HANOI, Vietnam --- Apat na memorandum of agreements (MOA) ang nilagdaan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino sa kauna-unahang state visit na kinapapalooban ng Academic Coope ration, Defense Cooperation, Oil Spill Preparedness and Response, at Search and Rescue at Sea. Ika nga sa Bibliya, ‘walang sinumang nabubuhay para sa sari li lamang’. Ngayong umaga, isang wreath-laying ceremony sa Monument of National Heroes and Martyrs ang pangungunahan ni PNoy -- ito’y tradisyon, sinumang lider ang dumalaw sa isang bansa kaya’t huwag ipagtaka kung bakit nag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Gat Jose Rizal ang mga bumibi sita sa Pilipinas. Isa pang wreath-laying ceremony sa Ho Chi Minh Mausoleum ang iskedyul ni PNoy, kasunod ang pakikipag-meeting sa mga negosyante at magtatapos ang 2-day state visit ngayong gabi, kasama ang Filipino community, sampu ng overseas Filipino workers (OFWs). Sa Huwebes, magsisimula ang 17th ASEAN summit at isang ASEAN Working Lunch ang dadaluhan ni PNoy, kasama ang ASEAN Business Advisory Council (ABAC), kasunod ang ASEAN Leaders Retreat at Informal Working Dinner of ASEAN Leaders. Ibig sabihin, napakahalaga ang pakikipag kaibigan sa mga kalapit-bansa, hindi iyong puro kabig lamang. *** Napag-usapan ang ASEAN summit, ilan pang nakalistang agenda na itutulak ni PNoy ang ASEAN Connectivity; Contributing to a Nuclear Weapons-Free World; ASEAN Centrality; Conservation of Biodiversity; ASEAN Cities of Culture at Competitiveness in ASEAN and the World. Ang lahat ng ‘key initiatives’ -- ito’y ila-lobby ni PNoy sa 13th ASEAN Plus Three (APT) Summit kung saan makakaharap ang mga lider ng China, Japan, at Korea, maging sa 5th East Asia Summit (EAS), kinabibilangan ng Australia, New Zealand at India. Isa sa pinaka-highlights sa APT Summit ang kahalagahan ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) -- ito’y layuning matugunan ang pangangailangan sa bigas ng bawat rehiyon at maiwasan ang food shortage o magkaroon ng food security. Sa kaalaman ng publiko, itinatag ang ASEAN noong Agosto 1967 sa Bangkok, Thailand -- dito nilagdaan ang Bangkok Declaration, mas kilalang ASEAN Declaration -- kinabibilangan ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore at Thailand. Noong Enero 8 1984, sumama ang Brunei Darussalam sa ASEAN Summit, kasunod ang Vietnam noong Hulyo 28, 1995 habang ang Laos at Myanmar noong Hulyo 23, 1997 samantalang Abril 30, 1999 ang Cambodia. Sa 5th East Asia Summit (EAS) ngayong Sabado bilang bahagi ng 2010 ASEAN summit, magkakaalaman kung kikilalanin bilang ‘full members’ ang Russia at United Estates of America (USA) sa 2011 ASEAN Summit. Sa kabuuan, matunog ang senaryong pagiging full members ng Russia at Amerika sa 6th EAS Summit lalo pa’t parehong dadalo sa pagtitipon sina Russian Foreign Minister Sergie Lavrov at US Secretary Hillary Clinton ngayong Sabado. La ging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment