Monday, May 2, 2011

Walang bayad-utang!
REY MARFIL

Sa nagdaang 9-taon, walang katapusang pagbaba­yad-utang ang inatupag ng occupant sa Presidential resi­dence, mapa-cabinet hanggang kaliit-liitang posis­yon kaya’t nakakabilib ang ginawang aksyon ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III nang italaga ang 17 bagong ambassadors na pawang career diplomats sa ngalan ng national interest.

Napakagandang ehemplo ang ipinakita ni PNoy, ito’y patotoo na maayos ang pamamahala at lalong mapataas ang morale ng mga tao sa loob ng Department of Fo­reign Affairs (DFA). Hindi dapat kalimutan na nagmumula ang magagandang mga ideya sa mga taong nasa loob ng ahensya at indikasyon ang naganap na pagtatalaga na mataas ang respeto ng administrasyong Aquino sa professional career growth ng foreign affairs officials.

Asahang magpapakita ng kabilib-bilib na perfor­mance at dedikasyon sa trabaho ang 17 bagong ambassadors at tiyak na hindi bibiguin si PNoy, sampu ng sambayanang Filipino sa pagtupad ng kanilang tungkulin dahil sila ang pinakakuwalipikado sa kanilang larangang ito.

***

Napag-usapan ang dedikasyon, isang patunay ang misyon ni PNoy na itaas ang kalidad ng buhay ng mga Filipino sa internasyunal na pamantayan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mas maraming serbisyo.

Nakapaloob ang magandang balitang ito sa napipin­tong pag-host ng bansa sa International Public-Private Partnership Specialist Centre on Health (IPPPSCH) matapos aprubahan ng United Nations Economic Commission for Europe PPP (UNECEPPP) Centre of Excellence kamakailan ang pagtatayo ng health center sa Maynila. Ipi­nadala ni Dept. of Health (DOH) Sec. Enrique Ona ang liham kay PNoy noong nakaraang Abril 25 kaugnay sa pagkakapili ng UNECEPPP sa bansa.

Magsasagawa ang IPPPSCH ng operasyon sa ila­lim ng Memorandum of Understanding (MOU) ng UNECEPPP at Pilipinas upang makalikom ng pondo para sa ­UNECEPPP Specialist Centre; pondohan ang pagpapa­unlad at updating ng mga programa ng UN PPP ­Secretariat; pa­ngasiwaan ang PPP Research Program; itatag at pa­ngasiwaan ang Specialist Centre Membership; ita­tag ang inter­national database; at pagkakaloob ng suporta sa iba pang bansa.

***

Bago pa man ang May 1, isang good news ang hakbang ni PNoy na magkaloob ng 648,000 trabaho sa mga industriya sa ilalim ng key employment generator (KEG) at pampublikong tanggapan.

Ipinapakita lamang ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang kahandaan nitong tugunan ang suliranin sa kawalan ng trabaho kasabay ng paggunita sa Labor Day noong Linggo.

Sa ilalim ng memorandum ng DoLE, tinatayang 1,000 employers ang mangangailangan ng 80,000 hanggang 100,000 na mga manggagawa para sa lokal at internasyunal na trabaho habang 548,000 trabaho naman ang naghihintay sa ilalim ng Community Based Employment Prog­ram (CBEP) ng pamahalaan.

Ito’y isang magandang pagkakataon para sa mga nag­hahanap ng trabaho kaya’t dapat silang lumahok sa magandang programa ng pamahalaan kung saan kabilang sa mga trabaho ang paggawa, kontruksyon, transportasyon at logistics, edukasyon, kalusugan, hotel at restaurant, serbisyo, wholesale at retail trade industries sa pri­badong sektor.

Take note: Humigit kumulang 360,000 ang kakaila­nganin sa construction program ng Department of Public Works and Highways (DPWH); 178,000 sa iba’t ibang proyektong pangkabuhayan ng DoLE, at 10,000 posis­yon sa mga programa ng Department of Agrarian Reform’s katulad ng Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang-Agraryo program. Mabuhay ang mga manggagawang Pinoy!

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.”(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: