San Jose, California USA --- Kahit anong gawing pang-iintriga ng mga pulitikong nasanay sa maluhong buhay ng nakaraang administrasyon, mas epektibo ang pagkain ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ng bur ger at hotdog keysa nagmamantikang steak sa Le Cirque Resto, malinaw ang $2.8 bilyong investment na ‘pasalubong’ sa mga Pinoy, hindi pa kabilang ang libu-libong trabaho. Hindi barya ang numerong nakolekta ni PNoy sa 7-day trip sa Estados Unidos, pinakamalaki ang $1 bilyong ‘renewable energy’ na naisara ni Department of Energy (DOE) Sec. Rene Almendras. Take note: nabawasan ng timbang si Sec. Almendras, hindi dahil puro burger at hotdog ang kinain ng Philippine delegation kundi sa walang kapagurang pagtatrabaho, animo’y ordinaryong staff sa bawat activities ni PNoy. Sa US trip ni PNoy na ginastusan lamang ng P25 mil yon kumpara sa P80 milyon ni Mrs. Gloria Arroyo ng nakaraang taon, hindi nasayang ang bawat sentimong ginastos ng gobyerno, aba’y nagtrabaho ng maayos ang buong delegasyon at napakinabangan ang talent ng mga gabineteng isinama sa eroplano. Kahit nakakapagod ang biyahe lalo pa’t kapos sa staff ito, walang naitalang kapalpakan ang delegasyon at hindi naman kasalanan ng Philippine go vernment kung nabaliktad ang flag sa US- ASEAN meeting. Bagama’t masamang pakinggan ang pagbubuhat ng bangko, hindi kalabisan kung ibalato ng publiko ang pagkakataong papurihan ang buong delegasyon ni PNoy -- ito’y nagtrabaho ng halos 24-oras, simula Day 1 sa New York hanggang umalis ng San Francisco California noong Linggo at mag-arrival speech sa Ninoy Aquino International Airport. *** Napag-usapan ang US trip, hindi kasya ang buong kolum upang idetalye ang pagtrabaho ni PNoy, as in isang himala ang malaking investment na nakuha lalo pa’t pa tuloy na nangunguluntoy ang ekonomiya ng Estados U nidos -- ito ang pinakamalaking hamon (recession) sa liderato ni US President Barack Obama na gustong humirit ng ikalawang termino. Mismong si PNoy, pilit iniiwasang sagutin ang katanungan kung ilang trabaho ang maiuuwi sa Pilipinas lalo pa’t nakakaranas pa rin ng recession ang Amerika, isang halimbawa ang State of California na ngayo’y malaking problema ni Governor Arnold Schwarzenegger. ‘Ika nga ni PNoy, mahirap ng mausog kaya’t hihintayin nitong mapisa at maging sisiw ang investment na ipinangako ng mga dayuhang investor. Kung media mileage o pogi points lamang ang puntirya ni PNoy, katulad ng nakaugalian sa mahabang panahon upang i-justify o bigyang-katwiran ang magarbong biyahe ng Pangulo, napakadaling ianunsiyo ni PNoy kung gaano kadami ang trabahong iuuwi sa Pilipinas subalit nagpakaingat ito. Saksi ang inyong lingkod kung gaano kadami ang mga kumpanyang nakalista sa summary report su balit pinigilang ianunsiyo sa media delegation. Sa mga nagtatanong ng eksaktong numero kung gaano kadami ang trabahong naiuwi at kung anong multi-national company ang mag-invest, mas mainam na panghawakan ang deklarasyon ni PNoy sa one-on-one interview ng GMA-7 sa San Francisco -- ito’y masayang uuwi ng Pilipinas dahil lagpas sa 10 libong trabaho ang pasalubong, hindi kabilang ang $434 milyong anti-poverty aid ng Kano. Kumbaga sa burger steak, hindi ‘medium rare’ ang pagkakaluto kundi ‘well done’ ang resulta ng US trip ni PNoy at hindi binigla sa apoy, katulad sa mga biyahe ng nagdaang administrasyon. Kaya’t laging tandaan: ‘Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.’ (mgakurimaw.blogspot.com)
|
2 comments:
Τhe pοѕt hаѕ provеn useful to me personally.
It’s еxtremely informatiνe and уou're naturally quite well-informed in this area. You have exposed my personal sight to different thoughts about this subject using intriquing, notable and sound written content.
My blog; buy viagra online
kyrie 7 shoes
paul george shoes
yeezys
calvin klein
supreme shirt
yeezy 500 blush
nike sb dunk low
supreme clothing
yeezy 500
canada goose jacket
Post a Comment