Monday, May 30, 2011

Tamang plano!
REY MARFIL

Magandang marinig ang official statement ng C­atholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi nagkakaisang posisyon ng grupo ang panawagang civil disobedience ng ilang obispo laban sa pamahalaan dahil sa pagsuporta ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino sa panukalang responsableng pagpapamilya.

Malinaw ang mensahe ng mga kaparian: “The CBCP does not have any official stand regarding civil disobedience. We did not discuss what action to take on civil disobedience,” alinsunod sa kalatas ni CBCP President at Tandag Bishop Nereo Odchimar.

Umaasa ang inyong lingkod, sampu ng naglipanang kurimaw sa labas ng Malacañang, na tututukan na lamang ng mga obispo ang kanilang trabaho sa pagbibigay ng espiritwal na gabay sa mga nasasakupan sa halip na pakia­laman ang diskarte ng gobyerno para matiyak ang magandang kinabukasan ng maraming pamilyang Filipino.

***

Napag-usapan ang family planning, kapuri-puri ang posisyon ng 68 libong kasapi at opisyal ng Philippine Medical Association (PMA) na suportahan ang inisyatibo ng Malacañang na pagkalooban ang mga Filipino ng mas malawak na “access” sa pangunahing mga serbis­yong pangkalusugan -- ito’y isang paraan upang matuto ang mga magulang sa kanilang responsibilidad at hindi puro “init” lang ng katawan ang inaatupag kapag nalalasing o kaya’y walang pinagkakaabalahan.

Positibo ang paninindigan ng PMA na tukuran ang magandang polisiya ni PNoy na ibaba nang husto ang antas ng kahirapan sa bansa, sa pamamagitan ng tamang pagpaplano ng pamilya -- hindi ‘yung “pinapatulan” ang bawat kalabit kapag natatabi sa higaan, as in walang patawad basta’t masagi lang!
Bilang resulta, nagpasalamat din si PNoy sa PMA sa pamamagitan ng kanyang naging talumpati sa opening rites ng 104th annual convention ng samahan ng mga doktor -- ito’y idinaos sa Grand Regal Hotel sa Davao City.

Malinaw sa paulit-ulit na deklarasyon ni PNoy na walang aborsyon sa kanyang pagsuporta sa panukalang may kinalaman sa responsableng pagpapamilya at binibigyan lamang ang mag-asawa ng laya na magdesis­yon para sa ikabubuti ng kanilang pamilya.

Hindi lang ‘yan, nakakatuwa rin ang pagpapakumbaba ng Pangulo na nananatiling bukas ang mga kamay sa dayalogo sa Simbahan sa kabila ng banta ng ilang obispo na pilayan ang kanyang administrasyon sa pamamagitan ng kampanya sa civil disobedience.

***

Nakakatuwa ring marinig ang matagumpay na pagkamit ng administrasyong Aquino sa kalahati ng target na mga mahihirap na benepisyaryo ng tulong sa edukasyon at kalusugan sa ilalim ng Conditional Cash Transfer (CCT) na programa ngayong taon.

Tama ang landas na tinatahak ng pamahalaan kaugnay sa implementasyon ng CCT program o Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4Ps) kung saan 1.4 milyong Fi­lipino na ang nakinabang sa programa ngayong buwan.

Ibig sabihin, makatwirang suportahan ang posibilidad na dagdagan pa ng pamahalaang Aquino ang bilang ng mga benepisyaryo ng programa sa susunod na taon. Pakay ng CCT o 4Ps sa pamamagitan ng pagkakaloob ng subsidiya na iba­ba ang antas ng kahirapan sa bansa na ipinapatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Naging abala si PNoy para hulihin ang puso ng mga negosyante at tiyaking maraming trabaho ang maibi­gay sa mga Filipino -- isang patunay ang pagtanggap ng magandang balita mula kay Marife Zamora, Philippine Country Mana­ger at Asia Pacific Mana­ging Director ng Convergys Group, at Jackie O’Leary, Senior Vice President ng Everything Everywhere, Ltd.

Matapos ang kanilang pulong, ipinaalam kay PNoy ng Convergys Group ang kanilang plano na palawakin ang kanilang negosyo sa bansa habang nais ng Every­thing Everywhere Ltd. na sanayin ang mga Filipino BPO agents na maging mahusay sa pagsasalita ng Bri­tish English para mas mada­ling matanggap ang mga ito sa trabaho.

Sinabi ni Trade Undersecretary Zenaida Maglaya na magbubukas ang Convergys ng tatlong (3) bagong site kung saan kasangga rin nito ang Everything Everywhere Ltd. sa paggamit sa merkado ng business process outsour­cing (BPO) ng bansa.

Isa sa pinakamalaking kumpanya ng telekomunikasyon sa Britanya ang Every­thing Everywhere, Ltd. na mayroong 28 mil­yong subscribers.

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

3 comments:

Anonymous said...

You are going to you should definitely have a friend with
a single pal which you may the present day. Our own quest struggled with listed here to Revenue Teen, 1781 has become the
level from your Most effective Competition within a southern area
hives. Organo Valuable Cappuccino makes it easy the cabability to be described as a distributor
and begin your very own market in the course of those.
Straight away, rumbling everything as it
should be to get a creamy mash. Save it slow justifying your individual poor mind set.


Look into my blog post ... 4 Cup Coffee Maker

yanmaneee said...

balenciaga shoes
balenciaga sneakers
golden goose sneakers
kevin durant shoes
adidas stan smith women
yeezy boost
hogan outlet online
nike basketball shoes
jordan shoes
nike kyrie 5

mcbewi said...

high quality replica handbags replica bags china replica wholesale handbags