Wednesday, April 22, 2009

april 22 2009 abante tonite

Solon, naubusan ng laway, idinaan sa pagluha!
(Rey Marfil)

Sa sobrang daldal ng isang miyembro ng Kongreso, mistulang idinaan sa pagluha ang mga namuong laway sa kanyang bunga­nga, patunay ang makailang-beses na pag-iyak habang kainitan ng talumpati.


Bagama’t hindi literal na laway ang lumabas sa mga mata ng daldalerong solon, hindi maiwasang matawa ng TONITE Spy sa mga eksenang naganap sa session hall, dahil naubusan ng laway ang mambabatas sa kadidiskusyon.

Bago nagkaubusan ng laway sa debate, halos ilang minutong hawak ng daldalerong solon ang buong session hall, as in mag-isang binalikat ang pakikipagtagisan sa interpellation at walang kapa­gurang sinasagot ang mga isyung ipinupukol dito.

Maliban dito, ilang oras ding naglitanya sa mga radio interview ang dalderong solon at nagawa pang mag-ikot sa iba’t ibang himpilan, maging sa television station, hindi pa kabilang ang press conference na dinaluhan sa labas ng GSIS compound.

Kinahapunan, muling napasabak sa debate at diskusyon ang daldalerong solon kung saan nagmistulang sirang plaka na inulit ang mga naunang pinagsasabi sa press conference at radio interview.

Sa tagal ng pagdadaldal sa loob ng session hall, big­lang natigalgal ang boses ng daldalerong solon at wala ng iba pang katagang lumabas sa bibig, sa halip, luha ang umaagos sa mag­kabilang mata nito.

Sa puntong ito, hindi maiwasang magtawanan ng mga kurimaw sa session hall dahil likas sa dalda­lerong solon ang maghasik ng laway.


Isa lamang sa mga biruan ng mga reporter ang alegasyong naubusan ng laway o natuyuan ang lalamunan ng daldalerong solon kung kaya’t idinaan sa dalawang mata ang laway at nauwi sa luha ito.


Clue: Hindi matatawaran ang husay ng dalda­lerong solon subalit napaka-imposibleng makarating sa pinupuntiryang posis­yon, lalo pa’t kulelat ito sa mga survey. Ito’y isa sa tinaguriang “Mulaway”, as in talsik nito’y lumalaway, kaya’t nababato ng tinapay ng kanyang amo. (www.mgakurimaw.blogspot.com).

1 comment:

mgakurimaw said...

eto pa, hulaan nyo kung sino... isang timbang laway ang premyo with conditioner... hahaha