Monday, November 1, 2010

Panalo si PNoy

Panalo si PNoy
Rey Marfil


Hanoi, Vietnam --- Sa lahat ng dumalo sa 17th ASEAN summit, pinakamasuwerte ang Pilipinas, aba’y ipinagkaloob ng Japan ang P21.4 bilyong infrastructure development fund gayong nagsisimula pa lamang si Pa ngulong Benigno ‘PNoy’ Aquino nagpapakilala sa mga counter-part nito. Take note: Tawag lang sa petsa kung kailan pauunlakan ang state visit invitation.
Walang pinag-iba sa pagbubukas ng klase tuwing H unyo ang ASEAN summit — isang taunang pagtitipon ng mga dayuhang lider sa Asya para lubusang magka­kilala at palakasin ang pagkakaibigan at relasyon ng bawat isa. Kaya’t nakakatuwang makita si PNoy, ka-jamming palabas ng conference room ang lider ng Thailand, Indonesia, Australia, New Zealand at Singapore na parehong nag-imbitang dumalaw dito.
Sa Philippine version — ‘barkadahan’ ang ASEAN summit kaya’t napaka-palad ng mga Pinoy dahil ‘ora mismo’ ipinarating ni Japanese Prime Minister Naoto Kan kay PNoy ang agarang pag-apruba sa P21.4 bilyong official development assistant (ODA) gayong ilang araw pa lamang naipadala ng Philippine government ang dokumento sa Japan, as in hindi pa nag-init ang papel sa lamesa.
Napakahalaga ang bilateral meeting — dito inila-lobby ang interes ng bawat isa. Sa bansang mahihirap at pinamugaran ng katiwalian sa nagdaang panahon, katulad ng Pilipinas, hindi lang pakiusap ang kailangang gawin upang pagkatiwalaan ng counter-part bagkus matinding pagro-rosaryo para mapagbigyan.
Walang pinag-iba sa isang tindahan ang sitwasyon ng Japan at Pilipinas — paano pauutangin kung mahaba ang listahan at hindi nababawasan? At paano din tutulungan ang isang taong naghihirap kung hindi naman tinutulungan ang sarili para i-angat ang buhay, alangang puro hingi lang?
Ibig sabihin, isang malaking bonus sa Pilipinas ang pagkaka-apruba ng Japanese government sa P21.4 bilyong infrastructure development fund dahil ‘getting to know each other’ lamang ang misyon ni PNoy sa 17th ASEAN summit. Ganito katindi ang kumpiyansa ng mga dayuhan kay PNoy at bilib sa ‘matuwid na landas’ ng bagong administrasyon.
***
Napag-usapan ang ASEAN summit, mismong si PNoy, hindi maitago ang kasiyahan sa harap ng media delegation, ilang minuto matapos ang bilateral meeting sa pagitan ng Japan. Kahit ipinasa kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Secretary Ricky Carandang ang pagsagot, panay ang sabad sa ambush interview kapag kulang ang detalye nito.
Hindi lang iyan, ipinangako ng Japanese government ang pagtulong sa mga Pinoy nurses, sa pamamagitan ng pagtuturo ng Japanese language bago pa man ipadala sa kanilang bansa — ito’y preparasyon sa kukuning na tional examinations kapag nakapasok sa Japan ang mga ito.
Ngayong nakabalik ng Pilipinas, hindi malayong akusahang namalimos sa ASEAN summit o kaya’y ibinenta ang boto lalo pa’t ipinangako ni PNoy ang suporta sa United Nations Security Council bid ng Japan sa 2016 hanggang 2017 gayong kapakinabangan sa nakakara ming Pilipino ang inisip ng Pangulo at hindi naman ibubulsa ang P21.4 bilyon, katulad ng nakaugalian sa nagdaang panahon. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

1 comment:

Anonymous said...

Hindi lang iyan, ipinangako ng Japanese government ang pagtulong sa mga Pinoy nurses, sa pamamagitan ng pagtuturo ng Japanese language bago pa man ipadala sa kanilang bansa — ito’y preparasyon sa kukuning na tional examinations kapag nakapasok sa Japan ang mga ito.
polyester cotton twill fabric
polyester cotton twill