Wednesday, July 15, 2009

july 15 2009 abante tonite

Presidentiable ‘bopols’ mag-Tagalog
(Rey Marfil)

Kahit anong pagpupumilit magpaka-masa ng isang presidentiable bilang preparasyon sa 2010 national election, sadyang lalabas ang pagka-kunyo, patunay ang pagkaka­sabit-sabit ng dila tuwing magsasalita ng Tagalog sa bawat okasyon.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung gaano ka-bopols magsalita ng Tagalog ang presidentiable, animo’y pasang-awa lamang ang grading na ibinigay ng kanyang titser sa Pilipino subject dahil nagkakapilipit ang dila nito.

Hindi mabilang kung ilang beses sumabit at nagkapilipit ang dila ng presidentiable kapag nagsasalita sa harap ng publiko, maging sa mga dinadaluhang pagtitipon at public hearing na ipinapatawag nito.

Ang masakit sa lahat, sariling wika ang binabalasubas at binababoy ng presidentiable, animo’y sumisimbulo sa tula ni Dr. Jose Rizal na higit pa sa malansang isda, patunay ang pagiging ‘bopols’ sa Tagalog dahil nagra-riot ang mga pandiwa at pang-uri.

Bagama’t itinuro sa eskuwela, simula kinder hanggang kolehiyo, ang tamang pagsasalita ng Tagalog o bahagi ng Pilipino subject ito, bagsak ang grado ng presidentiable kahit saang anggulo suriin.

Nagmula sa mayamang angkan ang presidentiable at nakapag-aral sa mga exclusive schools at de-kalibreng unibersidad kung kaya’t nakasanayang mag-Ingles, mapa-eskuwelahan o bahay lalo pa’t college graduate ang nagsilbing yaya.

Dahil sabit ang pagta-Tagalog ng presidentiable, madalas naiiba ang meaning o kahulugan ng mga katagang lumalabas sa bunganga kung kaya’t palihim itong pinagtatawanan ng mga kausap.

Maging staff ng presidentiable, hindi maiwasang matawa sa kahinaan ng kanyang amo na magsalita ng wikang Pilipino, animo’y nagra-rumble ang mga katinig, patinig, pandiwa at panghalip.

Hindi naman ikinagulat ng mga kurimaw ang pagpapaka-masa ng presidentiable sa pagsasalita ng Tagalog dahil kailangang kumbinsihin ang mga botante lalo pa’t kilalang ‘kunyotic mind’ at ipinanganak itong may gintong kutsara sa bibig.

Clue: Kinasangkapan ng presidentiable ang pa­ki­kipagrelasyon upang ma­ra­ting ang kinalalagyang posisyon sa pulitika. Ito’y meron letrang “A” sa apelyido. (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: