Thursday, April 30, 2009

april 30 2009 abante tonite

Kangaroo o itik court?
Rey Marfil


Ang sabi ni XP Manny Villar: Wala akong duda sa kakayahan ni Senator Enrile na chairman. In fact, ‘yan lang ang consolation doon. ‘Yun lang ang maganda doon sa Committee of the Whole, na somebody like JPE is the one chairing it.” Kung bilib si Villar sa leadership ni Manong Johnny, bakit inakusahang ‘big kangaroo court’ ang Committee of the Whole? Ni sa pana­ginip, ayokong isiping bara-bara mag-isip ang mga inarkilang ‘advi­ser’ ng mister ni Mam Cynthia, aba’y sumasabog at hindi maru­nong ‘mag-self control’.


Pansinin, kapag napi­pikon si Villar, ito’y nagkakandasabit-sabit at napa­pahamak ang bawat katagang lumalabas sa bunga­nga nito. Balikan ang double insertion, sa halip kausapin si Senator Ping Lacson at aminin ang pag-insert ng P200 milyon upang hindi humaba ang isyu, isang press conference ang ipinatawag at siniraan sa mga CaviteƱo ang senador. Ang ending, lumaki ang ‘sunog’ at nasibak sa trono.

Isa pang sabit ni Villar, ito’y tumangging magsumite ng membership sa ethics committee at inintrigang ‘committee report’ ang draft order na pinaikot via Alan Peter Caye­tano, kaya’t na-bad trip si Lacson, sampu ng miyembro nito.


Ang gusto ni Villar, ka­tulad ng report ni ABS-CBN reporter Lynda Jumilla, siya ang mamimili kung saan at kailan haharap sa imbestigasyon. Ang tanong ng mga kurimaw: Hanggang kailan maghihintay ng kasagutan ang sambayanang Pilipino kung nakinabang nga ba ang mga pag-aaring subdibisyon o lupain ni Villar sa P1.2 bilyong right of way ng C-5 Road, lalo pa’t pa­nay ang iwas sa imbestigasyon at iba ang pinakahahol? Hindi kaya mas type ni Villar sa ‘itik court’ dahil hindi makikita ang mantsa kapag nababad sa itikan ang polo shirt nito?
***
Napag-uusapan ang ethics probe, taong 2008 nabunyag ang double insertion pero hanggang ngayon, walang sagot si Villar sa eskandalo at ginawang spokesman ang anak ni ex-senator Rene Cayetano, naimbestiga­han sa 80 milyon BW scandal at naisalang din sa ethics probe, katulad nito. Ang pinakahuling recruit -- si Senator Nene Pimen­tel at ngayo’y ‘ipinambabala’ sa grupo ni Lacson.

Kung hindi nakinabang ang napakaraming subdibisyon ni Villar sa P1.2 bilyong right of way ng C-5 Road, bakit hindi ha­yaang gumulong ang im­bestigasyon at hamunin ng public apology sa national television si Jamby Madrigal kapag mali ang expose nito?

Sa lahat ng kapalpa­kan, pinakamalaking sa­bit lahat ni Villar, ang pagkopya sa ‘script’ ng anak-anakang si Pidro, as in
Alan Peter Cayetano, aba’y nakigaya sa litan­yang ‘kangaroo court’ ang ethics committee at tina­wag ding ‘big kangaroo court’ ang Committee of the Whole.

Napakatalinong tao ni Villar, ito’y hindi lamang nagtinda ng hipon sa palengke at naghalo ng graba kundi UP graduate, naging bilyonaryo sa pagnenegosyo, naupong Congressman, Speaker of the House, Senate President at No. 4 noong 2007 senatorial election, subalit nakakapagtakang walang sari­ling diskarte at nakikigaya lamang sa sasabihin, mali­ban kung sariling script ang hawak ni Alan Peter?


Kung naghahangad si Villar maupong Presidente, hindi kailangang iasa sa ka-double ang pagharap sa eskandalo at anong aasa­han ng publiko kung sari­ling bahay, ito’y ayaw pakastigo at hindi sinusunod ang rule of law, katulad ng nakasaad sa Senate rules, ma­liban kung aral kay Mrs. Arroyo? (www.mgakurimaw.blogspot.com)