Saturday, April 25, 2009

april 25 2009 abante tonite

Lady solon nambunggo na, nagtaray pa
(Rey Marfil)

Lalo pang lumabas ang ‘pagka-krung-krung’ ng isang bruhildang miyembro ng Kongreso matapos magtaray sa hallway gayong sariling kapalpakan at kapabayaan ang ginawang pagbunggo sa photographer habang papasok ng session hall.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano umastang nakuryenteng pusa at nagtayuan ang buhok ng bruhildang lady solon sa tindi ng pagkapikon matapos banggain ang isang photographer, animo’y electric wire na nasunog ang hairdo nito dahil sa galit.

Bago nagtaray ang bruhildang lady solon, naglalakad ang in-house photographer ng kasamahang mambabatas sa gilid ng hallway, papasok sa session hall kung saan eksakto namang nakabuntot sa likuran ang nabanggit.

Dahil maraming bisita at nagkalat ang mga estudyanteng nag-o-observe sa regular session, nagkabuhul-buhol ang daloy ng tao papasok sa magkabilang gallery at nagkataong naglalakad ang photographer, kabuntot ang bruhildang lady solon at isa pang senador.

Sa puntong ito, umiwas ang photographer sa mga taong nakasalubong at napahinto dahil maraming pakalat-kalat na bisita sa hallway kung saan aksidenteng nabunggo ito ng bruhildang lady solon, sabay tulak sa balikat nito.

Hindi pa nakuntento sa pagtulak sa balikat ng photographer, huminto sa harapan ang bruhildang lady solon at tiningnan ng masama sa kanyang likuran ang photographer, animo’y sinipat at sinuri ang buong pagkatao nito.

Nang mapansing photographer ang nabunggo at naitulak, pinagbalingan ng bruhildang lady solon ang dalawang bodyguard, sabay sermon na trabaho ng mga ito na tiyaking maayos ang kanyang lalakaran.

Gamit ang katagang ‘That’s your job’, hinarap ng bruhildang lady solon ang kawawang bodyguard kung saan hindi nakahuma nang duruin ang mga ito, as in umigkas ang isang daliri ng mambabatas, sabay sermon sa kanilang kapabayaan.

Maging ang naglipanang kurimaw sa hallway, sa pangunguna ng kasamang mambabatas at iba pang reporter ay napaatras at napailing dahil sa pagtataray ng kumag.

Clue: Hindi kuwestyon ang husay ng bruhildang lady solon sa paglikha ng batas, maliban sa kanyang kaisipan tuwing magwawala at masarap itong kakampi, depende sa halaga. Kung senadora o congresswoman, ito’y meron letrang “N” sa apelyido, as in nakukuha sa pera-pera bilang kakampi. (www.mgakurimaw.blogspot.com; reydspy@gmail)

1 comment:

mgakurimaw said...

ang makakahula... libreng sermon..