Wednesday, May 25, 2011

Clustering!
REY MARFIL

Tinitiyak ng administrasyong Aquino sa lahat ng pagkaka­taon ang mahusay, epektibo at tutok na implementasyon ng mga programa at polisiya ng gobyerno, patunay ang nilagdaang kautusan para tutukan ng mga ahensya ang paghahatid ng serbisyo.

Nakaraang Mayo 13, nilagdaan ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino ang Executive Order (EO) No. 43, layu­ning itatag ang limang (5) Cabinet clusters na tututok sa iba’t ibang pangunahing mga bagay sa larangan ng public service.

Tama sina Pangulong Aquino at Executive Secretary Jojo Ochoa sa pagsasabing mapapadali ng EO ang pagtugon sa iba’t ibang mahahalagang mga aspeto sa serbisyo sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbuo sa Cabinet clusters -- ang Good Go­vernance and Anti-Corruption; Human Development and Po­verty Reduction; Economic Development; Security, Justice and Peace; at Climate Change Adaptation and Mitigation.

Si PNoy ang uupong chairman ng Good Governance and Anti-Corruption cluster habang tatayong secretariat ang Department of Budget and Management (DBM) at miyembro ang mga kalihim ng Departments of Finance (DOF), Interior and Local Government (DILG) at Justice (DOJ); hepe ng Presidential Legislative Liaison Office at pinuno ng Chief Presidential Legal Counsel.

Ang Human Development and Poverty Reduction cluster -- ito’y pamumunuan ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) habang secretariat at lead convenor ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) at kasapi ang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC); mga kalihim ng Departments of Agrarian Reform (DAR), Agriculture (DA), Environment and National Resour­ces (DENR), Education (DepEd), Health (DOH), Labor and Employment (DOLE), DILG, DBM, National Economic Development Authority (NEDA); at chairman ng Commission on Higher Education (CHED).

Habang ang kalihim ng DOF ang mamumuno sa Econo­mic Development cluster habang NEDA ang tatayong secreta­riat at mga kasapi ang mga lider ng DA, DBM, DILG, Departments of Trade and Industry (DTI), Public Works and Highways (DPWH), Transportation and Communications (DOTC), Energy (DOE); Science and Technology (DOST), at Tourism (DOT).

Si Executive Secretary Jojo Ochoa ang magtitimon sa Security, Justice and Peace cluster kung saan magiging secretariat ang National Security Council at miyembro ang mga kalihim ng DILG, Foreign Affairs (DFA), National Defense (DND), DOJ; at presidential adviser on the Peace Process.

Samantalang pangangasiwaan ng kalihim ng DENR ang Climate Change Adaptation and Mitigation cluster kung saan secretariat ang Climate Change Commission at miyembro ang HUDCC chairman, mga kalihim ng DOST, DILG, DPWH, DSWD, DA, DAR, DOE, at DND; at hepe ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

***

Napag-usapan ang “clustering”, maganda ang layunin ni PNoy na ipagpaliban ang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ngayong Agosto -- ito’y dapat ikonsidera ng Kongreso lalo pa’t pag-iisahin ang gastos at ma­lulusaw ang “command votes”.

Malinaw ang misyon ni PNoy, nais lamang nitong mabigyan ng sapat na panahon ang Commission on Elections (Co­melec) na malinis ang “voters’ list” at mabuwag ang nalalabing pribadong armadong mga grupo sa ARMM na bahagi ng isang maganda at pangmatagalang repormang panghalalan.

Sa nakalipas na dalawang (2) dekada, naging mailap ang di­senteng buhay para sa karamihan ng mga residente sa ARMM, animo’y sirang plaka at gasgas na tugtugin ang senaryong nagkakadayaan sa Mindanao, maliban kung gustong matawag bilang “gentleman from Maguindanao” kahit wala ni isang kamag-anak sa lalawigan, as in nanalo sa daya.

Sa pagsususpinde ng eleksyon, mabibigyan ng pagkakataong umusbong ang repormang pakikinabangan ng nakakaraming mga tao sa ARMM tungo sa kaunlaran, maliban kung puro pansariling interes ang pinapairal ng ilan nating kababayan sa Mindanao lalo pa’t mababalian ng pakpak?

Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: