Walang yaya at tsaperon! | |
Kumpara sa mga nakaraang panahon, hindi ba’t kapuri-puri ang maliit na halagang ginagastos ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III kada biyahe sa loob at labas ng Pilipinas, pinaka-latest ang P2 milyon sa 2-day state visit sa Brunei, maging ang napakaliit na delegasyon -- ito’y nililimitahan lamang sa humigit-kumulang 50-katao.
Ang maliit na delegasyon kada biyahe -- (ito’y pagpapakita ng isang magandang halimbawa kung papaano pinahahalagahan ni PNoy ang government funds, malinaw ang kwenta ng Finance Office, sa ilalim ng Office of the President (OP) -- pinakamababa ang P2 milyong nangugol ng pamahalaan sa isang biyahe ng Pangulo, simula noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Sa mga nagdaang panahon, hindi lang apo ang binitbit ng nakaupo sa Palasyo, pati yaya at tsaperon, as in kulang na lamang isama ang bagong-lipat sa tabi ng bahay nito. At sa malamang, meron pang “per diem” kung nailista sa official delegation. Lahat ng kabalbalang naganap at nakaugalian sa mahabang panahon, ito’y itinuwid ni PNoy kaya’t walang pulitikong entourage sa abroad kundi puro trabahador ang kasamang opisyal at staff nito.
Malaking tagumpay ang pagtitipid ni PNoy lalo pa’t malaki ang makukuhang benipisyo ng Pilipinas sa mga nakalipas na biyahe ng Pangulo kung saan matagumpay nitong naisulong ang lalo pang pagpapalakas sa malalim na “economic at bilateral ties”. Sa Brunei trip, good news ang konstruksyon ng mga imprastraktura para sa natural gas bilang alternatibo sa mga inaangkat na mga produktong petrolyo.
Binigyang halaga rin sa biyahe ang kampanya laban sa transnational crimes, human at drug trafficking at paglagda sa mga kasunduan para isulong ang turismo, agrikultura, barko at pier at pagpapalakas sa palakasan. Take note: Nagpahayag rin ang pamahalaang Brunei ng matinding interes sa industriya ng asukal, mais, cacao, Halal na mga pagkain, maging sa kalidad ng mga bato at buhangin.
At hindi rin kinalimutan ng PNoy ang overseas Filipino workers (OFWs) nang makipagkita at ipinaalam ang mga magagandang reporma na inilatag ng pamahalaan sapul nang umupo sa kapangyarihan noong Hunyo 30, 2010.
At kahit napakasikip ng iskedyul, dinalaw ni PNoy ang Jollibee outlet sa Serusop Complex sa Brunei para kilalanin at bigyang suporta ang tagumpay ng isang kumpanyang 100% pag-aari ng mga Filipino -- ito’y merong 11 tindahan (Jollibee) sa Brunei.
***
Napag-uusapan ang aksyon, mabilis ang pagkilos ng pamahalaan para saklolohan ang mga may-ari ng fishpens na naapektuhan ng fishkill na tumama sa Batangas at Pangasinan. Tama si PNoy sa pagtiyak na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga naapektuhan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng bangus fingerlings para muling buhayin ang industriya ng isda.
Dapat suportahan ng publiko si PNoy sa mga ipinapatupad nitong mga hakbang para maibalik ang magandang kalidad ng tubig sa dalawang lalawigan upang maging maayos ang paglaki ng fingerlings o punla. At tinitiyak ng pamahalaan na maisasagawa ang lahat ng mga bagay para maiwasan ang katulad na insidente sa hinaharap sa pamamagitan ng kooperasyon at tulungan ng mga opisyal sa lokal at pambansang pamahalaan.
Ang isang pang mabilis na aksyon, ipinahiram ng Department of Agriculture (DA) ang water pumps nito para malinis ang tubig sa Taal Lake habang patuloy ang paglilinis ng mga kulungan ng isda na sinasabing dahilan sa kakulangan ng hangin sa ilalim ng tubig.
Sa kabuuan, dapat tumulong ang publiko sa kampanya ng gobyerno na tiyaking hindi makakarating sa mga palengke ang double dead na mga isda. Lagin
No comments:
Post a Comment