Tamang desisyon! | |
Sa pamamagitan ng Department of Transportation and Communications (DoTC), kinuha ng pamahalaang Aquino ang serbisyo ni retired Brig. Gen. Tim Neel -- ito’y dating opisyal ng Federal Aviation Administration (FAA) at may-ari at managing director ng Tim Neel & Associates, LLC. Ang misyon ni Neel, tulungan ang ating bansa.
Bahagi ng repormang ipinatupad ni PNoy ang pagsasaayos sa mga paliparan, katulad ang pagpapabuti sa imahe ng Pilipinas at tulungan ang industriya ng paliparan na umasenso at makabalik sa FAA’s Category 1 rating ngayong taon o unang bahagi ng 2012.
Ang Tim Neel & Associates, isang kumpanyang mayaman ang karanasan sa internasyunal na kaligtasan sa paliparan, kabilang ang pagtataya sa pamantayan ng kaligtasan ng pamahalaan sa civil aviation authorities, international air carriers at paliparan.
Maraming bansa sa Latin America at Caribbean ang natulungan ni Neel upang umangat ang kanilang aviation oversight programs, pinaka-latest ang pagtrabaho sa Ghana kung saan natulungan nito ang lokal na aviation authorities na maibalik sa Category 1 rating sa loob lamang ng ilang buwan.
Sa panahon ng administrasyong Arroyo, ibinaba ng FAA ang rating ng Pilipinas sa Category 2 mula sa Category 1 na nangyari noong 2008 matapos ang isinagawang pagtataya noong Nobyembre 2007 kung saan nakita ang ilang polisiya ng lokal na aviation sector na mababa sa internasyunal na pamantayan -- ito ang naging dahilan kung bakit hindi makapagdagdag ng biyahe ang mga lokal na eroplano sa US.
Isa sa pangunahing isyu ang kawalan ng kwalipikadong tao na titiyak ng seguridad at kaligtasan ng air transport sector ng bansa. Ang malungkot, pumalag din ang European Union hingil sa significant safety concerns (SSCs) na naging dahilan upang pagbawalang lumapag at lumipad ang ating mga eroplano sa mga paliparan sa Europa.
At para lalong maiangat ang rating, kinuha ng pamahalaan ang serbisyo ng 22 retiradong mga piloto para magsilbi ng full-time bilang mga inspektor ng Flight Standards Inspectorate Service (FSIS).
***
Napag-usapan ang aksyon, mabilis ang pagresponde ng administrasyong Aquino at pagkakaloob ng emergency shelter assistance (ESA) sa mga pamilya na naapektuhan ng pagguho ng lupa sa isang liblib na lugar ng minahan ng ginto sa Compostela Valley.
Ipinapakita ng pamahalaan ang kahandaan nito na tumugon ng mabilis sa mga krisis, partikular sa distribusyon ng ESA sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa halagang P5,000.00 kada biktima.
Bukod sa ESA at tuloy-tuloy na pagkakaloob ng mga pagkain, ipatutupad rin ng pamahalaan sa tulong ng DSWD ang tinatawag na self-employment assistance program para sa mga kwalipikadong mga residente na naapektuhan ng trahedya.
Dahil sa seryosong banta sa buhay ng mga residente roon, pinalakas ng pamahalaan ang tulong sa lokal na gobyerno, katulad ang paglilipat ng mga residente sa mas ligtas na lugar upang maiwas sa trahedya at sakuna.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment