Hindi kailangang Ateneo o UP graduate para maintindihan ang ‘lovelife’ ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino -- ito’y malayang makipagrelasyon at hayag sa publiko ang estado ng buhay bago pa man tumakbong kongresista, maupong senador hanggang manalong Pangulo, as in sinuman ang matipuhan nito’y puwedeng diskartehan, maliban kung binago ang kahulugan ng katagang bachelor, soltero o single. Kahit sino pa sa hanay ng mga obispo at kapariang ‘napaso’ sa Reproductive Health (RH) bill, walang magagawa kung makitang kumakain sa restaurant si PNoy at may babaing ka-holding hands o kahit pa ka-kissing scene. Take note: Higit na may karapatang manligaw at maki pag-date si PNoy kumpara sa mga kalalakihang nagkukunyaring binata at itinatago sa bulsa ang wedding ring pagkalabas ng gate. Ang malaking problema lamang ni PNoy, ito’y hindi makakatipid, as in mas magastos ngayong nakaupong Presidente kaysa panahong nag-opisina sa Batasan Complex at Senate, aba’y sangkaterba ang pakakaining Presidential Security Group (PSG) kapag meron ka-date, ala ngang puro tubig ang order ng mga security lalo pa’t ba wal kay PNoy ang hindi kumain? Anuman ang nangyari sa pagitan ni Valenzuela Councilor Shalani Soledad, ito ba’y cool off o break, siguro nama’y kailangan din ni PNoy ng ‘media break’ sa lovelife. Iyon nga lang, mas makakaagaw ng banner ang pakikipag-date kaysa anumang government policy lalo pa’t kakambal ng bawat Pinoy ang intriga at tsismis. *** Napag-usapan ang break-up, ngayong humihingi ng konting konsiderasyon at pang-unawa si PNoy kung hindi masagot ang isyu sa ‘love story’ lalo pa’t ayaw magsalita ni Shalani, hindi marahil kalabisan kung pagbibigyan ng media o ibalato ang ‘simple request’ ng tinaguriang Simple President, maliban kung mismong Pangulo ang magboluntaryo ng mga details? Lantad sa kaalaman ng nakakarami, mapa-embedded reporters at closed friends, maging Malacañang Press Corps (MPC) na kahit apat na buwang pa lamang nakakasalamuha ni PNoy sa coverage, ito’y walang itinatago sa katawan, hindi marunong magsinungaling at napaka-transparent, anuman ang topic. Kaya’t madalas ‘lumalaki ang tainga’ ng mga reporter kapag nagpapatawag ng ‘get together’ o dinner si PNoy, mapa-out of town o foreign trip, aba’y pang-isang linggo ang topic at siguradong headline ang mga ibinubo luntaryong detalye. Ibig sabihin, napakadaling mabasa sa ‘body language’ kung ‘in-love’ o bad trip. Mula noon hanggang ngayon, napaka-transparent ni PNoy sa sarili, walang nabago sa pag-uugali, maliban sa bagong salamin at magandang tabas ng formal wear, hindi kagaya sa nakaraang campaign sorties na bumababa ang pantalong maong kapag nasa stage. Naroon pa rin ang ‘killer smile’ ni PNoy kahit sandamakmak ang problema at gabundok ang pinipirma hang papeles sa office. Hangga’t maaari, ayaw ni PNoy na makasakit ng damdamin, gaano man kababa o kataas ang estado sa buhay ng ka-deal -- ito sana’y ‘ma-gets’ ng ilang taong nagmamagaling at nagpapakunsumi kay Simple President. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment