Monday, May 16, 2011

Hayaan si PNoy!
REY MARFIL

Kinilala at pinapurihan ng mga dayuhang lider ang selective na open skies policy ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III na naglalayong palakasin ang kompetisyon sa aviation industry ng bansa -- walang ibang makinabang kundi ang turismo, negosyo at pamumuhunan bilang tugon sa ASEAN connectivity plan.

Ito’y naganap sa katatapos na 18th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at 7th Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asean Growth Area (BIMP-EAGA) Leaders Summit sa Jakarta, Indonesia, isang patunay kung gaano kahusay mag-isip si PNoy.

Sa ilalim ng ASEAN Connectivity Plan, layunin nitong ikonekta ang 10 ASEAN countries, sa pamamagitan ng paliparan at Roll On Roll Off (RoRo) sa pier na orihinal na panukala ng Pilipinas, ilang taon ang nakakalipas para makamit ang “ASEAN Community” sa 2015, as in kailangang magkaisa para hindi “pinagtutulak-tulakan” ng mga super power nations.

Inaasahan ang murang pasahe sa eroplano na mag-aalok ng direct flights. Tinututukan din ng pamahalaang Pilipinas ang pagpapalawak ng RoRo network na magsisilbing backbone sa panukalang “ASEAN RoRo network” -- isang paraan upang ipakitang solido ang mga bansa sa Asya.

***

Bilang suporta sa isang luntiang Pilipinas at makati­pid ng mga produktong petrolyo, ibinunyag ni PNoy ang limang (D) beses na paglaki sa pondong pambili ng electric-powered tricycles o “E-trike” -- ito’y isang good news lalo pa’t umaasa lamang ang Pilipinas sa importasyon ng petroleum products at walang kontrol sa oil price hike.

Sa tindi ng “convincing power” ni PNoy, sa pangu­nguna ni Department of Energy (DOE) Secretary Jose Almendras, nagdesisyon ang Asian Development Bank (ADB) na palawakin ang kanilang financial support sa “E-trike program” ng pamahalaan para mabili ang 100 libong “E-trike unit” -- ito’y malayo sa orihinal na 20 libong unit lamang. Ika nga ni Sec. Almendras “Keysa iba makinabang, tayo na!”

Bukod sa magandang balita para sa kapaligiran, na­ngangahulugang tumaas ang tiwala ng international community sa administrasyong Aquino, aba’y sinong magpapahiram o magkakaloob ng financial assistance sa Pilipinas lalo pa’t nabalutan ng matinding eskandalo at kontrobersya ang mga foreign assisted projects sa nagdaang panahon.

Kamakailan lang, inilusad ni PNoy, sa tulong ng ADB ang e-trike pilot project sa Mandaluyong City para pa­litan ang mga kasalukuyang motorsiklo na numero unong umaangal sa walang humpay na pagtaas ng gasolina sa world market.

***

Anyway, hindi na dapat pang palakihin ng mga kritiko ang pahayag ni PNoy na wala sa kanyang isipan na ba­lasahin ang kanyang gabinete. Tandaan: Nakasalalay ang lahat sa pagpapasya ng Pangulo at nagpahayag na siya ng kanyang buong suporta at tiwala sa kanyang mga opisyal.

Importanteng irespeto natin ang kapasyahan ni PNoy dahil nakikita nito ang dedikasyon at pagsusumikap ng kanyang mga tao na maibigay ang pangunahing serbis­yo sa publiko.

Sa lahat ng gagawin ng Pangulo, mahalagang komportable sa kanyang mga kasamahan para isulong ang transparency at accountability sa pampublikong serbis­yo.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: