Kahit magta-tumbling sa kahabaan ng Edsa ang lahat ng kritiko ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino III para mapansin ng publiko, sa pangunguna ng mga nasanay sa likong daan ng nakaraang administrasyon, ito’y magpapagod lamang lalo pa’t gumaganda ang ekonomiya sa maikling panahon. Pinaka-latest development ang pagkakabura ng Pilipinas sa ‘gray list’ ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) -- ito’y listahan ng mga tinaguriang ‘tax havens’, nangangahulugang epektibo at pinagtitiwalaan ng buong mundo ang aksyon ni PNoy sa money laundering activities at tax evaders. Sa nagdaang administrasyon, isang malaking kahihiyan sa Pilipinas ang mapabilang sa ‘gray list’ ng OECD -- ito’y bunga ng kaliwa’t kanang katiwalian sa gobyerno. At makalipas ang tatlong buwan, umangat sa list of jurisdiction. Ibig sabihin, nakatugon sa pandaigdigang pamantayan sa buwis ang administrasyong Aquino at epektibo ang paghihigpit nito. Sa ikalilinaw ng isyu, nagawang baligtarin o baguhin ng administrasyong Aquino ang domestic legal restriction -- ito ang pangunahing daan upang maging bukas sa lahat ng bangko ang pagkuha at pagpapalitan ng impormasyon tungkol sa mga pinaghihinalaang bank transactions. Take note: Nakaka-3 months pa lamang si PNoy kaya’t mas marami pang ‘pagtutuwid ng daan’ ang asahan ng publiko. Makailang-beses sumumpa at nangako ang Pilipinas na aayusin at ipapatupad ang tax standard o pandaidigang pamantayan sa pagbubuwis subalit napako ang lahat, patunay ang walang katapusang illegal transactions at pagkakasangkot sa eskandalo ng mga taong-gobyerno at puro ngiti lamang ang ginagawa ng ‘ex-House mate’ sa palasyo. *** Napag-usapan si PNoy, nakakatuwang isiping hindi man lamang tinamaan ng ‘jet lag’ mula Estados Unidos, ito’y kaagad sumabak sa trabaho, pinaka-latest ang pagdalaw sa tatlong law students na biktima ng pagsabog sa De La Salle University noong nakaraang Linggo, kasama sina Presidential Communications Operations Office Sec. Herminio ‘Sonny’ Coloma at Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Sec. Ramon ‘Ricky’ Carandang. Ang tatlo sa 47 biktima ng La Salle blast -- sina Raissa Laurel (San Sebastian); Joana Ledda (San Beda) at Camille Villasin (San Beda), ito’y personal na dinalaw ni PNoy at hindi man alintana ang pagod sa 7-day trip sa New York at San Francisco. Iyan ang advantage ng binatang Pangulo dahil 24-oras bukas sa trabaho at posible rin pag-selosan ng esmi dahil puro overtime ito. Kaya’t huwag ikagulat kung iwanan ng girlfriend lalo pa’t simula July 1, ‘kasal sa Inang Bayan’ si PNoy at hindi pa kailangan ang presidential wedding sa loob ng 6-year term nito. Sa dami ng trabaho, hindi nakakagulat kung ‘no time for love’ si PNoy at manatiling binata ito, aba’y mahirap madagdagan ng kapamilya, kapatid at kapuso -- ito ang pinag-uugatan ng intriga sa palasyo lalo pa’t ‘pumapapel’ sa maraming government transaction ang mga kamag-anakan ng nakaupong First Couple, katulad noong nakaraang administrasyon. Kaya’t ang tanong ng mga kurimaw: Gugustuhin n’yo bang manatiling ‘Bachelor President’ si PNoy at ipako sa pangarap ang magtira ng esmi sa Bahay Pangarap na inuuwian nito? Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment