Bagama’t marami pa rin ang nagdarahop sa buhay, hindi maitatangging nabawasan ng tatlong milyon ang bilang ng mga kababayan natin na nagsasabing ‘walang makain’ sa loob ng isang araw, malinaw ang resulta ng Social Weather Station (SWS) noong nakaraang buwan. Sa loob ng tatlong buwang panunungkulan ni Pa ngulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino, naging positibo ang pagtingin ng mga Pinoy sa bawat aksyon ng gobyerno at nabawasan ang bilang ng mga pamilyang walang maialmusal o maisubong pagkain, pagsapit ng dapit-hapon, maging sa pananghalian. Bagama’t nanatiling milyones o mataas ang ‘hunger and poverty rate’ ng bansa, kailangang tanggapin ng mga kritiko, sa pangunguna ng mga ‘remnants’ ng nagdaang administrasyon, ang katotohanang naibaba ni PNoy ang bilang ng mga ‘walang makain’, katumbas ang tig-isang milyong pamilya kada buwan, simula Hulyo 1 hanggang Setyembre 30. Mula 21.1%, bumaba sa 15.9% ang pamilyang nagrereklamong “gutom at walang makain”, malinaw ang pagkabawas ng 3% -- nangangahulugang tatlong milyong pamilya ang maikukunsiderang umangat ang estado sa buhay dahil nakakain ng tama sa oras at hindi sumasala sa tatlong kainan -- ito’y epekto ng gumagandang ekonomiya at daang matuwid na tinatahak. Maging ang pamilyang nagsasabing ‘mahirap’ -- ito’y nabawasan ng 2% dahil bumaba sa 48% nakaraang tatlong buwan kumpara sa 50% bago bumaba si Mrs. Arroyo sa Malacañang. Take note: ‘above 20% average’ ang Pilipinas sa hunger and poverty rate sa loob ng tatlong buwan, as in pinakamababang naitala ang 15.9% -- isang pagtutuwid na ginawa ni PNoy. Kahit double-digit ang hunger figures ng Pilipinas, simula Hunyo 2004, naging katamtaman o ‘moderate’ ang bawat numero. Ang bilang ng mga pamilyang kumakain lamang ng isang beses kada araw -- ito’y bumaba sa 12.9% mula 17%, katumbas ang 2.4 milyong pamilya. Maging ang pamilyang nagsabing ‘madalas walang makain’ -- ito’y nabawasan ng 3.1% (575,000 families). *** Napag-usapan ang hunger and poverty rate -- sa kabuuan ng geographical areas, pinakamalaking pagbabago ang numero sa Mindanao region -- mula 26%, ito’y naibaba sa 16.3%, as in ‘nakakain na ngayon’ ang 700 libong pamilyang naunang na-survey ng SWS at nagrereklamong gutom. Katulad ng Mindanao, nabawasan ng 6% ang nagsasabing ‘gutom at walang makain’ sa Visayas region dahil bumaba sa 15.3% (580,000 families), maging sa Balance of Luzon -- bumaba sa 14.7% (1.2 million families) o natapyasan ng 4% habang 20.3% (507,000 families) sa Metro Manila na nabawasan ng 2% ang nagrereklamong hindi makapag-avail ng 3-times meal. Ang suma-tutal ng ‘moderate hunger’, bumaba sa 13.3% mula 21% sa Mindanao region; 11.7% mula 27.3% sa Visayas; 12.3% mula 14% sa Balance Luzon at 15.7% mula 19% sa Metro Manila. Maging ang tinatawag na ‘self-rated poverty’ sa Luzon, ito’y bumaba sa 40% mula 44% at bumaba sa 53% mula 56% sa Mindanao. Ibig sabihin, nakakasapat ngayon ang buwanang kinikita ng mga pamilya nito. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com
|
No comments:
Post a Comment