Sa nagdaang 9-taon, tanging 8% ang nasakop ng Philhealth cards, as in apat lamang sa bawat limampung (50) pas yente ang masuwerteng nakinabang sa programa ng gobyerno, ito’y kabaliktaran sa 3-buwang administrasyon ng “Simpleng Pangulo” dahil limang milyong mahihirap ang paunang nakinabang sa ipinangakong pagbabago at daang matuwid ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa nakaraang eleksyon. Kahit balwarte ng kalaban sa pulitika ang Baseco Compound — ito ang unang binagsakan ni PNoy ng 800 piraso ng Philhealth card. Ibig sabihin, walang pulitika kay PNoy kahit pa sinuportahan ng mga taga-Tondo sina ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada at ex-Senate President Manuel ‘Manny’ Villar Jr., dahil mas mahalaga ang interes at kapakanan ng nakakaraming Pilipino. Nakaraang kampanya, naging ‘battle cry’ ni PNoy ang pagkaloob ng Philhealth card sa lahat ng pamilyang mahihirap. Take note: ‘Bawal magkasakit’ sa Pilipinas dahil lahat ng perang naitatago, ito’y nailalabas— isang katotohanang hindi makayanan ng pamilyang hilahod sa buhay dahil walang perang mailalabas at umaasa lamang sa himala kung gaga ling ang kanilang anak na kahit pambili ng aspirin, ito’y ipapangutang sa tindahan. Keysa pag-initan ang Reproductive Health (RH) bill at posibleng pamumudmod ng condom ng estado, bakit hindi tulungan ng mga nagkukunyaring ‘righteous sector’ na ipain tindi sa publiko kung bakit namimigay ng Philhealth card si PNoy at huwag nagbubulag-bulagan sa katotohanang konektado sa paglobo ng populasyon, maliban kung sasagutin ang pagpapagamot? Nakakalungkot isiping umapaw ang garapon ng mga ‘ex-officials’ sa kananakaw sa nagdaang 9-taon subalit hindi man lamang napag-isipang amutan ng konting pondo ang Philhealth card — ito’y napakalayo kay PNoy dahil sa maikling panahon, unti-unting tinutugunan ang health benefits ng mga mahihirap. Mantakin n’yo, tanging 50% ng Philhealth members na pumapasok sa private hospitals ang nakakapag-avail, mas malala sa public hospital dahil 24% lamang ito. Ang pinakamasakit sa lahat, kinasangkapan ang Philhealth card noong 2004 election upang ligawan ang mahihirap, maliban kung nagka-amnesia ang ‘ex-Housemate’ ng MalacaƱang at ilan pang remnants. Kahit itanong n’yo pa kay ex-Philhealth President Francisco Duque, ngayo’y chairman ng Civil Service Commission (CSC). Kaya’t manahimik ang mga nang-iintriga sa pagkain ng hotdog at burger ni PNoy sa Amerika dahil bahagi ng $434 bilyong US aid ang $2.7 bil yong nakalaan sa health program. *** Napag-usapan ang Philhealth card, magulo ang data sa actual non-insured indigent population kaya’t mismong si PNoy, hindi maintindihan kung 53% o 80%. At meron pang nagsasabing 30%. Gaano man kakaunti o kadami ang mahirap, iisa lang ang malinaw, ito’y ‘na-excommunicate’ sa health services at nalihis sa bulsa ng mga corrupt officials ang pambili ng Biogesic at Tuseran. Mapakampanya, State of the Nation Address (SONA) at hanggang ngayon, hindi nagbabago ng tono si PNoy, hindi magagamit sa anumang kabulastugan ang pondo ng gobyerno at magkakaroon ng Philhealth card ang 5 milyong Pinoy sa unang 3-taon, nangangahulugang 10 milyong mahihirap ang makakaranas ng “Alagang PNoy” bago tuluyang magtapos ang termino sa Hunyo 30 2016. Sa kabuuan, ‘leadership by example’ pa rin ang susi kung bakit naumpisahan ang “Philhealth Sabado program’ ng Departments of Health, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), local government units (LGUs) at volunteer organizations, ito’y alinsunod sa kumpas ni PNoy. La ging tandaan: ‘Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo’ (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment