Mas matitindi pang pagbatikos at demolition job ang kahaharapin ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino nga yong sisimulan ng Truth Commission ang pagkalkal sa mga duming iniwan ng nagdaang administrasyon lalo pa’t pakalat-kalat pa rin sa iba’t ibang departamento at sangay ng gobyerno ang mga ilang remnants nito. Kaya’t maghanda si ex-Supreme Court (SC) chief Hilario Davide Jr., hindi lang almeres kundi gilingan ng palay ang inihanda ng mga kalaban upang durugin at tanggalan ng krebililidad bilang timon ng Truth Commission, anumang oras magsimula ang imbestigasyon. Maliban kay Davide, kailangang ‘get ready to rumble’ ang iba pang miyembro ng Truth Commission -- sina Carlos Medina Jr., Flerida Ruth Romero, Romeo Callejo at Menardo Guevarra. Sa ngayon, dalawampu’t-tatlong kaso ang nasa initial list ng komisyon, nangangahulugang maraming maimpluwensyang nilalang ang tatamaan sa paggulong ng imbestigasyon. Sa pag-usad ng imbestigasyon, masusubukan kung gaano katibay ang dibdib ng isang “Hilario Davide Jr.” lalo pa’t itinuturong susi sa legalidad ng presidency ni Mrs. Arroyo at nagsilbing ambassador nakaraang admi nistrasyon — ito ang binabantayan ni Senate pro-tempore Jose ‘Jinggoy’ Estrada Jr. Kundi nagkakamali ang mga kurimaw, No. 1 list ng Truth Commission ang NBN-ZTE deal kaya’t abangan ang pagbabalik ni ex-Comelec chairman Benjamin Abalos sa hot seat, malay n’yo, mas malinaw ang pagsabi ng “Sec, may P200 (milyon) ka dito”. *** Napag-usapan si Jinggoy, maraming mediamen ang nakapansin sa kakaibang porma ng senador -- ito’y nagmukhang tinedyer at naglahong parang bula ang mga bilbil, animo’y naghahanda sa mas malaking laban sa 2016. Kantiyaw ang inabot ni Jinggoy sa 25th induction ceremony ng mga opisyal ng CAMANAVA Tri-Media Press Corps, ginanap sa Manila Pavilion Hotel nakaraang Oktubre 15, Biyernes ng gabi. Si Jinggoy ang guest speaker ng CAMANAVA Press Corps at isang karangalang makasama ang senador sa induction ceremony lalo pa’t kauna-unahang regular beat assignment ng inyong lingkod ang Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela noong 1994. Ang biro nga ni Mang Gusting ‘ang hindi marunong lumingon sa pinanggalinan, kung matinik ay malalim’. Nakakatuwang isipin, makalipas ang 16-taon, edad lamang ang nabago sa hanay ng mga mediamen nagko-cover sa CAMANAVA area at hindi pa rin kumukupas si Arlie Calalo -- ito’y balik-Presidente ng press corps, maging si Tiyong Grande Del Prado (Journal) pinaka-senior sa beat, aba’y buhok lang ang nabawas dito. Ang anak ni Tyong Grande - si Rommel, ngayo’y last termer baranggay councilor, ito’y kumpare at classmate sa Lyceum of the Philippines. Sa induction rites, makailang-beses binirong “Next President” si Jinggoy sa 2016. Sabagay, may katwiran ang kantiyaw ni Arlie lalo pa’t dalawang anak ng ex-President ang naupong Pangulo - sina Mrs. Arroyo at PNoy. Maging inyong lingkod, hindi rin nakaligtas kay Jinggoy at binalikan ang naisulat na blind item. In fairness, sadyang matulungin si Senator Jinggoy, katulad ng amang si ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada. Sa kaalaman ng publiko, hindi nagdalawang-isip ang senador nang ilapit ang hinihinging covered court ng aking mga kanayon sa Barangay Agnipa, Romblon, Romblon -- ang namumukod tanging covered court sa Romblon province. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
|
No comments:
Post a Comment