Hindi natin babanggitin ang pangalan subalit usap-usapan ang ‘palakasan system’ sa Office of the Sergeant at Arms (SOAA), katulad sa overtime at deployment ng mga tauhan. Mantakin n’yo, isang araw lamang ang travel order subalit inabot ng 4-days, maliban kung pang-iintriga lamang kay retired general Jose Balajadia Jr., ang balitang kumakalat sa basement at parking lot? Sa simpleng explanation, nagtatrabaho ng off duty ang mga taga-OSAA.
Ang malungkot, hindi naman napakaimportanteng aktibidades ang pinuntahan ng senador dahil isang patimpalak lamang, as in beauty contest subalit apat ang security ang ibinigay ni Balajadia.
Kundi nagkakamali ang Spy, may petsang June 26 (Friday) ang travel order ng mga tauhan ni Balajadia at isang araw lamang ang usapan subalit hanggang kahapon (July 1), hindi pa rin nagre-report ang mga ipinadalang security personnel at meron pang balitang aabutin ng July 2 sa probinsya.
Hindi kuwestyon ang karapatang humingi ng security ng senador subalit malaking katanungan kung patas ang tratong ipinagkakaloob sa bawat nag-overtime at paano kung madisgrasya ang mga naka-off duty na tauhan, ito ba’y sasagutin ng Upper House, maliban kung meron ‘palakasan system’ kay Balajadia kaya’t nangyayari ang ganitong kalakaran? Ayaw pa naman ni Senate President Juan Ponce Enrile ng ganitong sistema!
***
Kung meron ‘palakasan system’ sa Upper House, mas malupit ang nangyayaring ‘resbakan blues’ sa ethics committee, pinakahuli ang complaint ni Atty. Elly Pamatong laban kina Mar Roxas, Chiz Escudero at Loren Legarda. Ang reklamo ni Spikes King: promotor ng premature campaign at labag sa code of conduct, as in unethical ang maagang pangangampaya ng tatlong presidentiable. At hindi man lamang nabanggit ni Spikes King ang senador na nagwaldas ng P321 milyong advertisement sa isang TV network!
Ang isa pang ipinagtataka ng mga naglipanang kurimaw sa Upper House, bakit wala rin sa listahan ni Spikes King si Manny Villar Jr., gayong numero unong highest spender sa premature campaign, gamit ang advertisement sa radyo,
elebisyon at peryodiko. Mantakin n’yo, halos lumuwa ang ‘buwa’ ng mga televiewers sa mala-kabuteng commercial ni Villar sa primetime slot, hindi man lang napansin ni Spikes King ang mukha ng mister ni Ma’am Cynthia, maliban kung nalihis din ng landas at naligaw si Spikes King patungong Upper House, katulad sa iniimbestigahang C-5 road scam?
Sinuman ang nasa likod ng inihaing ethics complaint ni Spikes Kings, walang ibang pagdududahan sina Chiz, Mar at Loren Sinta kundi kampo ni Villar lalo pa’t inabsuwelto ni Spikes Kings, maliban kung meron ‘premature verdict’ ang nuisance presidential candidate na naglalaro sa kanyang kaisipan na maaaring sapitin ng mister ni Ma’am Cynthia kaya’t ayaw nang dagdagan pa ang pasanin sa balikat ni Villar.
Kung hindi mabigat ang mga dokumento ni Jamby Madrigal para patunayan ang 18 pagkakasala ni Villar, bakit kailangan pang kunin ang serbisyo nina Tatay Nene Pimentel, Joker Arroyo at katukayo ni Joselito Cayetano bilang spokesman?
Ni sa panaginip, ayokong isiping may katarata si Spikes King, aba’y nabulag sa commercial ni Pia Cayetano gayong hindi naman kaputian ang labada sa Ariel detergent powder, maliban kung nahihiya sa katukayo ni Joselito Cayetano dahil ka-tropa ni Villar ito o kaya’y naduling sa Safeguard soap kaya’t hindi maayos ang pagkakabilang sa ‘Limang tanda’ ni Wow Dick Gordon. Maging sa ‘Pag-Ibig commercial’ ni Vice President Noli De Castro, hindi kaya namanhid sa impeach proceedings si Spikes King lalo pa’t ka-tropa sa Wednesday Group ni Manny? (mgakurimaw.blogspot.com)
2 comments:
comment, comment
b0d72f8u26 o9h36q4w26 z7m65f8d66 e8p01d3c74 f5z61m5i90 k6p05v9u97
Post a Comment