Ang bagong gimik ni Donya Consuelo, as in Jamby Madrigal-Valade, kasama ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), People for the Ethnical Treatment of Animals (PETA) at iba pang animal crusaders na ipagbawal ang Greyhound dog racing sa Pilipinas.
Ang reklamo ni Jamby -- inaabuso ang karapatan ng mga hayop at hindi dapat ginagamit sa sugal. Ang tanong ng mga kurimaw: Bakit pinapayagan ng gobyerno sa napakahabang panahon ang horse racing sa San Lazaro Maynila at nagawa pang ilipat sa Carmona Cavite?
Ayokong husgahan ang kaisipan ng mga animal crusader subalit paano ang karapatan ng mga tinale, aba’y weekly ang derby, mapa-Roligon Cockpit sa Pasay o tupada sa barangay. Anyway, tanging kauri ni Donya Consuelo at miyembro ng ‘alta-sociedad’ ang may kakayahang makabili ng Greyhound Dog kaya’t very expensive ang dog food, maging animal rights, hindi katulad ng askal, walang breeding at sinisipa sa kalsada.
Kung ‘cruelty to the animals’ ang tingin ni Donya Consuelo sa Greyhound Dog Racing, hindi ba’t mas masahol sa ‘cruelty’ ang katayan ng aso sa Metro Manila? Ni sa panaginip, ayokong isiping bias ang pagiging animal crusader ng best friend ni Mar Roxas dahil mas maraming askal, as in asong kalye ang tinatadyakan, hindi pinapakain ng amo at ginagawang pulutan kada araw subalit hindi magawang ipaglaban, maliban kung napatawad ang mga Askal sa Upper House?
***
Ala-Barack Obama ang campaign slogan ni Wow Dick Gordon subalit mismong sarili, hindi magawang baguhin, aba’y late sa housing probe ng Senate blue ribbon committee. Mantakin n’yo, kung anong gigil ipa-subpoena si Vice President Noli De Castro Jr., mismong misis ni ex-Congw. Kate Gordon ang atrasado sa public hearing noong nakaraang Hulyo 28.
Ang usapan: 1:00 p.m. subalit pasado 1:30 p.m., wala pa rin si Gordon, maging si Pong Biazon, chairman ng committee on housing, ito’y atrasado sa public hearing, as in pinaghintay ng humigit-kumulang 30 minutes si De Castro, maliban kung pinanindigan ng dalawang senador ang pagiging “The Late Senator”.
Ang ipinagtataka ng mga kurimaw, naka-address ang Senate probe sa 53 libong delinquent housing loans ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) sa pagitan ng Deutch Bank Real Este Global Opportunities (Global) at joint venture sa Balikatan Housing Finance Inc. (Balikatan), alinsunod sa Senate Resolution No. 1094 ni Chiz Escudero, bakit inilihis ni Wow Dick sa TV ads ni De Castro ang isyu.
Kung gustong ipitin ni Wow Dick sa P500 milyon TV ads ng Pag-Ibig, bakit hindi naghain ng ibang resolusyon upang isalang sa hot seat si De Castro, at least hindi obvious na pinag-iinitan ang makakaagaw sa party nomination bilang standard bearer ng BAKLA, as in Bagong Lakas at Kampi?
Hindi lang iyan, kung anu-anong pasaring ang ginawa ni Wow Dick sa public hearing, maging sa ambush interview gayong nakasama si De Castro sa majority block noong 13th Congress, sa ilalim ng liderato ni ex-Senate President Franklin Drilon, animo’y walang pinagsamahan at hindi nagkakasabay mag-merienda sa Senate Lounge, maliban kung bad trip si Wow Dick San Miguel Beer (SMB) product?
Ni sa panaginip, ayokong isiping ‘inggit lang’ ang nararamdaman ni Wow Dick dahil ‘bagyo’ ang rating ni De Castro kahit walang deklarasyong tatakbo sa 2010, aba’y hindi uumubra ang pakikipag-photo ops sa mga dinukot ng Abu Sayyaf at kahit anong hugas ng kamay ang gawin sa TV ads, mas marami pa ang ‘limang tanda’ ng Safeguard commercial keysa percentage na nakuha sa SWS at Pulse! (mgakurimaw.blogspot.com)
5 comments:
comment,comment
It's very trouble-free to find out any matter on web as compared to textbooks, as I found this paragraph at this web site.
My web page - calories walking
jordan shoes
ralph lauren uk
nike cortez women
yeezy shoes
moncler sale
cheapjordans
jordan retro
golden goose deluxe brand
coach outlet online
michael kors outlet store
balenciaga speed trainer
jordan 12
balenciaga sneakers
pandora bracelet
supreme hoodie
kyrie irving shoes
curry shoes
kd shoes
lebron james shoes
kyrie irving shoes
bags replica gucci o97 t5o69u9v25 high quality replica bags j93 r6w62k3u87 replica louis vuitton s13 y0w79e0b47
Post a Comment