Monday, October 25, 2010

‘Biyaheng matipid’ ni PNoy!

‘Biyaheng matipid’ ni PNoy!
Rey Marfil


Alas-7:20 ng umaga bukas, naka-iskedyul si Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino lumipad patungong Vietnam -- ito ang kauna-unahang state visit simula ng maupo sa Malacañang, alinsunod sa imbitasyon ni Vietnam Presi dent Nguyen Minh Triet, na ngangahulugang kargo ng dayuhang bansa ang gastusin ng Philippine delegation, ma liban sa 17th ASEAN summit.
Kung tutuusin, puwedeng magbitbit ng sangkaterbang delegasyon si PNoy lalo pa’t ‘sagot’ ng Vietnam government ang state visit subalit suriin ang listahang kasama sa biyahe -- ito’y nanati ling kakapiranggot at mahigpit ang tagubilin ng Pangulo -- kailangang magtipid at tanging working staff and offi cials ang lilipad sa Hanoi. Take note: dalawang opisyal lamang ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) ang representatives -- isang Assistant Secretary (Asec) at Director III.
Sa US trip ni PNoy nakaraang Setyembre, tanging P25 milyon ang ginastos ng gobyerno subalit 43 libong trabaho at $2.4 bilyong investment para sa loob ng tatlong taon ang naiuwi ng Pangulo -- ito’y napakalayo sa P80 milyong winaldas ng pinalitan sa puwesto sa kaparehong event noong 2009 United Nations (UN) General Assembly sa New York.
Maliban sa state visit, napakahalagang makaharap ni PNoy sa ASEAN summit ang iba’t ibang lider -- isang paraan upang maitulak ng Pilipinas ang ‘key initiatives’, katulad ang maritime security, promotion of human rights, climate change, pangangalaga sa migrant workers, paglaban sa tero rismo at transnational crimes, maging ang disaster management lalo pa’t paboritong pas yalan ng bagyo ang Pilipinas.
***
Napag-usapan ang state vi sit, isang arrival ceremony sa Noi Bai International Airport (Hanoi) ang naka-iskedyul sa pagdating ni PNoy bukas (Martes), ganap alas-12:00 ng tanghali -- ito’y sasalubungin ng Vietnamese Cabinet members, sa pa ngunguna nina Deputy Minister of Foreign Affairs Dao Viet Tung, Chief of State Protocol Mai Phuoc Dzung, External Relations Department Director-General Nguyen Vu Ha Le, at Department of Southeast Asia director-general Tran Hai Hau.
Pagkatapos ng arrival rites sa Hanoi airport, isang arrival honors o welcome ceremony ang ipagkakaloob kay PNoy sa Vietnam Presidential Palace -- ito’y magkakaroon ng photo session, kasama si President Nguyen Minh Triet, alas-2:40 ng hapon, kasunod ang official bilateral meeting (3:00 p.m.), at panghuli ang singing ceremony (4:00 p.m.).
Mula Presidential Palace, makikipag-meeting si PNoy kay Prime Minister Ngu yen Tan Dung sa Government House (4:15), at panghuli ang meeting kay Secretary Gene ral Nong Duc Manh ng Central Committee of the Communist Party of Vietnam sa Gene ral Secretary Office, 5:30 ng hapon. Ibig sabihin, ‘trabahong-kalabaw’ si PNoy sa buong mag hapon pagka-tuntong ng Vietnam dahil tatlong lider ang ‘bubusinahan’ sa isang lakaran.
Pagkatapos ang bilate ral meeting sa tatlong Vietna mese leader, kailangang bumalik ni PNoy sa Grand Plaza Hotel upang maghila mos, as in ‘mag-refresh’ -- dito pa lamang makakapag-relaks ang Pa ngulo dahil meron inihandang state banquet si President Ngu yen Min Triet sa Banguet Hall, Government Guest House, nangangahulugang alas-10:00 ang pinakamahinang oras ng uwi ni PNoy sa tinutuluyang hotel at kinabukasan -- ito’y kailangang gumising ng alas-8:00 ng u­maga dahil meron wreath-laying ceremony sa Ho Chi Minh Mausoleum, alas-9:00 ng umaga. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy nyo.” (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: