Kung may kinakatakutan ang isang ambisyosong miyembro ng Kongreso, hindi ang kanyang misis kundi ang pinangangambahang pagkaungkat ng mga kaso ng land grabbing kaya hindi makapagkatulog patunay ang pagdami ng mga gurlis sa kanyang face. Katulad ng madalas ipaalala ng mga nakakatanda na malupit rumesbak at sumingil si Karma, natatawa si Mang Teban, tuwing mapag-uusapan ang delubyong kinasasangkutan ngayon ng isang ambisyosong solon dahil malapit nang maging kamukha si Brad Pitt sa pelikulang The Case of Benjamin Button. Ang rason, hindi makapagkatulog at nangangalumata na ang solon sa dami ng iniisip dahil sa sangkaterbang kaso. Kung nagkataong mahirap ang ambisyosong solon, posibleng namulaklak sa eye bug ang magkabilang mata o buong mukha sa kaiisip kung paano malalagpasan ang land grabbing case na nakaambang mabunyag. Pintahan n’yo na: Pera-pera ang motto ng ambisyosong solon at binabayaran ang mga tumatayong ‘ka-double’ para sumagot sa mga kinasasangkutang eskandalo. Kung senador o kongresista, abangan sa 2010 election(www.mgakurimaw.blogspot.com)
|
2 comments:
hulaan nyo nga....
boss kilala ko yan!!!!
hindi na yan nagtatagal sa loob ng session hall, nagpapatsek lang yan ng attendance sa pamamagitan ng pagkaway!!!
isingit mo lang boss, itaga mo sa bato!!
Post a Comment