Sa halip ikatuwa ang pagkaroon ng lehitimong partido bilang preparasyon sa 2010 national election, pinagsisihan ngayon ng isa sa mga senatorial bet ang mapabilang sa kampo ng desperadong presidentiable. Ang rason, maagang nabalasubas ang guwapitong senatorial bet ng desperadong presidentiable, patunay ang kabiguang makapag-deliver ng huli. Hindi maiwasang matawa ni Mang Teban matapos madiskubreng naisahan ang guwapitong senatorial bet ng desperadong presidentiable dahil hindi tumupad sa usapan ang nabanggit. Napilitang tumawid ng bakuran, as in nag-ober da bakod ang guwapitong senatorial bet dahil pinangakuan ng multi-milyon pisong campaign fund ng desperadong presidentiable, hindi kabilang ang pagkargo sa kabuuan ng gastusin sa 2010 election, na hindi nito natupad. Ang masakit sa lahat, hindi makaangat sa senatorial survey ang pangalan ng guwapitong senatorial bet dahil walang panggastos at hindi rin isinasama sa mga political gimmick ng bagong amo. Pintahan n’yo na: Sandamakmak ang pondo ng desperadong presidentiable habang mestiso ang guwapitong senatoriable.
|
No comments:
Post a Comment