Kahit 250 libo ang population requirement sa bawat congressional district, ipinipilit ng Arroyo administration ang 170 population, as in pinahahati ang distrito ni Cong. Dato Arroyo sa 1st at 2nd district, gamit si Senator Joker Arroyo. Mismong si Senator Noynoy Aquino, chairman ng local government committee, plakado ang hidden agenda ng Palasyo -- maaaring gamitin ni Mrs. Arroyo ang isa sa distrito sa CamSur, hindi ang Pampanga kapag lumusot ang Con-Ass.
Kundi uubra ang ChaCha, at least secured ang anak, aba’y paano kung bumalik si DBM Sec. Nonoy Andaya sa 2010 polls? Take note: Si Andaya ang nakaupo sa 1st district at ipinaubaya kay Dato, kapalit ang cabinet post. Ganyan kadesperado at kalupit mag-isip ang Palasyo. Kahit itanong niyo pa kay birthday boy Gerry de Belen!
Ang nakakalungkot, nadamay ang Cavite province sa ‘re-districting’. Mantakin niyo, 3-congressional seat lamang ang Cavite gayong 3 milyon ang population, ito’y napakalayo sa 6-congressional district ng Bulacan. Ang nakakatawa lang, nag-iiwasan sa kalaban ang mga proponent, katulad ni retiring Governor Ayong Maliksi, puntirya ang lone district ng Imus para maiwasan si Cong. Barzaga sa 2nd district.
Take note: Anak ni Ayong si Imus Mayor Manny Maliksi. Maging si Cong. Boying Remulla, pinahati ang 3rd district at ipinasa sa 4th at 5th district. Anyway, expected ang pagpalag ng Tagaytay City na maisama kay Boying dahil kalaban ang grupo ni Mayor Tolentino.
Kapag lumusot ang ‘extra district’ sa Cavite, isang option ng kampo ni Senator Bong Revilla ang pagtakbuhing Congresswoman sa lone district ng Bacoor ang kanyang esposa -- si Lani Mercado. Ang posibleng makabangga ni Lani si ex-Cong. Praridel Abaya -- ang tatay ni Cong. Jun Abaya na kumakatawan sa 1st district. Nakakatawa ‘di ba, sila-sila ang nagkikita sa finals.
Ang malinaw lang sa deklarasyon ni Senator Bong, hindi ipipilit si Lani kapag malabong manalo, aba’y mahirap nga naman madalawahan ng talo. Iyon nga lang, napakaganda ng performance ni Mayor Strike Revilla, as in isang ‘Bagong Bacoor’ ang sasalubong pagpasok ng Cavite, siguradong click ang tandem ng mag-hipag kapag naupo dahil buhos ang proyekto sa Bacoor!
***
Napag-uusapan ang congressional race, kung katulad ni ex-Pag-IBIG President Miro Quimbo ang lahat ng mga nakaupong gabinete ni Mrs. Arroyo, matagal nang nabura ang mga sipsip at walang delicadeza sa gobyerno. Iyong ibang opisyal, sagaran kung gamitin ang makinarya at government funds upang pabanguhin ang imahe bilang preparasyon sa pulitika.
Ibahin niyo si Miro Quimbo, ito’y nag-resign upang mapaghandaan ang pagtakbong Congressman sa 2nd district ng Marikina. Ang rason: Ito’y merong delicadeza sa katawan, as in ayaw maakusahang ginagamit ang kapangyarihan at government funds para mapaboran ang political ambitions, katulad ng ginagawa ng mga ulupong sa Palasyo at ganid sa gobyerno.
Sabagay, napapanahon ang pagtakbo ni Miro sa Marikina bilang Congressman, hindi lamang hinog kundi subok sa public service. Sa daming naupo sa Pag-ibig, walang katulad si Miro, ito’y napaka-matulungin at madaling kausap basta’t bahay ang problema. Sa lahat ng tropa ni ex-presidential chief of staff Mike Defensor na dinala sa Malacanang, wala nang titino pa kay Miro Quimbo bilang public servant.
At ang pinakamagandang mangyayari sa mga taga-Marikina, hindi katatakutang ‘ma-food poison’ ang kanilang Congressman dahil siguradong hindi ‘mapapanisan ng laway’ sa session hall si Miro dahil meron itong ibubuga sa paglikha ng batas. Kahit itanong niyo sa mga senador kung sino ang may likha ng Pag-IBIG charter at lehitimong ‘think thank’ sa housing project ng Malacanang! (www.mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
ano sa tingin nyo........
Post a Comment