Sa halip makakuha ng kakampi, pagkainis at matin ding pagka-bad trip ang kabayaran sa pang-aagaw eksena ng ilang estudyante ng University of the Philippines (UP)-Manila sa La Concolacion College — ito’y inimbitahang makinig sa ‘100 days report’ ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino at maayos naman tinanggap ng organizer subalit naging pa saway sa event. Sa pagwawala ng mga estudyante, hindi masisisi ang karamihan sa dumalo sa town hall meeting na magkomentong “Walang GMRC”, as in good manners and right conduct ang mga bata — isang malaking sampal sa mga magulang lalo pa’t hindi naman tinuruan na maging bastos at walang modo sa kapwa. Bagama’t kinikilala ng estado ang karapatan ng bawat indibidwal at bahagi ng demokrasya ang malayang makapagsalita, kahit rugby boys, aaminining wala sa hulog ang pang-aagaw eksena ng mga estudyante lalo pa’t hindi naman pinipigilang mag-ingay at sumigaw ng anti-Aquino sentiments sa labas ng Mendiola at Liwasan. Sa kultura ng mga Pinoy — ‘kung tao kang inimbitahan sa isang pagtitipon, ika’y dapat magpaka-tao’. Ika nga ni Mang Gusting na kapit-bahay ni Fred Garcia sa Tondo Maynila. “Subukan n’yong mangulo sa Fiesta ng Tondo, baka hindi lang sa kalye nanghiram ng mukha ang mga ito’. Pinakamasakit sa lahat, tinaguriang ‘Iskolar ng Ba yan’ ang mga batang nagwala, as in buwis ng taumba yan ang pang-matrikula, nangangahulugang higit na may katwirang umangal ang mga nasa pribadong kolehiyo at eskuwelahan lalo pa’t walang tigil ang tuition fee hike. *** Napag-usapan ang gulo, isang malaking pagkakamali ng mga ‘nagwalang UP students’ ang pagiging ‘de-kahon’ at hindi sukat akalaing nabasa ni PNoy ang ending. Ang resulta, hindi umubra ang inihandang script at ‘wa epek’ ang pagpapa-center of attraction sa La Concolacion College kaya’t nagkasya sa news brief at hindi nakaagaw ng banner story. Kung nagkataong pinatulan ni PNoy at kinaladkad ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ang mga ‘nagwalang UP students’, sa malamang pinag-uusapan pa hanggang ngayon sa mga kolum ang nangyaring gulo at kaliwa’t-kanan ang pagkondena sa Palasyo. Kapag minalas pa si PNoy, sandamakmak ang resolusyong nagpapa-imbestiga sa Kongreso. Hindi lang iyan, walang ikinulong kahit isa sa ‘nagwalang UP students’ — ito’y mahinahong pinalabas at pinauwi ng bahay subalit mas piniling manatili sa labas ng unibersidad para samahan ang mga ka-tropang sumi sigaw ng pagkontra sa ‘budget cut’. Ni sa panaginip, ayokong isiping organisado ang galaw ng mga ‘nagwalang UP students’, aba’y mabilis pa sa alas-kuwatrong nagbigay ng reaksyon at pagsaludo ang mga ‘katuto’, animo’y gustong ituro sa mga bata ang maling inasal ng mga kabataang ito. Walang ‘bopols’ sa UP — ito’y unibersidad ng mga matatalinong estudyante kaya’t nakakalungkot isiping hindi nag-research tungkol sa Higher Education Modernization Act of 1997. Kung nagkaroon lamang ng oras magbasa, sana’y naintindihan ang socialized scheme sa tuition fee. Take note: Noong 2009, umabot sa P19.1 bilyon ang cash balance ng state universities, pinakamalaki ang P11.9 bil yon ng UP. Kaya’t kahit bawasan ang annual budget sa general fund, ito’y meron pagkukunan, partikular ang tui tion fee na sinisingil. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo” (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment