Wednesday, July 8, 2009

july 8 2009 abante tonite

Staff nangangalumata sa atrasadong gabinete
(Rey Marfil)

Kung nagkataong tumakbong senador at nanalo nu’ng nakaraang 2004 national election, nadagdagan ang mga tinaguriang ‘the late senator’ sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso, sa katauhan ng isang paboritong gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Sa report na nakalap ng TONITE Spy, mapa-Lower House o Upper House, may counterpart ang mga tinaguriang ‘the late solon’, patunay ang pagiging atrasado sa lahat ng lakad ng paboritong gabinete ni Mrs. Gloria Arroyo.

Kung sinasabitan ng ribbon ang mga late, katulad ng mga ‘most punctual’ sa elementarya at hayskul dahil maagang pumapasok sa klase, nakakasiguro ng gold medal ang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo sa pagiging pasaway sa Cabinet meeting.

Ang malupit sa lahat, hindi ordinaryong pagka-late ang naitatala ng paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo, hindi lamang sa Cabinet meeting kundi sa sariling komperensiya o monthly meeting ng mga department heads sa pinangangasiwaang opisina nito.

Hindi kalahating oras kundi halos isa hanggang dalawang oras nale-late sa sariling meeting ang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo at walang ibang pinaka-kawawa kundi ang mga department heads na ka-meeting dahil atrasado rin ang uwi ng mga ito.

Madalas umuuwi ng madaling-araw ang mga department heads kapag nagpapatawag ng monthly meeting o komperensiya ang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo dahil atrasado ang pagsisimula ng pulong kaya’t karamihan dito’y tinatanghali ng pasok kinaumagahan sa kanilang opisina.

Mismong katropa sa palasyo ng MalacaƱang ang nagbansag sa paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo bilang ‘the late Cabinet’ dahil wala pang dinaluhang Cabinet meeting na maagang dumating, as in palaging huli ang pasok sa kuwarto.

Dahil laging late ang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo, hindi maiwasang pagdudahang sinasadya para mapansin ng kanilang amo.

Clue: Mala-solar system ang career ng gabinete na palipat-lipat ng pwesto at naudlot ang senatorial bid noong 2004 lalo pa’t na-check ng oposisyon ang plano kahit mala-dikya ang ‘defense’ nito. Ito’y meron letrang “E” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in may Energy ka pa ba? (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: