Thursday, July 30, 2009

july 30 2009 abante tonite

Kinawawa si Noli
Rey Marfil


Ang bagong gimik ni Donya Consuelo, as in Jamby Madrigal-Valade, kasama ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), People for the Ethnical Treatment of Animals (PETA) at iba pang animal crusaders na ipagba­wal ang Greyhound dog racing sa Pilipinas.

Ang reklamo ni Jamby -- ina­abuso ang karapatan ng mga hayop at hindi dapat ginagamit sa sugal. Ang tanong ng mga kurimaw: Bakit pinapayagan ng gobyerno sa napakahabang panahon ang horse racing sa San Lazaro Maynila at nagawa pang ilipat sa Carmona Cavite?


Ayokong husgahan ang kaisipan ng mga animal crusader subalit paano ang karapatan ng mga tinale, aba’y weekly ang derby, mapa-Roligon Cockpit sa Pasay o tupada sa barangay. Anyway, tanging kauri ni Donya Consuelo at miyembro ng ‘alta-sociedad’ ang may kakayahang makabili ng Greyhound Dog kaya’t very expensive ang dog food, maging animal rights, hindi katulad ng askal, walang breeding at sinisipa sa kalsada.


Kung ‘cruelty to the a­nimals’ ang tingin ni Donya Consuelo sa Greyhound Dog Racing, hindi ba’t mas masahol sa ‘cruelty’ ang katayan ng aso sa Metro Manila? Ni sa panaginip, ayokong isi­ping bias ang pagiging animal crusader ng best friend ni Mar Roxas dahil mas maraming askal, as in asong kalye ang tinatadyakan, hindi pinapa­kain ng amo at ginaga­wang pulutan kada araw su­balit hindi magawang ipaglaban, maliban kung napatawad ang mga Askal sa Upper House?
***
Ala-Barack Obama ang campaign slogan ni Wow Dick Gordon subalit mi­smong sarili, hindi magawang baguhin, aba’y late sa housing probe ng Senate blue ribbon committee. Mantakin n’yo, kung anong gigil ipa-subpoena si Vice President Noli De Castro Jr., mismong misis ni ex-Congw. Kate Gordon ang atrasado sa public hearing noong nakaraang Hulyo 28.

Ang usapan: 1:00 p.m. subalit pasado 1:30 p.m., wala pa rin si Gordon, maging si Pong Biazon, chairman ng committee on housing, ito’y atrasado sa public hearing, as in pinaghintay ng humigit-kumulang 30 minutes si De Castro, maliban kung pinanindigan ng dala­wang senador ang pagi­ging “The Late Senator”.


Ang ipinagtataka ng mga kurimaw, naka-address ang Senate probe sa 53 libong delinquent housing loans ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) sa pagitan ng Deutch Bank Real Este Global Opportunities (Global) at joint venture sa Balikatan Housing Finance Inc. (Balikatan), alinsunod sa Senate Resolution No. 1094 ni Chiz Escudero, bakit inilihis ni Wow Dick sa TV ads ni De Castro ang isyu.

Kung gustong ipitin ni Wow Dick sa P500 mil­yon TV ads ng Pag-Ibig, bakit hindi naghain ng ibang resolus­yon upang isalang sa hot seat si De Castro, at least hindi obvious na pinag-iinitan ang makakaagaw sa party nomination bilang standard bearer ng BAKLA, as in Bagong Lakas at Kampi?


Hindi lang iyan, kung anu-anong pasaring ang ginawa ni Wow Dick sa public hearing, maging sa ambush interview gayong nakasama si De Castro sa majority block noong 13th Congress, sa ilalim ng liderato ni ex-Senate President Franklin Dri­lon, animo’y walang pinagsamahan at hindi nagkakasabay mag-merienda sa Senate Lounge, maliban kung bad trip si Wow Dick San Miguel Beer (SMB) product?

Ni sa panaginip, ayokong isiping ‘inggit lang’ ang nararamdaman ni Wow Dick dahil ‘bagyo’ ang rating ni De Castro kahit walang deklaras­yong tatakbo sa 2010, aba’y hindi uumubra ang pakiki­pag-photo ops sa mga dinukot ng Abu Sayyaf at kahit anong hugas ng kamay ang gawin sa TV ads, mas marami pa ang ‘limang tanda’ ng Safeguard commercial keysa percentage na nakuha sa SWS at Pulse! (mgakurimaw.blogspot.com)