Magandang balita para sa mga magsasaka ng tabako ang desisyon ng World Trade Organization (WTO) na pumabor sa Pilipinas kaugnay sa isinampa nitong “cigarette export case” laban sa Thailand -- ito’y pagkilos ng administrasyong Aquino para protektahan ang mga magsasakang Pinoy.
Magiging parehas ang bentahan sa merkado ng dalawang bansa at makikinabang ang mga magsasaka ng tabako sa Pilipinas. Nag-ugat ang kaso sa alegasyon ng Pilipinas na merong ginagawang hindi parehas na transaksyon sa bentahan ng tabako na naging dahilan upang hilingin ng Pilipinas ang isang konsultasyon sa WTO laban sa Thailand.
Ang reklamo ng pamahalaang Pilipinas -- maraming umiiral na alituntunin sa Thailand ang nakakaapekto sa pagbebenta ng sigarilyo mula sa bansa, katulad ang ipinapataw na customs valuation, excise tax, health tax, TV tax, value added tax (VAT) regime, retail licensing requirements at import guarantees sa cigarette importers na lumalabag sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) 1994.
Ilan sa sinita ng Pilipinas ang dual license requirement sa Thailand na nag-oobliga sa tobacco at cigarette retailers na kumuha ng dalawang lisensya sa pagbebenta ng domestic at imported cigarettes na kontra rin sa GATT 1994.
Hindi lang ‘yan, kontra din sa GATT 1994 ang ad valorem excise tax, health tax at TV tax sa imported at domestic cigarettes ng Thailand. Dahil dito, inatasan ng WTO ang Thailand na baguhin ang mga patakaran na lihis at hindi akma sa GATT 1994.
***
Sakto ang kahilingan ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa sambayanang Filipino na tularan ang kabayanihan at kadakilaan ni Dr. Jose Rizal matapos ang kanyang talumpati sa nakalipas na paggunita ng ika-150 taong kapanganakan ng pambansang bayani noong Linggo.
Dapat samahan ng publiko si PNoy sa pagpapakita ng magandang halimbawa na ginawa noon ni Rizal sa kanyang panahon, as in piniling gawin ang tamang bagay.
Take note: Nagbigay-daan sa kalayaan ng Pilipinas ang mga sakripisyo ni Rizal na ating tinatamasa ngayon para ituwid ang mga kawalan ng hustisya sa halip na gamitin ang kanyang kayaman at edukasyon para magkamal ng maraming salapi at pakasalan ang babaing iniibig nito.
Ibig sabihin, marapat lamang suportahan ang panawagan ni PNoy para sa ikabubuti ng susunod na mga henerasyon lalo’t hindi malayo sa hinaharap ni Rizal ang mga suliranin ng bansa sa ngayon.
***
Anyway, dapat lamang maging positibo ang tugon ng alumni ng Ateneo Law School sa hamon ni PNoy na makiisa laban sa kultura ng “just-tiis”, sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang sinumpaang trabaho na kilalanin ang batas sa lahat ng pagkakataon.
Makatwirang isulong ang prinsipyo ng “abogado para sa iba” na sinimulan ni founder at dean emeritus Fr. Joaquin G. Bernas, S.J.
Wala tayo nakikitang magandang rason para hindi umayon, hindi lamang ang alumni ng Ateneo Law School kundi maging ang lahat ng mga abogado sa bansa sa panawagan ng Pangulo na magsilbi sa ngalan ng hustisya, partikular sa pagkakaloob ng legal na ayuda sa mga mahihirap.
Hindi mahirap ang hinihingi ni PNoy lalo pa’t isinusulong ng kanyang administrasyon ang mga reporma na magkakaloob ng parehas na hustisya para sa mga Pilipino.
At dapat din papurihan rin si PNoy sa karagdagang pondo ng Department of Justice (DOJ) para sa suweldo ng mga kawani, alinsunod sa salary standardization law.
Bilang bahagi ng reporma, patuloy na binabantayan ni PNoy ang mga ilegal na aktibidades sa lahat ng sangay ng pamahalaan, partikular sa Bureau of Correction (BuCor) at Office of the Ombudsman.
Laging tandaan: “Bata niyo ko at Ako ang Spy niyo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
Buhayin si Rizal | |
1 comment:
asec! Paul Farol here... Pagandahin natin ang blog mo. ;-)
Post a Comment