Bawas-tambay! | |
Muling ipinakita ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang magandang pagkilala sa hindi matatawarang kontribusyon ng mga marino sa bansa nang ideklarang “special day” ang June 25 ng bawat taon, isang pagpupugay sa mga marino o seafarers.
Katulad ng anumang grupo ng overseas Filipino workers (OFWs), batid ni PNoy ang malaking naitutulong ng mga marino para isulong ang kaunlaran ng bansa. Inilabas ni PNoy ang Proclamation No. 183 na nagbibigay respesto, pagkilala at pasasalamat sa mga marino na tinaguriang “sailing ambassadors” dahil sa pagpapakita ng husay at galing ng mga Pilipino sa buong mundo.
Ang request ng PNoy sa lahat ng konektadong maritime agencies, kabilang ang government-owned and controlled corporations (GOCCs), maging pribadong indibidwal at organisasyon na lumahok sa matagumpay na pagdiriwang ng araw ng mga marino.
***
Hindi ba’t nakakatuwang marinig ang resulta ng 2011 Labor Force Survey ng National Statistics Office (NSO), malinaw ang ebidensiya -- bumaba ang antas ng kawalan ng trabaho sa bansa, as in nadagdagan ang trabaho.
Tanging mga “buraot” ang hindi matutuwa sa balitang nabawasan ang tambay sa kanto, aba’y mula 8.0%, naibaba sa 7.2% sa pagitan ng Abril 2010 hanggang Abril 2011, maliban kung sadyang puro inggit ang namumutawi sa puso at isipan ng mga kritiko ni PNoy, sampu ng mga nagkukunyaring henyo gayong pinabili lamang ng suka sa kanto?
Sa April 2011 Labor Force Survey, umangat ang employment rate, ito’y naging 92.8% mula sa 92% noong Abril 2010. Malinaw na ipinapakita nitong survey ang patuloy na pagsusumikap ng administrasyong Aquino na gawin ang pagtulong sa mga Pilipino, gaano man kalimitado ang resources ng gobyerno dahil sa mga walang pakundangang pag-abuso ng pondo sa nagdaang panahon.
Ang pagbaba ng antas ng walang trabaho, ito’y epekto ng pinagsamang pagsusumikap ng iba’t ibang sektor sa pamahalaan, pribadong grupo at publiko. Ibig sabihin, patuloy tayong tumulong sa pamahalaan sa pagbibigay ng positibong pananaw at pag-asa sa mga tao kung saan hindi tumitigil ang gobyerno sa paghimok sa mga mamumuhunan na maglagak ng kapital sa merkado.
Tayo’y positibong makakamtan ng administrasyong Aquino ang pinupuntiryang mas magandang Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng negosyo at iba pang magandang mga balita hindi lamang sa lumiliit na bilang ng walang trabaho kundi maging sa pinagagandang edukasyon at serbisyong kalusugan sa pamamagitan ng conditional cash transfer na mga programa.
***
Anyway, malaki ang tsansa ng Puerto Princesa Underground River (PPUR) na mapabilang sa New 7 Wonders of Natures kung magkakaisa ang 80 milyon Pilipinong cellular phone subscribers.
Kesa sayangin ang load sa panloloko, maaari pang makaboto sa www.new7wondersofnature o i-type ang PPUR15 sa cellular phone at ipadala sa 2861 hanggang Nobyembre 10, 2011.
Laging tandaan: “Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment