Friday, July 17, 2009

july 17 2009 abante

Presidentiable napikon sa ‘debate’

Sa harap ng alegasyong takbuhing manok o duwag sa harapang debate, isang presidentiable ang napikon sa press conference matapos uriratin ng mga reporter ang pag-iwas sa imbitasyon ng event organizer.


Hindi maitago ni Mang Teban na matawa dahil biglang nagbago ng timplada ang pagmumukha ng presidentiable makaraang ungkatin sa press conference ang pagiging ‘takbuhing manok’ sa nakatakdang presidential debate ng malaking television network, animo’y kalaban ni Batman si Mr. Two-face.


Tatlong beses naimbitahan sa mala-presidential debate ang presidentiable subalit walang katapusang ‘regrets’ ang naging kasagutan sa event organizer dahil dadalo sa birthday party.


Bago sumalang sa press conference, maaliwalas ang mukha ng presidentiable at makailang beses pang nagpapatawa subalit umasim ang mukha at mistulang nangulubot nang mapadako ang isyu sa pagiging ‘takbuhing manok’ sa presidential debate.


Pintahan n’yo na: Pera-pera ang ‘formula’ ng presidentiable sa paghahanap ng suporta sa mga pulitiko, mapa-media o kaya’y pagkuha ng senatoriables. Kung gabinete o senador, ipagtanong kay Matet ng Senado.

No comments: