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino na kailangang lumikha ng maraming trabaho bilang pangmatagalang solusyon sa pakikipagsapalaran ng ating mga kababayan sa ibang bansa sa kabila ng kinakaharap na mga peligro.
***
Magandang mensahe ang pakikisalo ng hapunan ni PNoy sa ordinaryong mga tao sa paggunita ng ika-113 taong anibersaryo ng Philippine Independence Day. Nakakatuwang makita na naglaan ng oras ang pinakaabala at pinakamakapangyarihang tao sa bansa sa hanay ng 300 guro, nurse, estudyante at benepisyonaryo ng conditional cash transfer (CCT) na programa ng pamahalaan.
Sa kaalaman ng publiko, inikot ni PNoy ang bawat lamesa para makipagkamay at nagpakuha ng larawan bago pinagsaluhan ang pancit guisado, crab relyeno, kare-kare, manok, barbeque, sariwang lumpia, lechon at leche flan.
Kaya’t hindi maitago ni Ana Asma, 39-anyos na magulang at CCT beneficiary sa Baseco, Maynila ang matinding kasiyahan matapos malasap ang pribilehiyong makasama sa isang hapunan ang Pangulo.
Maging si Donabelle Lucena, isang nurse sa ilalim ng RN Heals (Registered Nurses for Health Enhancement And Local Service) ng pamahalaan, hindi makapaniwala nang makita at makasama si PNoy sa isang hapunan, isang patunay kung paano pinahahalagahan at pinagsisilbihan ng Pangulo ang “Boss” nito.
***
Napag-uusapan ang pagkakaisa, makatwirang suportahan si PNoy sa kanyang deklarasyon na maging malaya ang bansa sa katiwalian, at kahirapan kung saan naghahari ang pagkakapantay-pantay, kalayaan at dignidad bilang bagong kabanata ng Pilipinas.
Hindi matatawaran ang sinseridad ni PNoy na tiyakin ang magandang kinabukasan ng sambayanang Filipino sa ilalim ng kanyang liderato na nagsusulong ng “transparency at accountability”.
Kaya’t mapalad ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng Pangulo sa katauhan ni PNoy na todo kayod para labanan ang katiwalian, kahirapan at iba pang mga problema sa bansa na naging institusyon sa nagdaang panahon.
Mutain lang ang hindi makakita kung paano isinusulong ni PNoy ang mga reporma para matiyak na bababa ang serbisyo publiko, partikular sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.
Take note: Ilan lamang sa reporma ang suspensyon ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections, pabahay sa Bulacan para sa mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Laging tandaan: “Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment