Hanoi, Vietnam --- Isang ‘double whammy’ ang inabot ng Indonesia — magkakasunod ang tsunami at volcanic eruption. Ang masakit sa lahat, nangyari ang dalawang kalamidad, ilang oras pa lamang nakalapag sa Hanoi International Airport ang eroplanong sinakyan ni President Susilo Bambang Yudhoyono para dumalo sa 17th ASEAN Summit na nagka taong iisang hotel ang kanilang tinutuluyan ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa Grand Plaza. Isang pakikiramay ang kaagad ipinarating ni Pa ngulong Aquino sa Indonesian government, kabilang ang pangakong tutulong sa rescue, recovery at rebuilding, anumang oras kailanganin ang tulong ng Pinoy volunteers— ito’y ginawa ni PNoy sa harap ng Filipino community (Filcom) noong Miyerkules ng tanghali. Sa huling tala, 154 ang patay, at humigit-kumulang 400 ang missing. Marami ang nawalan ng tira han at kabuhayan kaya’t iginigiit natin ang kahalagahan ng kahandaan ng bawat Pilipino. Hindi natin hinihingi ang ganitong sitwasyon subalit hindi malayong mangyari sa Pilipinas ang sinapit ng mga taga-Indonesia dahil parehong nasa Pacific Rim of Fire. Take note: Wala sa kontrol natin ang galaw ng kalikasan, mas maiging maging maagap sa paghahanda mangyari man o hindi ang mga ganitong kalamidad. Nabanggit ang kahandaan, pinarangalan ng Civil Service Commission (CSC) ang isang “Anak ng Romblon” dahil sa kanyang advocacy sa disaster preparedness at risk mitigation — Phivolcs director Renato Solidum bilang natatanging kawani ng pamahalaan dahil sa kanyang pagsulong sa pagpapatibay ng mga gusali at kahandaan ng bansa sa panahon ng kalamidad. At balita sa merkado ng Romblon, Romblon na ‘magtutumba’ ng tatlong drum ng ‘tuba’ ang pamangkin nitong si Pareng Sylton Solidum. *** Napag-usapan ang 17th ASEAN summit, isang malaking agenda ni PNoy, maging sa katatapos na state visit ang regional cooperation kung papano magkakatulungan ang mga bansang magkakapit-bahay sa panahon ng kalamidad, maging sa usapin ng adaptation and mitigation sa climate change. Malaking papel ang ginagampanan ngayon ni PNoy dahil nakaatang sa bansa ngayon ang liderato sa rehiyon sa mga ganitong usapin. Kung pamumuno lang naman sa ASEAN ang pag-uusapan, hindi tayo binibigo ni PNoy kaya’t abangan na lamang ang magandang balitang ipapasalubong pag-landing sa tarmac sa Oktubre 31. Isang araw bago sumalang sa kaliwa’t kanang bilateral meeting kahapon, ilang oras nakakuwentuhan ni PNoy ang media delegation kaya’t ‘haping-hapi’ ang mga reporters sa samu’t saring kuwento ng Pangulo. Hindi lamang foreign correspondents ang nagulat at namangha sa kasimplehan ni PNoy kundi ang ilang Malacañang reporters lalo pa’t kabarkada ang trato ng Pangulo sa sinumang mediamen makatabi nito. Ang pinaka-classic sa lahat, hindi si PNoy ang na ngayaw, as in sumuko sa kuwentuhan kundi ang buong media delegation. Pagkatapos ng mahabang kuwentuhan, meron pang humirit ng interview at pinagbigyan pa ni PNoy, maging ang ‘photo op’ kaya’t kantiyawan ang mga reporter sa press bus habang pabalik ng hotel para matulog. Iyon lang, hindi napiga nina Willard Cheng (ABS CBN-2), Mike Pajatin (GMA7) at Ina Zara (TV5) sa estado ng love life nito. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy nyo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment