Friday, October 22, 2010

Hinagupit ni PNoy!

Hinagupit ni PNoy!
Rey Marfil


Sa pananalasa ng bagyong Juan, hindi lang ‘winalis at hinagupit’ ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang mga kritiko at ‘fanatics’ ni ex-PAGASA chief Frisco Nilo kundi napahiya sa kaliwa’t-kanang pagbatikos sa Malacañang, aba’y napatunayang nadiskubreng mas agresibong mag-trabaho at accurate ang pagtaya sa bagyo ng mga batang empleyado.
Kung walang nasampolan sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ayokong isiping mas kalunos-lunos ang sinapit ng mga taga-Isabela sa pananalasa ni Juan (international name: Megi), aba’y sablay ang international weather forecast dahil Cagayan province ang sinasabing tutumbukin ni Juan — dito nasubukan ang husay at pagta-tiyaga ng mga batang ‘weather man’.
Ngayong umeskapo sa Philippine area si Juan, pinakamamagandang gawin ng mga taong sumasakay sa pagkakasibak ni Nilo — ito’y manahimik at i-zipper ang kanilang bunganga kung wala rin lang magandang sasabihin lalo pa’t napatunayang mas epektibo ang pagpapalabas ng weather bulletin kada oras.
Sa mga naunang nagduda sa aksyon ni PNoy — kung hindi pinabago ang makalumang sistema sa PAGASA at patuloy tayong umaasa sa weather bulletin kada anim na oras, hindi nabantayan ang pagbago ng direksyon ni Juan. At kung nagkataon, hindi nakalikas ang mga taga-Isabela.
Siguro naman hindi kalabisan at lalong hindi kabawasan ng pride o pagkalalaki sa hanay ng mga kritiko ni PNoy kung papurihan ang national government at local government units (LGU’s) dahil epektibo ang ginawang paghahanda kay Juan, maliban kung sadyang ‘utak-talangka’?
Ang nakakalungkot, hindi pa rin maiwasang magbuwis ng buhay ang ilan natin kababayan, gaano man kahanda at kahaba ang preparasyon ng pamahalaan kay Juan. Sa panibagong pagsubok at kalamidad, tayo’y umaasa sa ‘zero casualty’ na pinapangarap ng bawat isa. Ika nga ni PNoy: “Bawat buhay ay mahalaga, ito’y kailangang pag-ingatan at pahalagahan’.
***
Napag-usapan si PNoy, naging laman ng balita ang alegasyong ‘no show’ sa 9:00 am meeting ng National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC) noong Lunes. Ang katotohanan, hindi kailangang dumalo sa meeting si PNoy lalo pa’t 2:00 p.m. ang ‘arrival’ ni Juan sa Pilipinas.
Sa kaalaman ng publiko, wala sa original schedule ni PNoy ang pagdalo sa NDRRMC meeting — ito’y nakalistang ‘posible lamang’. Ibig sabihin, walang katiyakang dumalo lalo pa’t meron naka-iskedyul na 10:00 a.m. sa Malacañang. Ika nga ni Mang Gusting na kapitbahay ni Mang Juan, paano makakabalik ng sakto sa oras si PNoy upang pangasiwaan ang Anti-Poverty Cabinet Cluster Meeting kung bawal ‘mag-wangwang’?
Dahil naipagbigay-alam sa Malacañang Press Corps (MPC) ang posibleng pagdalo ni PNoy sa 9:00 a.m. NDRRMC meeting — ito’y isinama sa text brigade at nag-request ng press vehicles ang MPC. Take note: ‘mortal sin’ sa isang reporter ang ma-iskupan ng istorya kaya’t kailangang tumambay ng Camp Aquinaldo — ganito lang kasimple ang nangyari sa ‘no show story’ ng ilang media. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy nyo.” (mgakurimaw.blogspot.com

No comments: