Thursday, July 9, 2009

july 9 2009 abante tonite

Hamon kay Puno!
Rey Marfil


Mapa-vice presidentiable o political operator, isang Ronnie Puno ang kailangan ng boypren ni Korina Sanchez sa 2010 election. Kaya’t huwag ikagulat ang ‘Roxas-Puno tandem’, aba’y tatlong Presidente ang ‘naitanim’ ni Puno sa MalacaƱang -- sina President Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-A­rroyo.

Hindi isyu ang pakikipag-tandem ni Mar Roxas kay Puno --ito’y tumakbo at nanalong senador noong 2004 election sa ilalim ng K-4 Coalition. Ibig sabihin, dugong-admi­nistrasyon si Boy Pad­yak at malaking katanungan hanggang ngayon kung bakit nasa abroad ang boypren ni Ate Koring nang ‘mag-Gloria Resign’ ang Liberal Party (LP) noong 2005- sa panahon ni ex-Senate President Franklin Drilon bilang party President kung saan tumugtog ang Hello Garci tape!


Sa karakter ni Boy Pad­yak, hindi nakakasiguro si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson bilang running mate kahit sanggang-dikit sa majority bloc ang mga ito. Balikan ang political background ni Ro­xas, mas mahaba ang kanilang pinagsamahan ni Puno, mapa-media forum o cabinet meeting. Sa panahon ni Estrada, si Roxas ang DTI Secretary habang si Puno ang DILG Secre­tary.

Pagkaupo ng misis ni Jose Pidal noong Ja­nuary 20 2001, nagpatuloy ang saga ni Boy Padyak sa Department of Trade and Industry (DTI), animo’y reward sa pag-ober da bakod, katulad din ni Puno bilang DILG Secre­tary. Take note: Tatlong taon na nanilbihang DTI Secretary ni Mrs. Arroyo si Roxas, simula 2001 hanggang 2004!


Si Roxas ang isa sa u­nang ‘nang-iwan’ kay Estrada sa kasagsagan ng Impeachment Trial hanggang magka-Edsa Dos kahit ‘anak-anakan’ ang turing ni Erap sa boypren ni Ate Koring. Take note: Si Roxas ang pinaka-favorite senatorial candidate ni Estrada noong 2001 kundi napatalsik sa puwesto. Kundi nagkakamali ang Spy, nakasamaan pa ng loob ni Erap si Ate Koring at kailan lamang nagkabati ang mga ito.

Ibig sabihin: Walang masamang tinapay sa pagitan nina Roxas at Puno kaya’t hindi imposibleng mauwi sa “Roxas-Puno tandem” sa 2010 lalo pa’t iisa ang pinaglingkurang amo at kabisado ang likaw ng mga bituka nito. Isa pang “take note” -- parehong Atenista sina Ro­xas at Puno, kahit itanong n’yo kay DILG Assistant Secretary (Asec) Brian Raymund Yamsuan!
***
Napag-usapan ang DILG, bakit hindi paimbestigahan ni Asec Yamsuan ang pang-aabuso ng mga tauhan ng CIDG-WCPD (WACU) sa misis ni Senate reporter Jojo Sicat, aba’y pang-FAMAS ang ‘script’ sa kasong Human Trafficking. Paano kung walang Benny Antiporda ang National Press Club (NPC), kawawa sa kapulisan ang mga mediamen kahit nagni-negosyo ng legal, animo’y nagpa-flashback ang mga eksena sa ‘Failon tragedy’, ilang buwan ang nakakaraan.

Kundi nagawang basahan ng ‘Miranda rights’ ang misis ng isang reporter, ano pa kaya ang simpleng mamamayang nagtitinda sa sidewalk, maliban kung standing operating procedure (SOP) ni PNP chief Jesus Versoza ang mambraso at manakit ng mga negosyante? Kahit itanong n’yo pa kay birthday boy Che Rivera ng San Pablo City.


Hindi natin idi-detalye ang buong pangyayari suba­lit nakakalungkot isiping biktima ng ganitong harassment ang mga reporter. Mantakin n’yo, lehitimong nagnine­gosyo si Abigail Sicat, may-ari ng isang bar and grill sa Molino 2 Bacoor Cavite, ito’y ni-raid at kinasuhan ng human trafficking, slight physical injuries, at resisting arrest.

Kahit ibinasura ng piskalya ang kaso, hindi dapat palagpasin ni Versoza ang 13 tauhan ng CIDG-WCPD- sina Chief Insp. Emma P. Trinidad, Chief Insp. Lyndelgrace Lumawag, SPO3 Leopoldo B. Platilla, SP03 Leodegario C. Carillo, SP02 Dominador B. Osias Jr., P03 Robert Elolahan, P03 Angelino Tutuni, PO3 Veronica Villareal, PO2 Marie Anne Dela Cruz, SP03 Marenel Deo, SP03 Wemerra Jean D. Saldia, SP01 Rhona C. Loveres at SP02 Romeo Bello Vilan.

Ito’y malaking hamon sa liderato ni Puno at siguradong maba-bad trip si Asec Brian kapag nabalitaan ang pang-aabuso ng kapulisan, anumang oras nakabalik ng Pilipinas mula Amerika!(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: