Thursday, May 12, 2011

Maging alerto!
REY MARFIL

Kailangan ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino ang suporta ng bawat isa laban kontra terorismo upang pigilan ang posibleng pagganti ng mga kapanalig ni Al-Qaeda lea­der Osama bin Laden na napatay ng United States (US) Special Forces.

Dapat ipakita ng bawat Filipino ang pagiging alerto, mapanuri at mapagbantay sa lahat ng pagkakataon, partikular sa mga pampublikong lugar upang mailigtas ang buhay ng marami dahil walang lugar ang pagiging kampante ngayon.

Kailangan ang suporta ng bawat isa laban sa terorismo, as in tuluy-tuloy nating ipahayag ang matapang na paglaban kontra sa galit at away sa relihiyon at maling pulitika.

Mananatili ang administrasyong Aquino sa paglaban sa terorismo upang itaguyod ang kapayapaan at kaayusan lalo’t nand’yan pa rin ang ibang grupo ng mga terorista.

Matapos mapatay si Osama bin Laden, mabilis ding tiniyak ni PNoy ang kahandaan ng pamahalaan na tiyakin ang seguridad sa bansa laban sa anumang banta ng terorismo subalit pinakamahalaga sa lahat ang pagiging alerto at mapanuri sa kapaligiran ng mamamayan.

***

Napag-usapan ang terorismo -- ito’y isa sa “hot topic” ng mga bansang dumalo sa 18th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at hindi ikinagulat ng lahat ang sobrang higpit ng seguridad lalo pa’t nagmula sa Indonesia ang ilan sa itinuturong “mastermind” sa paghahasik ng terorismo.

Anyway, maituturing pa ring matagumpay ang unang yugto ng ASEAN Summit kahit harapang nagbabangayan ang Cambodia at Thailand sa pagtitipon patungkol sa “territorial dispute” -- dito ipinakita ni PNoy ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat isa kung nais kilalanin ng mga makapangyarihang bansa ang Asya bilang iisa.

Isa sa magandang pangyayari sa ASEAN Summit ang pag-upong chairman ni PNoy sa 7th Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asean Growth Area (BIMP-EAGA) Leaders Summit: biglaan ang desisyon at ipinamalas ni PNoy ang husay at talino bilang dating kongresista at senador na humawak ng mga bigating komite.

Sa kabuuan, ilan sa prayoridad ng “10-member regional bloc” ang pagkapit-bisig upang maabot ang mga pinupuntiryang development ng ASEAN Community sa taong 2015 at marating ang common platform sa Southeast Asia – ito’y nakasentro sa political security, economic at socio-cultural.

Napagkasunduan din ng ASEAN leaders ang pagkilala sa “three joint statements” -- 1) ASEAN Community in a Glo­bal Community of Nations; 2) Establishment of the ASEAN Institute for Peace and Reconciliation; at 3) Enhancing Cooperation against Trafficking in Persons in Southeast Asia.

Sa panig ng Philippine media delegation, hindi matatapos ang kuwento sa bawat biyahe ni PNoy kung walang “dinner” o kaya’y “coffee break” -- dito nakakakuha ng scoop ang Malacañang Press Corps (MPC), sampu ng mediamen na sumasampa sa foreign trip.

Sa humigit-kumulang dalawang (2) oras na pakikipagkuwentuhan sa Philippine media delegation, naibuhos ni PNoy ang lahat ng “scoop” -- simula sa Bilateral Talks ng Cambodia at Laos hanggang pag-increase sa produksyon ng 100 libong electric tricycles (e-trikes) -- ito’y pinondohan ng Asian Development Bank bilang tugon sa pagtaas ng gasolina sa world market; selective open skies policy; at pagpasok ng Thailand sa Public-Private Partnership program.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: